What's new

Help Washing Mashine need help..

medesjv25

Forum Veteran
Joined
Feb 21, 2018
Posts
1,829
Solutions
1
Reaction
474
Points
663
Tanong po.. Di po kac umiikot yung motor ng washing pero umuugong..

*Binuksan ko na po yung likod ng washing para tingnan kung yung belt yung dahilan kac kakapalit lang po ng belt un.. Pero hindi.. *

Need po ba palitan yung capacitor o sira na yung motor? Maayos pa po ba yung motor or baka ayos pa motor sa ibang parte nag ka problema? Need help.
 
kung nag power on nmn ang motor palit k capacitor. kung hnd nmn nag revers ang ikot or putol putol ang andar ng motor palit ka ng timer. dapat same lng din ang wiring color coding nmn yan.
 
try mo isaksak tapos after few minutes patayin mo, then ishort mo negative and positive of capacitor, pag malakas spark, good yun kasi yung iba pag tinetest lang sa tester papalo parin pero dry na pala loob nun. kung wala ka capacitor tester yan gawin mo.
 
kung wala spark dead yun. kung gusto mo gumawa cap tester, madali lang, astig pa. pm mo ko ituro ko. both mylar/ceramic/electrolytic kaya itest. pwede rin siyang backlight (led tv) tester.
 
Try mo boss tangalin ang belt at i try mo ikotin ang motor kung ndi mahigpit kapag maluwag naman try mo isaksak at check mo ulit kung maluwag parin malamang capator yan
 
Kung na try mo na po mag aus ng electricfan parang ganun din po yan ang pagkakaiba lang forward at reverse ang ikot nya at may timer
 
Boss anong klaseng washing machine ba yan front load? top load? or classic lang yun (walang motherboard) ?
Kung classic eh eto ang pinaka madaling paraan sa pag check ng motor alisin mo ang belt at tsaka mo ulit i power on at i- start pag hindi umikot motor nga pag umikot naman alisin mo yung agitator sa tub tingnan mo kung may naka pulupot sa ehe na napigil sa pag ikot.
 
Classic lang po ito kac napaka liit lang ng board nya(pinaglalagyan ng control 3buttons select, start/pause at power).

Tiningna ko po binuksan.. Tenest ko po yung cap at pumapalo naman.. Yung motor po ay umuugong pang isasaksak..

May na tingnan pa po ako.. Kapag po pala di nakasaksak, madali lang ikutin yung rotator nya pero pag nakasaksak parang may pumipigil.
Sa mismong motor po yan..

Yung turompo naman po is ok naman.. Ang naiisip ko lang kung sa control board ba yung problema kac may problema na po pala ito. Sabi ng mama ko, pag isinaksak nya auto rotate na yung motor di tulad dati na pwedi pa e switch of..
 

Similar threads

Back
Top