What's new

Trivia Why we need to balance time to worship God?

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Sabi ng Diyos,
"Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Nguni’t ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos…..Hindi mo nadarama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, nguni’t mababatid mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi. Magsisisi ka sa panahong iyon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, nguni’t darating ang araw na ikaw ay magsisisi. Kapag dumating ang araw na iyon at ang kadiliman ay bumaba at wala na kailanman ang liwanag, magiging huli na ang iyong mga pagsisisi. Dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang kasalukuyang gawain kaya nabigo mong pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sansinukob, na ang ibig sabihin ay kapag nagkatotoo na ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan, maraming mga tao ang hahawak sa kanilang mga ulo sa pagtangis. Hindi ba iyon pagkahulog sa kadiliman na may kasamang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin?"
 
Back
Top