What's new

Watercolor painting part 5

tolyakarpov

Forum Veteran
Joined
Jul 31, 2015
Posts
3,057
Reaction
943
Points
699
Age
38
Mauubos na yung white ko at may napanuod akong DIY na paggawa ng white color gamit ang tootpaste at baby powder.

Kaya sinubukan ko sa watercolor painting natin ngayon.

Noong wala pang pandemic,madalas sisikan sa bus kapag sumasakay ako dito patungong Maynila.

Isang babae ang nakatayo at sinabi niya ng pabulong..wala na yatang gentleman ngayon...kasi puro lalaki ang nakaupo at wala man lang nag-alok ng upuan para sa kanya..

Kaya ang topic natin ngayon ay chivalry.Ito ang code of ethics ng mga knight noong medieval kung saan isa rito ay ang paggalang sa mga kababaihan.

Ang napili ko ay ang panunumpa ng isang knight sa kanyang lord.
IMG_20210711_123649.jpg

Credits sa may ari ng larawan,napulot lang ulit natin kay google.

Gumawa muna tayo ng sketch.
IMG20210711141155.jpg


Pagkatapos ay ginamit ulit natin yung grisaille method na ginawa natin sa part 4 nito,dito naman ay burnt umber or brown ang ginawa nating color sa halip na white and black,wala na kasi akong white😁.Si rembrandt ay brown din ang ginagamit na pang grisaille.
IMG20210711172906.jpg


At dito habang naghihintay akong matuyo ay nagmix na ako ng tootpaste at baby powder,gagamitin natin syang gesso sa underpainting..hindi ko alam ang magiging result dahil first time ko pa lang itong gagawin..ito ang ginamit ko na brand,nabili ko lang sa sari-sari store.
IMG20210712095115.jpg

Sinumulan ko na syang gamitin at napansin ko na tranaparent sya noong basa pa sya,magdamag ko siyang pinatuyo at paggising ko ay opaque na white na sya.
IMG20210711181735.jpg


Dito na nagsimula ang experiment natin,sinubukan kong lagyan ng layer ang tootpaste at baby powder nating white color..at ok naman at kumapit yung color.
IMG20210712081257.jpg


Sa observation ay ok naman itong tootpaste at babypowder,kapag pinatungan mo ng color ay parang oil or acrylic paint kapag natuyo.

Pwede syang gamitin bilang effects sa mga damit dahil may texture sya.
ito ang closer looks nya.para makita natin ng malapitan.
Screenshot_2021-07-12-10-56-50-66.png


Nagconcentrate lang ako sa large areas ng dark and light at kunting details lang,parang impressionist painting..ang looks nya..at ito na sya noong natapos.

IMG20210712093556.jpg


Salamat at nakarating kayo sa dulo mitong thread natin..

IMG20210703133416.jpg


Dumadami na itong watercolor painting natin,iba-iba ang looks ng ating painting dahil nasa process pa tayo ng experimentation at pag-aaral ng iba-ibang teknik..

Hanggang sa muli,abangan natin ang susunod na part nitong paglalakbay natin sa watercolor painting..salamat.
 

Attachments

Last edited:
nice!! keep it up TS!! balang araw tatangkilikin din ang iyong mga obra
Salamat,..libangan ko ito kapag day off sa work,pangtanggal ng stress,saka nag-eenjoy lang akong magpaint at mag-aral sa process ng watercolor painting,kung may makagusto man ng ginawa ko..salamat 😚
 
share ko rin watercolor work ko na ginawa ko mga 23 yrs ago na.
bakod.jpg


Tiled "Bakod nila Nene" Prang watercolor in white illustartion board. Miss ko na gumawa ng ganito kaso wala na ako gamit since nag-digital na ako. Nakita mga gawa mo na-inspire ako mag-watercolor uli.
 

Attachments

share ko rin watercolor work ko na ginawa ko mga 23 yrs ago na.
View attachment 1509399

Tiled "Bakod nila Nene" Prang watercolor in white illustartion board. Miss ko na gumawa ng ganito kaso wala na ako gamit since nag-digital na ako. Nakita mga gawa mo na-inspire ako mag-watercolor uli.
Ang ganda ng painting mo bro,..cheap materials lang naman gamit ko..mabibili mo sa national bookstore or sa.lazada or shoppee.

Oo ako rin eh..nakakarelax at magbabago pananaw mo sa arts...iba talaga kapag manual..

Mas mafe-feel mo kapag manual eh,gumagawa din ako digital,para dun sa comics project ko,bale manual drawing tapos digital color.
Untitled5-1.jpg

Ito yung manual drawing nya..ballpen lang gamit ko🤭.
Para tipid.
IMG_20201030_215330.jpg

Di ko matapos itong comics dahil sa work ko,oras kalaban,

Next mag-acrylic painting ako,sa watercolor paper,mahal canvas eh.update na lang ako sa next thread ko.

Ipagpatuloy mo lang ulit waterc color painting mo,maganda gawa mo,balance ang values at shadows,malinis pagkakagawa mo.

Nice, Thanks for sharing your talent
Salamat,ang goal ko naman dito ay para ma-inspired yung iba na magpainting or bumalik ulit sa arts,
Isa lang naman akong amateur painter..
 

Attachments

Last edited:
digital art yan kuya. Random brush lang. infinite painter po name ng app. 🙂💜
Ayan din gamit konsa digital arts..saka yung ibis at medibang...pero mobile version,wala na akong pc eh.

Nahilig lang ulit ako sa manual painting dahil mas nafe-feel ko at nakaka-,inspire din yung mga old master.

Ganda naman ng artwork mo. You created such beautiful art out of household materials. Keep it up and thank you for sharing ❤️👍
Thanks🤭.
Share ko lang para magbalik yung iba sa arts,malaking tulong sa pagtanggal ng stress lalo ngayong pandemic.

Backread ka na lang doon sa part 1,2,3 and 4..nitong thread.mag uupdate pa ako,may ginagawa akong mother and child eh,bale acrylic paint naman ang itra-try ko.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top