What's new

Worth Ba Na Maging True to Yourself ka o Hindi?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,890
Reaction
856
Points
528
Ang tao kase magulo. Hindi malaman ang gusto.

Kapag naging honest ka , galit sa iyo so mapipilitan ka rin magsinungaling pero kapag nagsinungaling ka naman , galit din sa iyo.

Kapag nagpakatotoo ka sa self mo , galit sila sa iyo at hindi ka nila gusto. Kapag nagkunwari ka naman at hindi ka nagpakatotoo , ang sasabihin naman sa iyo ay plastic dahil hindi ka totoo sa sarili mo.

Kahit anong sulok sa mundo , meron pa rin tao na mag aayaw sa iyo.

Kayo? Gusto niyo ba maging true to yourself o magkunyari na lang? Ano ang mas worth at mabuti?
 
"if you want to be successful you must respect one rule never lie to yourself "

Integrity dapat

Sa Diyos tayo naglilingkod
 
basta magpakatotoo ka lang. hindi na bale kung anong sasabihin ng iba. kahit ano naman gawin at sabihin mo meron at meron silang masasabi na hindi maganda sayo. hindi mo din kailangan iplease yung mga tao sa paligid mo kasi hindi naman lahat sila tatanggapin ka.
 
pwede ka naman maging totoo sa sarili mo kung alam mong mabuti kang tao, hindi naman sasama tingin sayo at magiging plastic tingin sayo kung masama talaga ugali mo, kung alam mong mabait ka deep inside, alam mo na sa sarili mo na totoo ka at hindi mo kailangan pekein yung pinapakita mong ugali.
 
“Don’t worry what people say or what people think. Be yourself.”

di natin kontrolado isipan ng mga tao.. kahit anong gawin natin, may mga side comment sila talaga jan, mapa positive man yan or negative .. wag mo nalang pansinin yung mga sinsabi nila kung alam mo naman na di makakatulong sayo.. basta paka totoo ka lang sa sarili.. at sa ibang tao,.. i-enjoy mo lang ang buhay.. 😊
 
Magpaka totoo ka man o hindi kung hindi ka gusto ng isang tao hindi ka gusto hindi mo na mababago yan..

Pero mas mahalaga na totoo ka parin sa sarili mo dahil may mga tao parin naman na mas titignan yung good sides mo kaysa sa bad sides mo
 
Na realize ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan maging totoo ang tao sa self. Experience ko kase nang binanggit ko at nag open up ako about a Goddess, yung napapaloob about beliefs doon na kung ano ang alam ko, well, ang mga ka eyeball ko from forums na more than twice kami nagsama at nagkita ay kinabukasan, hindi na nagpakita sa akin at hindi na ako niyaya. Sa kabilang forum noon....... basta iba.

Ang pagiging bakla nga o tomboy nga ay hirap nga maging totoo sa self kapag lumaki siya sa traditional religious family sapagkat mas epapa guilt siya ng family niya na mapupunta kuno agad sa impyerno dahil hindi siya tunay na lalake o hindi tunay na babae and so ang iba doon ay nagkaka RTS na siya o nagkakaroon ng "religious trauma syndrome" kung saan syndrome siya na nasisira na ang buhay ng isang individual like depression at stress sapagkat guilt driven ang ipinapataw sa kanya ng family na ginagamit lang ang bible o ang religion na nag ca cause ito ng matinding trauma sa life niya.

Suppressed at oppressed kung baga kaya hindi rin magiging true sa sarili.
 
Last edited:

May extra burden talaga pag ang yung self na gusto mo ipakita sa ibang tao ay iba sa nakagawian na norm. You have to prove yourself somehow bago ka pagkatiwalaan ng tao sa mga pananaw mo. That is just how it is when you "go against the grain."

But, it doesn't mean na itatago mo ang self mo. Kailangan mo lng maging extra careful kasi it can be seen as offensive. At syempre, kailangan mo din i-open ang sarili mo sa mga bagay na pinagrerebeldehan mo, just in case mali ka pala.

Black sheep din ako ng pamilya lumaki. The worst rebel. I have caused many heartaches to my parents. But I was able to gain respect from my family, kahit compared sa ibang cousin na sumunod sa norm, i have gained more respect from my parents, titas and titos, and relatives. Sa katunayan, isa ako sa mga non-bachelor degree. But despite that, i have gained a voice, which i never thought i would have gained. I even get accused of being "sipsip", which is really more fitting to them.

Kaya malapit loob ko sa mga kapwa ko rebels.

Minsan talaga you have to tackle your challenges head on. Swerte nga tayo iba sa "normies", the challenges are presented to us early on.

Hopefully, Goddess gives you strenghth through your challenges.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top