What's new

Watercolor painting part 3

tolyakarpov

Forum Veteran
Joined
Jul 31, 2015
Posts
3,057
Reaction
943
Points
699
Age
38
Ito yung journey natin sa watercolor painting.

Kung di nyo pa nabasa yung part 1 and part 2 backread na lang po tayo.

Ito yung evolution natin sa watercolor painting at ipapakita ko dito yung nauna kong ginawa.
IMG20210611151520.jpg


Kung titingnan nating mabuti ay malaki ang pinagbago ng ating mga painting simula sa una hanggang lima.Ito ay dahil sa patuloy nating pag-eeksperimento ng iba-ibang teknik.

Ito naman ang mga gamit natin sa ating watercolor painting
IMG20210605110917.jpg


At sa papel ay canson watercolor pad.Acid free at nasa 200 gsm ang kapal.tamang-tama lang ,mejo mahal at mahirap makabili ng makapal na papel eh...mejo tipid muna talaga kasi pandemic eh..yung pebeo watercolor ay nasa 400 pesos ata,nagmahal since nagkaroon ng pandemic..dati 300 plus pesos ito at 12 colors na sya..yung canson naman nasa 300plus pesos ata nasa 20 sheets ito..kung di ako nagkakamali😂.

Noong part 2 nito,sinubukan natin ang zorn palette na may 4 colors,..red,yellow ochre,black and white.

Now nagdagdag ako ng 2 colors..,burnt siena,kulay coffe ito,at burnt umber,kulay brown naman ito.

Kaya naman syang mamix sa zorn palette kaso nagiging chalky ang watercolor kapag 3 colors combination na eh,at hindi matingkad ang color kaya nagdagdag ako ng 2 colors.

Ang topic narin ngayon ay "knitting lesson"..um nakuha ko lang sa google sa mga old photos,..mahilig ako sa mga old photos eh,parang makikita natin dito ang cultures at history ng mga larawan..credits sa may-ari nito,ginawa nating reference para sa ating painting now.
IMG_20210626_092755.jpg


Nagsimula akong magsketch gamit ang pencil,hindi ako gumagamit ng eraser dahil masisira yung surface ng watercolor paper kaya magaan lang ang hagod ng ating pagguhit.
IMG20210626104501.jpg


Next ay gumawa ako ng wash gamit ang yellow ochre.
IMG20210626112359.jpg


Nagbuckle yung papel dahil hindi makapal ang ating papel kaya nilagyan natin ng tape sa mga gilid.

Pero kapag natutuyo naman ay bumabalik na sya at kusang nauunat.
IMG20210626123309.jpg


Pagkatapos ng first wash ay hinintay ko munang matuyo,tapos nagsounds muna para di maboring habang naghihintay.pinatugtog natin itong song ni stacie orrico na more to life..tapos kanta-kanta habang naghihintay😂...feeling singer.

Nag-add na ako ng 2nd layer at dahil black n white ang ating reference photos ay kinapa ko na lang ang color na gagamitin ko,based na lang sa kung ano ang feel ko noong time na iyon.

IMG20210626135427.jpg


After nito..hinintay ko ulit matuyo at nagplay uit tayo ng kanta naman ni michelle branch..one of these days..

IMG20210626154657.jpg


Nagdagdag lang tayo ng layers..umabot ata ng 8 or 9 layers ito kaya mejo magulo na..

9am ako nagstart at natapos ako ng 5pm...at ito naging result.
IMG20210626175344.jpg


Salamat at nakarating kayo sa dulo nito mejo mahaba ata eh..baguhan lamang po tayo at patuloy na nag-aaral para matutunan ang medium na ito.

Sa susunod,susubok naman tayo ng ibang teknik para madevelop pa tayo... 16247039358041849862120785611375.jpg
 

Attachments

Thank you po. I'm always in awe sa mga works ng mga artists na kagaya niyo.
Thanks,pagbubutihin ko pa sa susunod,ito libangan ko kapag day-off sa work,pangtanggal ng stress.

Loose ang style ko sa arts,hindi ako gumagamit ng ruler or kahit anong measurement tools,freehand lahat at hindi rin ako gumagamit ng grid method para magaya ng sakto ang reference photos,bale kung ano lang feel ko..
 
Thanks,pagbubutihin ko pa sa susunod,ito libangan ko kapag day-off sa work,pangtanggal ng stress.

Loose ang style ko sa arts,hindi ako gumagamit ng ruler or kahit anong measurement tools,freehand lahat at hindi rin ako gumagamit ng grid method para magaya ng sakto ang reference photos,bale kung ano lang feel ko..
Keep it up po. I like your contents po.
 
gumagamit ka gridlines kapag gumuguhit ts?
Sinubukan ko dati noong nagchachaercoal drawing ako at malaking tulong ang gridline para sakto ang drawing mo,.matrabaho lang dahil magsusukat ka sa papel ng grid at sa photos.

Pero now di ko na ginagawa yun,loose ang style ko sa drawing,walang measurement tools freehand lahat...at isa pa hindi ako gumagamit ng eraser sa drawing,direct method.

Ang practice ko ay ballpen sketch para di nabubura,sa watercolor painting lang ako gumagamit ng pencil,kaya yung pencil ko dito sa bahay hindi nauubos ilang taon na.😂
IMG20201023162534.jpg

IMG_20201024_144229.jpg

IMG_20201107_203522.jpg


Ito sample ng ballpen sketch ko,kaya nasanay ako ng walang eraser kapag nagdrodrowing dahil hindi nabubura ang ballpen..
 

Attachments

gondoooo wala ako talent at pambili ng art mats traditionally eh kaya sanaols na lang din HAHAHAHA
Hindi naman kamahalan ang art materials dahil student grade lang gamit ko.Ang paint at paper ay nasa 700 pesos,
Pebeo watercolor at canson watercolor paper nabili ko sa national bookstore.

May alternative naman,pwede kang gumamit ng coffee at makakagawa ka ng monochromatic painting,.pwedeng soysauce,

Yung iba nga uling sa kalan eh,dinudurog nila para gawing charcoal powder..para sa charcoal drawing.

Sa YøùTùbé si moose ay ballpen lang ang gamit at nakakagawa sya ng amazing drawing..mapapa-wow ka.

Ako ballpen sketch ang ginagawa ko bilang practice.
IMG20201104211812.jpg

IMG_20201110_141102.jpg


So hindi issue yung wala kang pambili ng expensive materials,

Pwede kang gumawa ng sarili mong watercolor sa pamamagitan ng baking powder,vinegar at sugar bilang binder.May tutorial sa YøùTùbé search mo..

Sana makapagpaint or sketch ka rin,yung brush ko pala nabili ko sa halagang 50 pesos,isang set lima na😂..wala pang 1000 pesos nagastos ko jan.
 

Attachments

Keep it up po. I like your contents po.
Salamat,she-share ko pa iba kong gawa sa future,para makita nyo rin kung may improvement ba or wala.😂.

Weekly lang ako nakakapagpaint kasi may pasok ako sa work sa factory eh...update ko na lang kayo sa watercolor part 4
 
Practice makes perfect talaga keep it up napaka galing talaga ng mga techniques ng mga artist
Salamat bro,bale hobby ko lang ito kapag day off ko sa work.

Matagal na akong walang ginagawang painting dahil sa work,kung baga masyado tayong nafocus sa work kaya nung nakaraan taon,binalikan ko ang hilig ko sa arts.

Na-stress ako dahil nawalan ako ng work sa manila dahil sa covid19 pandemic,Sa halip na uminom at magpakalasing sa alak ay mas pinili ko ang maging productive..totoo pala yung watercolor healing.Nakarecover ako sa stress at nagkawork ako sa factory.Malayo sa work ko sa manila,mababa ang sahod,pero pinagpapasalamat ko kay God dahil alam ko blessings ito sa akin..dahi kapag nanunuod ako ng news sa tv ang daming naghihirap na kababayan natin.

Kaya may kung izo-zoom mo yung painting ko.mababasa mo sa taas ng signature ko ang."soli deo gloria"..isa itong latin words na ang ibig sabihin ay to God alone be the glory.
Ginagawa ko itong painting hindi para purihin or hangaan,..ginagawa ko ito sa honor ng ating creator para makita ng tao sa panahon ng pandemic,at mga negative sa buhay natin ay makakita tayo ng liwanag..na may positive at magandang nangyayari parin ..

Parang nanghihinayang ako sa taon na lumipas na wala akong ginawa na painting,Sana pala matagal ko na itong ginawa.
 
gumuguhit din ako pen and ink medium ko before pero ngayon digital na hahahaha
Nagdidigital din ako,kaso iba ang manual or handdrawn kasi walang undo,trace,at patung patong na layer,iba talaga ang feeling ng manual.
IMG_20200427_054212.jpg

IMG_20200430_105331.jpg


Ito sample ng digital art ko,pero maganda syang praktis sa pagmimix ng color.dahil matipid..kung magdidigital ka,iwasan mo gumamit ng undo button.ituring mo lng syang manual.
 

Attachments

hindi magandang tip na iwasan ang undo button :). Kaya nga in the first place digital sya eh use any means and resources na meron ka it's kinda pointless lang din na magpaka traditional sa digital. Sa fundamentals lang naman talaga nagkakatalo
 

Similar threads

Back
Top