What Bible Verses are Contradicting to the Bible itself?

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Good Day!

Alam ko na may ilang non-believers po dito na hindi naniniwala sa Bible or sa pag-iral ng Diyos. Gaya ng nasabi ko na noon, talagang nirerespeto ko kayo at ang inyong desisyon sa bagay na iyan.

Muli, mayroon akong mga katanungan, though, yung mga tanong ko naman ay puwedeng masagot ni Google, pero mas gusto kong dito maghanap ng sagot para malaman ko mismo mula po sa inyo.

Ang aking tanong ay,

Anong mga talata sa Bibliya ang pinaniniwalaan ninyong nagkakasalungatan o nagkokontrahan sa isa't-isa?

Yung mga main lang na maiisip ninyo na gusto ninyong mabigyan ng kasagutan—hindi man ngayon kundi marahil ay sa hinaharap. [Marami din kasi akong hinahanda na mga article and thread kaya kung minsan, hindi ko din agad nasasagot yung ibang questions, but still, pinagsusumikapan kong aralin, saliksikin, at hanapan ng sagot]

Gagawa po kasi ako ng series of thread dito na ang title ay Responding to Bible Contradictions, kung saan ipapaliwanag ko po doon kung paanong ang salita ng Diyos ay hindi nagkakasalungatan sa isa't-isa kundi nagkakatugma pa nga.

Alam kong mahirap gumawa ng thread, at sumagot sa napakarami ninyong tanong, pero ang inyong mga tanong ay magsisilbing mga reperensiya ko para araling mabuti ang sinasabi mismo ng Bibliya, at isagot ang mga iyon dito sa forum ng T&B.

Salamat sa privilege na makapagbahagi sa inyo ng mga natututunan ko sa Bible.

Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa akin/sa amin ay lubos na pinahahalagahan.

🙂
 
Last edited:
Salamat dito .. Na-visit ko na 'tong website na 'to mga ilang buwan na din ang nakakaraan .. Pero, check ko siya ulit, salamat ulit sa pagshare nito dito ..
 

Jvvv

Enthusiast
SI BRO. ELI SORIANO ANG PINKA THE BEST SUMAGOT SA LAHAT PATI NASAGOT NYA ANG MGA CONTRADICTION DAW NA BINABATO NG MGA ATHEIST.
 
[XX='Jvvv, c: 1345767, m: 1783163'][/XX] Salamat sa pagbabahagi nya'n. :)

Hopefully, maging kayo din na mga tagapakinig sa mga pagtuturo ni Eli Soriano ay makapagbahagi din dito sa mga forum ng inyong nalalaman tungkol sa Bibliya.

Bilang suggestion, maganda din kung makagawa kayo ng mga thread tungkol sa mga itinuro noon ni Eli Soriano, upang sa gayon, ay masuri ng mga mambabasa, at kung may katanungan ang mga mambabasa hinggil sa inyong inilatag na mga paliwanag, iyon ang magiging pagkakataon ninyo upang ipaliwanag ang sinasabi ng Bibliya. Suggestion lang naman ito.


Nawa, makita sa bawat isa sa atin ang pagrespeto sa paniniwala ng bawat isa, o sa atin mismo na naniniwala na ang Bibliya ay salita ng Diyos. Ito ay bilang paggalang na din sa nag-iisang Diyos, na siyang may awtor ng Bibliya.

Yun lang naman. Salamat muli sa pagbabahagi ng impormasyon.

:)
 
Ayon sa Genesis 5:32, tatlo ang naging anak ni Noe—sina Sem, Ham, at Japhet.

Genesis 5:32
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
After Noah was 500 years old, he became the father of Shem, Ham, and Japheth.

Magandang Balita Biblia
At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet.
:)
 
Siguro focus ko muna is mga numbers sa bible... Start ko here:

Question 1: How
many valiant men drew the sword for Israel, as counted by Joab?

Dito mo na lang sa comment answer paps para hindi palipat lipat ng thread.
Yan muna..
 
[XX='jayendecastro, c: 1347595, m: 744408'][/XX] Tungkol ba 'to sa salungatang bilang ng mga mandirigma sa ulat ng 2 Samuel 24:9 at 1 Cronica 21:5?

😅
 
Top