Sa Taiwan kasi tumakbo yung mga kapitalistang leaders dati ng China noong matalo sila ng mga komunista nila Mao. Nandun lagi ang threat ng China na sakupin ang "breakaway province" nila kapag mag-declare ng independence ang Taiwan.
Syempre, iba ang banta sa gagawin talaga. Parang yung North Korea lang 'yan na nagbabanta lagi na susugod ulit sa South Korea. Bukod sa malakas ang military ng Taiwan, malaki rin ang trade na nangyayari sa pagitan nila. So unless may matinding kagaguhang pumasok sa mga utak ng nagpapatakbo ng dalawang lugar, 'wag ka dapat kabahan agad.