What's new

Crypto [WEB3] - Ano ito? - MUST READ (Tagalog) by Joshua

cryptoguardz

Eternal Poster
Joined
Nov 5, 2017
Posts
573
Reaction
123
Points
272

Dapat nating unahin na matututo bago kumita, dahil naka-base ang earning kung ano nga ba ang nating mga natutunan.​

ATM: as a Fulltime employee nga diba na nakakastress, I use my free time to BUILD! - my porfolio for web3 jobs which talagang ang lalaki ng mga salary, minting NFTs, galxe tasks for oats and nfts, reading, tweeting, journaling, nakikipag connect sa mga kaparehas ko ng interests - your network is your networth. Kaya naman sa mga bago pa lamang at gusto din madagdagan ang kaalaman, simulang natin sa blog na ito na galing kay Joshua Mike Punzalan ng Crypto Pinas.

Ano ang Web 3? — Tagalog​

Ang Web3 ay isang concept para sa isang bagong version ng World Wide Web based sa mga blockchain na sinama ang mga idea tulad ng decentralization at token-based economy.

Pero ano nga ba talaga ang pinaka meaning ng Web 3?

Para mas maintindihan kung ano ang web 3, iexplore muna natin ang web 1 and 2.

Ang Web 1 ay maaaring tingnan bilang pinakasimula ng internet o ang unang web version sa internet. Lahat tayo ay maaaring sumang-ayon na ang na web na ito ay nag exist mula 1980s hanggang early 2000s.

Ang characteristic ng web 1 ay ang mga user ay maaari lamang makapag-view ng information online, nang hindi nacucustomize ang kanilang experience nang walang control sa kung paano sila nakipag-interact dito.

Nasanay ang mga tao sa pag-access sa lahat ng kanilang impormasyon sa mga dyaryo at libro — ang Web 1 ay na-digitalize ang ganitong experience. Pwede mong bisitahin ang mga static web page, at magbasa sa mga topic kung saan ka interesado. In most cases hindi ka makakagawa ng mga personal na profile, at ang iyong buong experience sa pagba-browse ay directed sa pag-access ng impormasyon na iyong hinahanap. Ito ay umiikot lamang sa pagconsume ng information.

Maraming downsides ang Web 1. Isa na dito ang lack of personalization. However, ang version na ito ng internet ay napakabagal din, at ang mga gumagamit ay kailangang magkaroon ng maraming pasensya upang makareceive o magsend ng isang piraso ng impormasyon.

Sa paglipas ng panahon, habang ang internet ay naging mas sikat, nagsimula din itong mag expand. Ang pag rise ng mga social media platform at mga channel sa pagcollect ng data ay minarkahan na ang simula ng tinatawag nating Web 2.0 — sa madaling salita, ang kasalukuyang version ng internet na alam at ginagamit nating lahat.

Ang Web 2 ay may kakayahang mag-interact, hindi lamang sa pagconsume. Ang pakikipag-interact na ito ay dumating sa paraan ng pagcreate ng mga social profile, pagpapakilala ng iyong sarili sa malalaking tech companies, at i-customize ang iyong experience sa internet.

Ang Web ay naging mas personal, ang experience mo sa pagba-browse ay inayon sa iyong mga personal preferences, wants, and needs.

Nagbago ang buong idea at purpose ng internet. Web 2 is more about showing yourself sa pamamagitan ng pagsend o pagreceive ng data ng mabilisan sa mga live stream, pagshare ng video o instant messaging. Mas madali na maaccess ang data.

Ang Facebook at Google ay data collection at personalization large companies. Dumating na sa point kung saan masasabi mong mas alam nila kung ano ang gusto at ayaw mo.

Cinocollect at inaanalyze ng mga platform ang iyong impormasyon, at pagkatapos ay binebenta ito sa mga third-party advertisers, upang makagawa sila ng mas mahusay na trabaho sa pag-target ng kanilang mga ads. Ang mga prosesong ito ay napaka-advance.

Imagine, sa Tiktok, nag hahanap ka ng mga lesson and ideas about Crypto and Trading, dumating sa point na halos lahat ng videos na napapanood sa feed mo ay about Trading na lang, at napanood mo ang videos ni Boss JQ kaya napapadpad ka sa Crypto Pinas, good thing haha. (Link below)

Imagine ulit, sa Facebook naman, naisip mong bumili ng damit kaya nag search ka sa mga stores para mag check ng sizes at design, at kinabukasan nakakakita ka na ng mga iba’t ibang ads na puro clothing line.

Ang point is alam ng platform kung ano ang mga gusto mong makita sa feed mo dahil nag cocollect ito ng data at naanalyze ang iyong impormasyon.

Magic no? Joke lang. Ang ganitong mga example ay pinapakita kung gaano karaming personal na impormasyon ang ibinibigay natin, at kung gaano kalayo ang mga proseso sa paglipas ng mga taon.

Ang user data privacy ay ang biggest concern para sa web 2.0. Umabot na sa punto kung saan naghahanap ang mga tao ng mga alternative ways para magamit ang internet — ways na hindi involve ang centralized institutions na nag cocontrol sa lahat ng nakikita natin online. Sinadya o voluntarily natin na ipublic ang ating personal information sa mga significant data connections, dumating ito sa punto kung saan nagsimulang maghanap ang mga tao para sa mga alternatibong ito.

Dito na papasok ang concept ng Web 2 vs Web 3.

Ang pinakasimpleng definition ng Web 3 ay isa itong “decentralized internet”. Ito ay isang anyo ng web na magbibigay-daan sa mga user to remain anonymous habang ginagamit ito, at nagshahare lang ng data kung comfortable sila ishare ito.

Ang form na ito ng internet ay magiging mas mabilis din and to utilize data analysis. Magiging mas matalino ang internet dahil sa mga quantum-computer at AI.

Ang experience sa web 3 internet ay mag babago din. We will start hearing more about Metaverse, at Virtual Realities bilang isang daluyan ng data.

Ang Web3 ay hindi makokontrol ng centralized institutions. Instead, ito ay magiging ganap na decentralized — meaning, walang kahit anong central companies or brands na mag dodominate sa space. Wala nang mga company president o CEO.

How is this possible?

Sa kasalukuyan, ang Web 3.0 ay inexplore sa pamamagitan ng lens of crypto technology. Ang mga cryptocurrencies ay hindi kinakailangang associated sa Web 3, atleast inherently. Posibleng makagawa ng isang decentralized version ng internet nang walang umiiral na mga asset ng crypto.

Ang mga cryptocurrencies at ang technology sa likod ng mga ito ay nakakatulong upang mas madaling maisip ang goal nito. Ngayon, ang mga cryptocurrencies ay binuo sa mga blockchain sila ang mga special na database na karamihan ay decentralized.

Para kumita ng mga cryptocurrencies, madalas ay kailangan mong mag participate sa isang process known as “mining” — basically, kailangan mong iplug ang iyong computer sa network, at idedicate ang mga resources nito para sa mga calculation, upang makatulong na kumpirmahin ang mga transaksyon na nangyayari sa nasabing cryptocurrency’s blockchain. Sa ganitong paraan, magiging active participant ka ng network, at tumulong na panatilihin itong decentralized.

Lastly, para makapagsend at makareceive ng mga cryptocurrencies, kailangan mo ng wallet — isang app kung saan ang iyong mga crypto asset ay maaaring mapanatiling ligtas at maayos.

Ang bawat wallet ay may dalawang code — isang public address, at isang private key. Ang una ay ginagamit para sa pakikipagtransaksyon sa mga cryptocurrencies, habang ang huli ay ang iyong secret key na ginagamit upang ma-access ang wallet.

Bakit ko sinasabi sa ito? Dahil lahat ng terms and concepts na ito ay relevant sa Web 3.

Sa Web3, possible na gamitin ng mga individual ang kanilang cryptocurrency wallet instead of social profile. Ang mga wallet na ito ay gagamitin para i-verify ang iyong mga profile, at para mag-log in sa ilang particular na website, para na rin iconfirm ang mga action na gagawin mo sa internet. Ang Blockchain Technology ay makakatulong upang maisagawa ang lahat ng mga prosesong ito anonymously.

Sino ang magmo-moderate ng mga website kung ang web ay walang central authority? Dito papasok ang concept ng “DAO”.

Ang DAO ay isang “Decentralized Autonomous Organization”.

Imagine, sa Web 3, ang bawat website ay magkakaroon ng sarili nitong cryptocurrency. Kung holder ka na ng cryptocurrency coin ng website, maaari kang mag participate sa mga process ng decision-making ng website na yon.

Kasama ang iba pang mga holder ng cryptocurrency, makakaboto ka sa importanteng questions related sa website. Ito ang bubuo sa DAO — isang decentralized organization na gumagawa ng mga pangunahing desisyon sa likod kung paano gumagana ang isang website.

Ang Web 3.0 ay isang decentralized version ng internet. Isa itong conceptualized na follow-up ng Web 2.0, ang kasalukuyang form ng internet na familiar tayo.

Ang aim ng Web 3 ay harapin ang mga bagay tulad ng data privacy, large corporate entities na kumokontrol sa kung ano ang nakikita natin sa internet, at privacy ng user. Dadalhin tayo nito sa mga bagong daluyan ng data experience sa Metaverses, VR technologies, at instant data aggregation.

As of now, ang web 3 ay isa pa ring rough idea, at isang concept. Meaning, habang may mga theories kung ano ang dapat na itsura ng internet version na ito, at mga idea kung paano ito mabubuo, ito ay nasa simulang stage pa lamang.

Habang ang idea ng isang decentralized web ay exciting, marami pa rin tanong na kailangang masagot, at mga problemang kailangang harapin hanggang sa ang konseptong ito ay maging remotely viable.

Sana nag-enjoy at may natutunan ka.

Crypto Pinas
FB: https://www.phc.onl/#forbidden#pinas.crypto/
#forbidden#: https://#forbidden#.gg/bDRVpGQz

Email: punzalanjosh14@gmail.com
Twitter: @joshuaaamike
 
Back
Top