What's new

Wala syang tiwala saken.

AlexanderFV

Forum Guru
Elite
Joined
Jan 4, 2017
Posts
4,302
Reaction
6,995
Points
1,986
Guys help naman po, may jowa po kasi ako at nagloko ako noon lagi nya nalang sinusumbat saken yung ginawa ko sa kanya noon, sabi ko kako sa kanya babaguhin ko na ugali ko at di ko na uulitin, pero ginawa ko naman po di ko na inulet yung dating pinagagawa ko sa kanya, pero ayaw nya pa din magtiwala saken😭😭 paano po ba ang dapat gawin ko para magtiwala sya saken?
 
Haha ano bang ginawa mo?

Yung mga bagay na nagawa mo at kanya namang hindi pinagkakatiwalaan sayo,

Baliktarin mo yun... Sana na gets mo boss
 
Nagloko ako sa kanya noon🥺
Iparamdam mo yung pag mamahal mo sa kanya, Be humble kung lagi syang galit kasi natatakot yun ayaw maulit yung nangyare, pero need nun ng totoo mong pag mamahal sa kanya, the way ang mahalin sya at mag focus ka sa kanya, bonding rin pag may time, wag kang aalis sa tabi nya kung sakali man may problema sya, damayan mo kung baga at iwas ka sa mga babae para iwas rin sakit sa mga mata nya
 
Its your fault namang pala eh. Baliktarin natin situation, what if siya na naman magloko sayo tapus pinatawad mo pero ginawa nya ulit for the 2md time, diba nakakawala ng Trust? The best thing you can do is make her feel love, gain her trust again, never do stupid things again that will ruin her trust. Admit your mistakes sa kanya. Mag sorry ka ng maayus. Explain yourself sa kanya but make sure you'll never make her change. Be the man that you promise her.
 
Its your fault namang pala eh. Baliktarin natin situation, what if siya na naman magloko sayo tapus pinatawad mo pero ginawa nya ulit for the 2md time, diba nakakawala ng Trust? The best thing you can do is make her feel love, gain her trust again, never do stupid things again that will ruin her trust. Admit your mistakes sa kanya. Mag sorry ka ng maayus. Explain yourself sa kanya but make sure you'll never make her change. Be the man that you promise her.
Kahit anung sorry ko ganun pa din🥺
 
same tayo ts, pinagpalet ko siya sa cmate ko 2 yrs na naka lipas at 2yrs na kame ngayon inu ulit2 nya parin na mangloloko ako hehe ganyan talaga matagal i build up ang nawala na trust 🥲 laban lang ts
 
Kahit anung sorry ko ganun pa din🥺
Bigyan kita ng example:

Just imagine:

Try mo i-hulog ang mabasaging bagay gaya ng plato,

Ngayon imagine nahulog na yung plato... At nabasag...

Try mo humingi ng sorry sa plato...


So ngayon, Bumalik ba ito gaya ng dati? Diba hindi!



Ngayon naintindihan mo na 🙂
 
para sakin, di ka pa niya napatawad sa nagawa mo. naloko din ako noon, i forgave them and pinagkatiwalaan ko siya. ang ending, naloko niya ulit ako 3x AHHAHA. pero nasa kanya na yan eh, di sayo. masakit pa sa kanya yung nagawa mo, kaya let her have the time to heal. kaya be persistent and be patient lang talaga ang maipapayo ko sayo.
 
kasi men pag manliligaw ka tapos sinagot ka niya ituon mo lang sa kanya yung loyalty, normal na magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan minsan, parang walang pake na sa isat isa pero di ibigsabhin hahanap na agad ng putahi syempre ikaw yung lalaki mag effort ka para maging makulay ulit yung relasyon nyo. Ang tao pre ma pa lalaki / babae isang beses ka lang magloko mawawalan na yan ng tiwala sayo.
 
Bonding lang kulang sa ganyan, back to step 1 ka muna nung nanunuyo kapa. Ipa-feel mo sa kanya na sya ang nasa control, take initiative din sa mga ayaw at gusto nya. Basta keyword dyan "bonding"
 
Sabi nga nila ang tiwala parang glass. Pag nabasag, kahit nagawa mo pang pagdikitin ulit hindi na kagaya ito ng dati.

Sorry pero wala akong simpatya para sayo. Alam mo namang kasing mali pero pinili mo paring basagin.
 
It all depends to the person who is hurt. Ika nga nila. Sins will be forgiven but never forgotten. And also, time will tell kung kelan sya fully na magtitiwala sayo. If you love her you will accept her as she is for now, though kung ganyan nlang ng ganyan... Then ask yourself. How long will you be able to hold in that kind of relationship, how long will you suffer for the sin/s you've commited, are you okay with that kind of relationship, are you still happy with that kind of relationship... Etc. I mean okay lang kung months na ganyan, lahat tayo nagkakamali tao lang tayo walang perpektong tao sa mundo. If she doenst fully trust you up until now and you've shown her that you've changed, then ask yourself/her kung mahal kapa ba tlaga nya, Kasi kung ganyan lang ng ganyan magiging toxic lang lalo relationship nyo. In the end, its all up to you to decide whether you can live with that kind of relationship with her or not. I hope this message will help you think/realize everything. God bless you.
 
Ang hirap mag advice nito. 😅
Di kasi ako nangloko, pero ako lagi yung niloloko.
Pinatawad ko naman kaso hanggang patawad at wala ng balikan.
Para kasi sakin, kung ano yung nagawa nya nuon, pinili nya yun. Kaya magsawa sya sa kanyang choices.
 
The fact na nagloko na bakit mo babalikan at babaguhin mo pa sarili mo? I mean saan na ang respeto sa sarili nyan boss? Kung nagloko na alam na. Uulit ulitin nya pa yun. At pinag babato nya pa insecurities mo. Kawalan ng respeto yun.Tinapakan nya ang pagkalalake mo. Pinahiya ka. Mag isip ka nga.
 
Lahat ng tao may karapatan mag bago at mabigyan ng chance. Pero kung mismong chance na binigay sayo ang mismong sumisira sa sarili mo at sa kanya. Tama pa ba namasaktan pa sya at masaktan ka? Naranasan ko nag moloko at nagawa ko na din mag loko. Wala sa dalawa ang masaya, mismong sarili ko nadurog. Relasyon nyo yan bigyan mo ng time nakapagisip kung dapat pa ba pagpatuloy pa(kasi naiintindihan ko na gusto mo pa din maayos). Wag mo pilitin pag lalo mo pinipilit baka mas lalong di mag work. Kung mahal mo sya bigyan mo sya ng time mag heal. Kung gusto mo pagkatiwalaan ka nya ulit mag tiwala ka din dapat na mahal ka nya at ,magtitiwala sya ulit sayo. Bigyan mo ng time wag mo madaliin ang isang bagay. Kung sinabi nya na mahal ka nya magtyaga ka na mabalik tiwala nya pero hindi ibig sabihin nun hindi mo na gagamitin utak mo. Sabi nga nila mas mahal natin sarili natin bago ang iba. Kung natapakan mo man sya na nagawa mong kasalanan at totoo ka naman na humihingi ng tawad wag ka mangamba. Kung hindi ka naman nya napatawad pa, dadating din sa puntong yun mapapatawad ka nya basta wag mo ng uulitin andyan man sya sa tabi mo o wala na.
 

Similar threads

Back
Top