What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Watercolor painting part 2

tolyakarpov

Elite
Joined
Jul 31, 2015
Posts
2,959
Reaction
871
Age
35
Ito na tayo sa 2nd part ng watercolor painting journey ko.

November last year noong magstart ako sa watercolor painting.Backread na lang kayo sa luma kong thread sa part 1 nito.

Nitong Monday pala,may napanuod akong video sa Y⊕ùTùbé about ander zorn,isang artist na gumagamit lamang ng 4 colors.

Ang gamit nya ay ito...red,yellow orchre,black and white.

Makikita ito sa kanyang self portrait hawak ang kanyang palette.
IMG_20210605_144950.jpg


At kung titingnan natin ng malapitan ang hawak nyang palette ay makikita natin ang sinasabi kong 4 colors na ginamit nya.
IMG_20210605_145002.jpg

Naintriga ako sa limited palette nya dahil walang green or blue,

Napaisip tuloy ako kung pwede ba talaga ito?..

Kaya ito sinubukan ko sa watercolor.

Ang topic ko ay si anne frank,nabuhay siya noong 2nd world warr mga 1940s.

Nakilala si anne frank sa kanyang famous diary of a young girl.Ang pinakasikat na diary sa buong mundo.

Kung tamad kayong magbasa,pwede nyo namang panuorin na lang sa Y⊕ùTùbé,may movie na sya.

Una,gumawa muna ako ng sketch gamit ang pencil.

Hindi ako gumamit ng eraser dahil masisira yung tooth ng watercolor paper.

Canson watercolor pad ang gamit ko.
IMG20210605105326.jpg


Pagkatapos ng sketch ay hinanda ko na itong watercolor ko.

Ang problema ay 2 ang red ko.
Isang alizarin crimson at cadmium red.Ang tagal bago ako pumili...

At after ng ilang minutes ay alizarin crimzon ang pinili ko na red...bakit? Um nagustohan ko lang ang pangalan dahil parang sosyal😂.
IMG20210605110914.jpg


Ayan pebeo watercolor 12set ang gamit ko at mabibili ninyo yan sa national bookstore,nasa 400 plus ata ito now.

Plato ang palette ko kasi nagtitipid😂.

IMG20210605121907.jpg


Hindi na ako nagswatch ng color,bale sa background na lang ako nag-aral magmix gamit ang zorn palette.Kaya yung subject ay iniwan ko muna at hindi ko kinulayan.

IMG20210605124425.jpg


Nagsimula na akong magcolor at mahirap talaga,

Wet on dry ang ginamit kong teknik dito,ito yung wet ang brush sa dry paper.Yung iba kasi wet on wet ang paborito nilang teknik eh.at yung iba naman ay mix ng dalawa.Depende yan sa trip ng artist.

IMG20210605141351.jpg


Nagulat ako sa zorn palette.Noong nagmix ako ng yellow orchre naging earth green..napa-wow ako.ang galing naman talaga.

After 5 hours natapos ko din.pero wala pang pirma dahil basa pa sya eh..

IMG20210605142257.jpg


Ang review ko sa zorn palette ay positive,ang galing ng teknik ni ander zorn,napansin ko rin na mukhang classic ang painting kapag natapos muna,tingnan nyo sa closer look.
Screenshot_2021-06-05-14-18-01-49.png


Mag-eexplore pa ako nexttime sa zorn palette dahil nagustohan ko talaga,bukod doon ay matipid dahil 4 colors lamang ang magagamit natin.

Hanggang sa muli guys,gagawa tayo ng part 3.

Amateur po ako na watercolorist kaya wag tayong mag-expect ng mala-leonardo da vinci na painting.

IMG20210605161852.jpg


Natuyo na kaya tinanggal ko na ang tape at nilagyan ng pirma.

Salamat sa pagbabasa at oras..next time ulit guys.
 

Attachments

Last edited:

bluechan019

Established
Maganda naman. Mas maganda pa sakin. 😂
Kailangan mo lang magpractice pa. Nakikita ko pa rin na may mga mistakes ka. Napansin ko rin na wala ring shadows. Honest criticism lang. 😊
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
508
Guests online
857
Total visitors
1,365

Forum statistics

Threads
1,132,570
Posts
18,732,044
Members
1,547,650
Comments
1,393,874
Attachments
1,500,784
Profile posts
98,758
Top