What's new

Tutorial Ways Para Magpaalam sa Strict na Magulang

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,940
Solutions
6
Reaction
66,367
Points
16,625
Isang malaking pagsubok talaga ang pagpapaalam sa mga magulang lalo na kung strict sila at hinihigpitan ka lagi.Sa dami ng masasamang impluwensiya sa mundo – lalo na sa internet, nais lamang makasigurado ng parents na hindi mapapahamak ang kanilang mga anak.



Technique 1:​

Make sure na may “golden” person sa grupo na kasama mong lumabas​


When we say ",golden" Ito yung mga tipo ng tao na buo ang tiwala ng iyong magulang dahil walang bahid ang kanilang reputasyon sa eskuwelahan o sa workplace. Yung tipong sasabihin mo palang: “ma, kasama ko si ___________” in that way papayagan ka na nila.

Kung wala kang ganito sa buhay mo, start ka nang maghanap. I-build up mo na rin ang reputation niya at ipakilala mo sa iyong parents. Ang nais lang naman naming mga magulang ay mapagkakatiwalaan ang kasama ninyo.


Technique 2: Magpaalam ng at least 5 business days bago ang malapit na lakad at 20 business days naman kapag malayo.​


Make sure na way ahead of time ka magpapaalam. Hindi yung bukas na yung lakad mo, alas-dyis ka ng gabi magpapaalam. Aba! Hindi naman siguro tama iyon. Nais namin ay yung alam namin yung itinerary mo. Pati na mga contingency plan sa route ng commute. Paano ka uuwi? Anong mga dadalhin mo? Etc. etc. Gusto namin, bago ka pa man maka-alis, naiimagine na namin kung anong gagawin mo sa pupuntahan mo. Makakapaghanda rin sila emotionally at psychologically .

Technique 3: Magpagood vibes sa iyong mga magulang at least four days bago ka magpaalam​


Huwag kang magpapabibo kung ngayong araw ka na magpapaalam. Mararamdaman ng iyong mga magulang na inuuto mo lang sila upang makuha mo ang kanilang oo sa iyong mga ventures. Bagkus, magpabibo nang mas matagal para naman kahit papaano ay makita ng mga magulang mo na nag-effort ka.

Para pagkatiwalaan ka magpakabait ka araw araw. Sa gawing ito, magtitiwala sa iyo ang iyong mga magulang dahil alam nila na hindi mo kailangan ng kahit anong reward para magpakabait.

Technique 4: Idetalye kung ano mismo ang mga gagawin mo​


Kabiyak ng technique number 2 ang pagsasabi ng mga detalye ng iyong pupuntahan sa malinaw at magalang na paraan. Ano bang meron sa pupuntahan mo? Anong gagawin mo doon? Again, gusto ng parents mo na malaman exactly kung anong magaganap. Dahil, at least, kahit sa kanilang imahinasyon, alam nila na safe ka. Kahit na, alam din nila, na baka mapahamak ka sa pupuntahan mo. Gusto lang nila ng assurance, kumbaga.


Technique 5: Ipaalam sa iyong magulang kung bakit mahalaga sa iyo na pumunta o sumama sa iyong mga kaibigan​


Alam natin sa ating sarili kung bakit importanteng importante ang isang lakad para sa atin. Kadalasan ay kapag hindi tayo pinayagan ay malaking pagtatampo ang mararamdaman natin sa ating magulang. Ngunit, kadalasan ay hindi nila alam ang ating nararamdaman ukol sa bagay na ating pinagpapaalam. Hindi naman mind-readers ang mga parents natin. Kaya, importante na ipaalam natin sa kanila sa magalang na pamamaraan ang ating mga emosyon.Explain it briefly but clearly.







excerpt and paraphrase from titatiu
 
Ako umagang umaga palang naglilinis na ng buong bahay pag may planong umalis. Hahahah. Subok ko na at halos bibihirang pumalpak noong high school pa ko.
 

Similar threads

Back
Top