What's new

Closed World records na walang gustong bumura.

Status
Not open for further replies.

PHC-Yasuo

Addict
Joined
Jul 25, 2017
Posts
121
Reaction
40
Points
119
Age
23
medyo mahaba to guys pero nakakatawa yung iba.

WORLD RECORD NA WALANG GUSTONG BUMURA

Pinagpaplanuhan at pinaghahandaan nang mabuti ang pag-break sa mga world record.
Sino nga ba naman kasi ang ayaw humawak ng world record di ba? Kaya marami ang sumusubok na masungkit ang titulo.
Pero ayon sa isinulat ni Steve Wynalda sa Listverse mayroong mga record na hindi mo pag-iisipang makuha. Narito ang ilan...
10.) PALAYUAN NG LIPAD
Si Matt Suter ay 19-taong-gulang at senior high school nang tumama ang isang bagyo sa kanilang lugar sa Forland, Missouri, USA noong Marso 12, 2006.
Siya ay nasa mobile home ng kanyang lola noon kasama ang kanyang tiyuhin na may kapansanan.
Nang lumakas ang hangin ay bumangon si Suter upang isara ang bintana.
Biglang nakalas ang mga pintuan ng mobile house at inuuga ito ng hangin.
Dahan-dahan gumuho ang mga pader at isang ilawan ang tumama sa ulo ni Suter kaya nawalan siya ng malay-tao.
Nakita ng lola nang tangayin ng hangin ang katawan ni Suter. Ang tumama sa kanila ay isang F2 turnado.
Itinapon ng hangin si Suter sa layong 398.37 metro. Nagising siya makalipas ang ilang saglit at ang tanging sugat na tinamo ay ang tinamaan ng ilawan.
Nakaligtas ang kanyang lola at uncle na nadaganan ng mabibigat at kasangkapan kaya hindi natangay ng hangin.
Tinalo ni Suter ang 1999 record ng isang lalaki na itinapon ng buhawi sa layong 30 metro. At ang 1955 record ng isang babae sa South Dakota na dinala ng hangin sa layong 300 metro.
9.) PARAMIHAN NG ANAK
Marami ang nanood ng ipalabas ang buhay ng pamilya Duggars sa Arkansas, USA na mayroong 19 na anak.
Pero sisiw ito kung ikukumpara sa Guinness World Records na 87 ang anak.
Isang magsasaka noong 18th century sa Shuya District, Moscow, Russia ang may hawak ng record na ito. Siya si Feodor Vassilyev.
Siya ay mayroong dalawang asawa, 22 pares ng kambal, siyam na set ng triplet at apat na set ng quadruplet. Aba ang petlu!
Si Vassilyev ay ipinanganak noong 1707 at naging tatay na sa edad na 18.
Huminto siyang magkaroon ng anak noong siya ay 40 anyos na. Dalawang anak niya ang namatay sa murang edad.
Siya ay 75 taong gulang na ng makapanayam ng media at noon ay buhay ang lahat ng kanyang 84 na anak. Dahil dito siya ay pinasundo at pinapunta sa St. Peterburg upang makausap ni Empress Catherine II.
Ang unang misis ni Vassilyev ay 27 beses na nagbuntis at nagluwal ng 69 sanggol malayo sa kanyang ikalawang asawa na nanganak nang walong beses at nagluwal ng 18 bata.
8.) PABIGATAN
Hindi nakakapagtaka kung ang pinakamabigat na lalaki at babae sa mundo ay Amerikano. Sa US kasi ay 34% populasyon ang obese ayon sa survey noong 2013.
Si Jon Brower Minnoch, mula sa Washington, ay 12 anyos nang tumimbang siya ng 135 kilo.
Nagpatuloy siyang bumigat hanggang sa umabot siya sa 635 kilo noong 1978. Sa naturang taon ay nagkaroon siya ng heart at respiratory failure kaya kinailangang dalhin sa University Hospital sa Seattle. Siya ang binuhat ng 12 bumbero.
Sa ospital nabatid ng mga doktor na siya ay may edema at kailangang alisin ang 40p kilo ng likido sa kanyang katawan.
Dalawang taon siya na-confine at nahiga sa dalawang kama na pinagtabi. Kailangan ng 13 tao para siya ay mapatagilid.
Habang nasa ospital, pinakasalan niya si Jeanette na mayroon lamang bigat na 50 kilo. Dahil dito ay nakuha nila ang record na biggest weight difference ng mag-asawa.
Si Minnoch ay nilimitahan sa 1,200 calorie diet at nang lumabas siya ng ospital siya ay nabawasan ng 419 kilo, ang pinakamalaking weight loss na nairekord.
Namatay siya noong 1983 sa edad na 41.
Ang babae na may hawak ng record sa pabigatan ay si Rosalie Bradford ng Florida. Siya ay may timbang na 544 kilo.
Mabilis siyang bumigat matapos na manganak.
Na-depress siya dahil sa kanyang laki at tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pain killer overdose. Pero dahil sa laki niya inabsorb ng kanyang katawan ang gamot at pinatulog lamang siya ng ilang araw.
Matapos makausap ang weight-loss guru na si Richard Simmons ay nagkaroon siya ng pag-asa na pumayat.
Isang taon matapos niyang simulan ang clapping exercise ay nabawasan siya ng 190 kilo. Umabot sa 317 kilo ang kanyang naibawas sa timbang kaya siya rin ang may hawak ng weight loss record na babae.
Noong 1992, ang timbang niya ay bumaba sa 136 kilo at pumasok na siya sa eskuwelahan. Nagtapos siya sa kursong Psychology. Naglibot siya sa iba't ibang lugar upang magbigay ng motivational speeches. Namatay siya noong 2006 sa edad na 63.
7.) PALAKIHAN NG KIDNEY STONE
Natukoy ng mga doktor na mayroong kidney stone si Dhanraj Wadile, isang shop owner sa Shahadah, India, noong Disyembre 2009.
Ang nag-opera sa kanya ay si Dr. Ashish Rawandale-Patil. Gamit ang endoscope at scalpel, inalis ni Dr. Patil ang 172,155 calcium oxalate at phosphate stone sa kanyang kalaliwang kidney. Tumagal ito ng apat na oras.
Inabot ang team ni Dr. Patil ng mahigit isang buwan para mabilang ang mga nakuhang bato at ipinadala sa Guinness.
Tinalo ni Wadile ang record na 14,098 bato na nakuha sa isang pasyente.
Ang may hawak naman ng record na may pinakamalaking bato na nakuha sa kidney ay ang Mumbai police constable na si Vilas Ghuge.
Noong Pebrero 2004, inoperahan si Ghuge at nakuha sa kanya ang 13 sentimetro o anim na pulgadang bato.
Ang normal na bato sa kidney ay 9 sentimetro lamang.
Noong 2009, ang Hungarian na si Sandor Sarkadi ay nakuhanan ng 1.13 kilo na bato. Kasing laki ito ng niyog.
6.) PABILISAN
Hawak ni Donald Campbell ang walong world speed record na ginawa niya sa lupa at sa tubig.
Siya rin ang nag-iisang tao na naka-break ng Land Speed Record at Water Speed Record sa loob ng isang taon - noong 1964.
At nadagdagan pa niya ang kanyang record noong Setyembre 16, 1960, nang siya ay mamatay.
Si Donald ang nag-iisang anak ni Sir Malcolm Campbell, isang racer na may hawak ng 13 speed records - siyam sa lupa at apat sa tubig.
Nang mamatay ang kanyang ama, narinig ni Donald na mayroong Amerikano na gustong burahin ang record ng kanyang tatay. Dahil dito pumasok si Donald sa pangangarera.
Noong 1950s, nakuha ni Campbell ang mga rekord - ang kanyang bilis ay umakyat mula 257 hanggang 418 kilo metro bawat oras.
Noong 1960s, tinalo na ni Campbell ang LSR ng kanyang ama.
Umabot ang kanyang bilis sa 634 kilometro bawat oras, na katulad ng record na hawak ni Brit John Cobb. Namatay si Cobb noong 1952 sa isang aksidente habang tinatangkang talunin ang WSR ni Donald.
Naniniwala si Donald na kaya ng kanyang Bluebird CN7 na lumagpas sa 643 kilometro bawat oras.
Sa kanyang ika-anim na test run sa Bonneville Salt Flats sa Utah ay nawalan ng kontrol ang kanyang sasakyan sa bilis na 586 kilometro noong Setyembre 16, 1960.
Dahil matibay ang kaha ng sasakyan, nabuhay si Donald pero nabasag ang kanyang bungo at nasira ang kanyang eardrum.
Makalipas ang ilang buwan ay muli siyang nangarera. Noong 1964 nakuha ng kanyang Bluebird ang record na 648.5 kilometro bawat oras.
Sumunod niyang tinarget na mapataas ang WSR. Namatay siya noong Enero 4, 1967 ng nawalan ng kontrol ang Bluebird K7 sa bilis na 480 kilometro bawat oras.
Ang kanyang katawan ay lumubog sa Coniston Lake at nakuha lamang noong 2001.
5.) PINAKAMARAMING BESES NABALIAN NG BUTO
Noong 1977, ang huling lipad ni Robert Craig Knievel aka Evel Knievel sakay ng kanyang motorsiklo. Siya ay isang ramp-to-ramp motorcycle jumper.
Naaksidente si Knievel at nagtamo siya ng 433 basag sa 35 buto, isang world record.
Nabasag ang kanyang bungo, ilong, panga, collar bone, braso, kamay, tadyang, gulugod, bukong-bukong, tuhod at kung saan-saan pa.
Nang una siyang naaksidente noong Pebrero 1966, hindi siya nakasakay sa motorsiklo.
Ang trip niya noon ay tumalon upang maiwasan ang paparating na motorsiklo. Nahuli ang pagtalon ni Knievel kaya siya nabangga ng motorsiklo. Tumilapon siya sa layong 4.5 metro.
Ang pinakamalala naman niyang aksidente ay noong Disyembre 31, 1967. Sakay ng lundagan ni Knievel ang mga fountain sa Caesars Palace sa Las Vegas.
Nalagpasan niya ang fountain pero kinapos sa landing kaya siya sumemplang. Kung anu-anong buto sa katawan ang kanyang binali. Siya ay na-comatose nang 29 na araw.
Hindi pa rito natapos ang kanyang mga disgrasya sa buhay. Siya ay nahulog din sa golf course at dalawang beses siyang nahulog sa whirlpool. Dahil mahilig sa alak, bumigay ang kanyang atay at kinailangan siyang magpa-liver transplant.
Ang pinahuli niyang ginawa na tumapos sa kanyang buhay ay direkta niyang ipinasok sa kanyang gulugod ang morphine at synthetic ******. Namatay siya noong Nobyembre 30, 2007 sanhi ng pulmonary fibrosis.
4.) PINAKAMATAGAL SA GURNEY
Nagkaroon ng bagong category ang Guinness Book of World Records para kay Tony Collins.
Ang record ni Collins ay ang pasyente na pinaka-matagal inihiga sa gurney (higaan sa ospital na mukhang stretcher na may gulong).
Si Collins ay diabetic at na-virus kaya siya isinugod sa Princess Margaret Hospital sa Swidon, England noong Pebrero 24, 2001. Walang available na kuwarto kaya siya ay inihiga sa isang gurney at itinabi sa hallway.
Umangal siya dahil walang privacy at humihingi lamang siya ng tubig sa mga nagdaraang nurse dahil walang mapaglagyan ng tubig.
Tumagal siya roon nang 77 oras at 30 minuto bago naipasok sa kuwarto.
Habang iniimbestigahan ng Guinness ang kanyang record ay muling na-ospital si Collins. At 60 oras naman siyang humiga sa gurney.
Alam ni Collins na hindi magtatagal at may ibang makakasungkit ng kanyang titulo dahil sa National Health Service ng England.
Nagkatotoo ang sinabi niya noong Marso 2013. Sinira ng 63-anyos na si Herbert Edwards ang kanyang record ng atakihin ito sa puso at isugod sa Great Western Hospital, sa Swindon.
Anim na araw o 144 oras siyang naghintay sa gurney bago nabigyan ng kuwarto at nailipat sa hospital bed.
Sa kaparehong ospital, nagtagal ang 41 anyos na si June Rogers nang 157 oras sa paghihintay ng kuwarto. Kaya lang hindi tuloy-tuloy ang kanyang pananatili sa gurner kaya hindi niya nasungkit ang record.
3.) PINAKAMARAMING BESES NA NAPUTOL ANG KAMAY
Minsan merong mga record na mahirap na masungkit, at mas mahirap kung tatalunin ng record holder ang sarili niyang record.
Si Clint Hallam ang may hawak ng record ng pinaka-maraming beses na naputulan ng kamay.
Unang beses nang putulin ang kanyang kanang kamay gamit ang lagare habang siya ay nakakulong sa Rollston Prison Christchurch dahil sa panggagatso.
Ikinabit ng mga surgeon ang kanyang kamay pero na-infect ito kaya muling pinutol noong 1988.
Makalipas ang 10 taon, siya ay inalok na makamit ang medical record bilang benepisyaryo na kauna-unahang hand transplant.
Siya ay pumunta sa Lyons, France para maikabit sa kanya ang kamay na kinuha mula sa naaksidenteng motorista.
Naging matagumpay ang pagkakabit sa kamay, ang problema ay hindi gusto ni Hallam ang kamay. Masyado itong malaki at iba ang kulay sa kanyang balat. Sa madaling salita hindi match.
Habang nagpapagamot, na-inlove si Hallam sa kanyang nurse at iniwan ang kanyang misis na 12 taon na niyang kasama.
Nawalan ng contact si Hallam sa kanyang mga doktor at hindi na rin siya umiinom ng anti-rejection medicine. Kaya isinuka ng kanyang katawan ang kamay at kinailangan itong putulin sa ikatlong pagkakataon noong 2001.
Maraming doktor ang nadismaya dahil sa nasayang lamang ang pinagpaguran.
Noong 2002, muling hiniling ni Hallam na siya ay magkaroon ng hand transplant. Wala pang tumutugon sa kanyang kahilingan.
2.) ASO NA HINDI MAMATAY-MATAY
Ang 10-buwang pit bull na si Dosha ay mayroong masamang araw noong Abril 15, 2003.
Noong umaga, tumalon siya sa bakod upang makalabas sa bakuran ng kanyang amo sa Clearlake, California. Nabangga siya ng pickup truck.
Nakahiga siya ng dumating ang mga pulis. Isa sa mga pulis ang nag-akala na malubha ang kanyang sugat kaya binaril niya ito sa ulo upang hindi na maghirap pa.
Nang dumating ang animal control inilagay nila sa plastic ang aso sa pag-aakala na patay na ito.
Pagdating sa dog pound, inilagay nila ang aso sa freezer.
Makalipas ang dalawang oras, mayroong nagbukas ng freezer at nakita na nakaupo si Dosha.
Ang bala na tumama sa kanya ay tumagos sa kanyang bungo at bumaon sa kanyang baba. Siya ay nagka-hypothermia at walang nabaleng buto dahil sa pagkabangga.
Naalis ang punglo na bumaon sa kanyang paa at nabingi siya dahil sa insidente.
Si Dosha ang may hawak ng record na luckiest dog in the world.
1.) TAO NA MAHIRAP PATAYIN
Dahil ayaw nila na mag-paligsahan ang mga tao, walang opisyal na record ang Guinness sa kategoryang ito.
Kung meron si Grigori Rasputin ang isa sa mga lalaban sa titulong pinakamahirap patayin.
Sa loob ng isang gabi siya ay nilason, binaril nang tatlong beses, pinutulan ng bayag at itinapon sa nagyeyelong ilog.
Pero mukhang tatalunin ni Rasputin ng record ni Michael Malloy.
Si Malloy ay 50 taong Irish na immigrant sa New York City. Siya ay dating bumbero na walang sariling bahay at lasenggo.
Limang kasama ang nakaisip na kuhanan siya ng tatlong insurance policy at patayin siya para kumita.
Isang kasama ni Malloy ang walang humpay na pinainom siya ng alak at umasa siya ay mamamatay pero hindi ito nangyari.
Pinalitan ng bartender at isang kasabwat ng antifreeze ang whiskey ni Malloy. Anim na baso ang nainom ni Malloy bago siya nakatulog pero hindi pa rin siya namatay.
Sa loob ng isang linggo puro antifreeze ang kanyang ininom pero hindi siya namatay.
Sumunod na itinagay sa kanya ay turpentine pero wala rin itong epekto sa kanya.
Pinaghalong horse liniment at lason ng daga ang sumunod na ipinainom sa kanya at nang hindi ito tumalab ay oyster na nilagyan ng wood ******* ang ipinakain sa kanya.
Walang nangyari kaya ang next sa menu ay panis na sardinas na nilagyan ng carpet tacks.
Isang gabi, bumaba sa 25 degrees Celsius ang temperatura. Itinapon ng mga magkakasabwat si Malloy sa snow at binuhusan ng tubig ang kanyang ******. Hindi siya namatay kaya binangga siya ng isa sa mga ito ng taxi. Tumilapon siya na parang manika.
Tatlong linggo sa ospital si Malloy pero siya ay nabuhay.
Nang gumaling ay niyaya na si Malloy at nilasing. Sinaksakan nila siya ng hose sa bunganga na nakakabit sa LPG. At natuluyan na siya.
Makakalusot na sana ang mga gumawa nito sa kanya kung hindi lang sila maingay. Mayroong pulis na naka-pansin sa kanila at nahuli silang lima.
Apat sa kanila ang hinatulan ng kamatayan at na-silya elektrika. At hindi gaya ni Malloy natuluyan sila kaagad.

©DWE
 
09753033934 TM.
Girls tawagan nyo lang tong number ko pag Gusto nyong i-Beat yung #9 world record.
Lol biro lang hahahahahah
 
Paramihan ng Anak , Paramihan ng naputol na kamay , paramihan ng nabalian ng buto tska yung mahirap patayin :D haha! Buwis buhay naman pala yan :D
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top