What's new

What Carmina Villarroel knows about her twins' rumored romance with Darren Espanto and Kyline Alcantara

PHC-G26

Elite
Joined
Apr 22, 2018
Posts
509
Reaction
258
1629961869453.png



Nagsalita si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. tungkol sa pagkaka-link ng kanyang kambal na anak na sina You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa Kapamilya singer na si Darren Espanto at sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara, respectively.

Naiintriga ang marami kung ano ang real score ng relasyon ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sina Cassy at Mavy, 20 anyos, ay mga anak ni Carmina sa mister na si Zoren Legaspi.

Taus-puso ang pasasalamat ni Carmina sa fans na bumuo ng tambalang Cassy at Darren (CassRen), bagamat wala namang proyekto ang dalawa at nasa magkaibang istasyon pa.

"Hindi naman po sila magka-love team, pero meron kasing CassRen.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng tagasuporta ni Cassy ‘tsaka ni Darren kahit na wala silang something together," sabi ni Carmina sa kanyang YøùTùbé vlog noong August 21.

Inilarawan ni Carmina si Darren bilang "good boy." Wala raw siyang masabing masama sa singer na inili-link sa kanyang anak na babae.

Aniya, "Wala akong masasabi kay Darren. Darren is a good boy.

"Every time we would see each other na hindi naman po madalas, kasi bawal naman…

"Pero yung mga few times na magkikita kami before sa work, very magalang, very respectful siya.

"He’s a very talented person, great singer. Magaling din sumayaw."

Matagal na raw kaibigan nina Cassy at Mavy si Darren.

"And even before this, kasi magkaibigan din sila, not only Cassy but also din si Mavy.

"So, group of friends sila, e, so, okay ako, wala naman akong problema."

Kampante naman daw si Carmina pagdating kay Kyline, na nali-link ngayon kay Mavy.

"I’ve worked with Kyline. Kilala ko si Kyline. Okay lang naman ako," ani Carmina tungkol sa young actress na nakatrabaho niya sa 2017 Kapuso primetime series na Kambal, Karibal.

Patuloy niya, "Tsaka even before silang magka-love team ni Mavy, magkaibigan kasi sila.

"So, mas kampante ako, mas at ease ako. Alam ko yung anak ko very comfortable sa ka-love team niya because they’re really good friends.

"So, I’m okay with their love team."

Magkatambal sina Mavy at Kyline sa upcoming Kapuso teleseryeng I Left My Heart in Sorsogon, na pinangungunahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Samantala, sa exclusive interview ng PEP.ph kina Cassy at Mavy noong August 18, hindi direktang tinukoy kung karelasyon na nila sina Darren at Kyline.

Kinumpirma ni Cassy ang closeness nila ni Darren, gayundin ang closeness ni Mavy kay Kyline.

NOT READY FOR HER TWINS TO BE IN A RELATIONSHIP​

Sa kabilang banda, hindi pa raw ready si Carmina na makitang may karelasyon sina Cassy at Mavy.

Pero tatanggapin daw niya ito kung ito ang ikasisiya ng mga anak nila ni Zoren.

"Parang wala yatang nanay ang magiging ready," katwiran ni Carmina.

"But, no, kidding aside, twenty years old na yung kambal.

"Siyempre, pinagdaanan ko din ‘yan, di ba? Nanggaling din ako sa ganyan.

"Syempre, kung puwede ko lang sabihin, ‘Sana ‘wag muna. Sana ‘wag muna,’ pero I trust my kids.

"Bahala sila kung sa tingin nila kaya na nila. Kung sa tingin nila yun ang priority nila, then I will support them.

"Like I said, I trust them," paliwanag ni Carmina.

Sa pagkakaalam daw niya, hindi love life ang prayoridad ngayon nina Cassy at Mavy.

"Sa tingin ko naman ngayon, they’re very focused on their respective careers, kaya hindi muna nila masyadong ine-entertain ang kanilang love life.

"Yun ang pagkakaalam ko," makahulugang sabi ni Carmina.

Normal daw ang magkagusto ang kambal. Pero may alinlangan si Carmina pagdating sa pakikipagrelasyon ng mga anak.

"Of course, kung meron silang crush, meron silang admiration, fine. E, normal lang yun.

"At least gawin lang nilang motivation or inspiration nila ‘yon sa kanilang trabaho.

"Kung medyo maging serious… hinga na lang ako nang malalim."
 

Attachments

Top