What's new

Wala Ba Talagang Ginagawa ang Diyos Ngayon?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Dahil sa makitid, puno ng pagdududa, at hindi perpektong pag-iisip natin, nagkakaroon tayo ng kaisipan na para bang walang ginagawa ang Diyos pagdating sa mga problemang kinakaharap natin.

Pero hindi gayon. Ang totoo, mayroong ginagawa ang Diyos na hindi nakikita ng iba pero nakakaapekto sa ating buhay, puwedeng positive, puwede ring negative, depende sa pagtugon natin.

Totoo namang hindi pa inaalis ng Diyos ang mga kasamaan at pagdurusa sa ngayon. At lubha siyang nasasaktan sa mga nangyayari. Kung paanong nasaktan si Jehova noong panahon ni Noe ng makita niyang puno ng kasamaan ang lupa, ganoon din ang tiyak na nadarama niya ngayon.

Genesis 6:5, 6 Dahil dito, nakita ni Jehova na laganap na sa lupa ang kasamaan ng tao at ang laman ng isip at puso nito ay lagi na lang masama. Ikinalungkot ni Jehova na ginawa niya ang mga tao sa lupa, at nasaktan ang puso niya.

“Ikinalungkot.” Ang pagkalungkot ni Jehova dito ay hindi nangangahulugang nagkamali siya sa kaniyang mga gawa. (Deut. 32:4) Nalungkot si Jehova sa diwa na kinailangan niyang baguhin ang kaniyang damdamin o pasiya para sa sangkatauhan dahil sa pagbabagong ginawa ng tao na gawin ang masama, anupat ipinasiya niyang puksain sila kahit na ito ay hindi kalugud-lugod sa kaniya. (Eze. 18:32; 33:11; Ihambing din sa Gen. 1:31)

Bakit hindi agad inalis ng Diyos ang pagdurusa at ang kasamaan sa mundo?


Dahil gusto ng Diyos na magsisi ang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan at piliin siya bilang kanilang Tagapamahala.

2 Pedro 3:9 Si Jehova ay hindi mabagal sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng iniisip ng iba; ang totoo, matiisin siya sa inyo dahil hindi niya gustong mapuksa ang sinuman kundi gusto niya na ang lahat ay magsisi.

Mula ng magkasala sina Adan at Eva, isang hindi nakikitang espiritu ang umimpluwensiya sa mga tao at namahala sa kanila hanggang sa ngayon. (1 Juan 5:19; Apoc. 12:9)

Yamang sa ilalim ng pamamahala ni Satanas, kitang-kita natin na napakarami talagang kasamaan at pagdurusa ang ating naranasan, gayunman, iniaalok ni Jehova sa mga tao ang katotohanan at ang kalayaan ng pagpili.

Anong katotohanan?

Na si Jehova ang tanging tunay na Diyos at na siya ang dapat na piliin ng mga tao bilang kanilang tagapamahala.


Tandaan, dalawa lang naman ang puwede nating pagpilian, ang piliin si Jehova bilang Diyos at ating tagapamahala, o si Satanas.


Ang pagtangging maging sakop ng pamamahala ni Jehova ay nangangahulugan ng awtomatikong pagpili kay Satanas bilang tagapamahala.

Kahit itanggi ng isang tao na hindi naman siya gumagawa ng masama pero kung hindi naman niya ginagawa ang kalooban ni Jehova at hindi nakikipagtulungan sa layunin nito, mapapabilang pa rin siya sa mga taong sakop ng pamamahala ni Satanas.


Ano ang punto?

Gaya ng sabi ko, may ginagawa ang Diyos ngayon na nakakaapekto sa atin, puwedeng positive, puwede ring negative.

Positive, kasi sa pamamagitan ng pagtitiis ng Diyos, milyun-milyong mga tao sa ngayon ang nagkaroon ng pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa kung saan aalisin ng Diyos ang kasamaan at pagdurusa.

Negative iyon para naman sa mga taong pupuksain sa hinaharap dahil wala naman silang taglay na pag-asa.

Totoo, hindi pa inaalis ng Diyos sa ngayon ang mga pagdurusa. Bakit? Dahil patuloy na pinagtitiisan ni Jehova ang mga tao at hinahayaan silang pumili kung sino ang susundin nila bilang kanilang tagapamahala.

Ang pagpili kay Jehova bilang tagapamahala, at paggawa ng kaniyang kalooban ay nagbibigay ng pag-asa sa kanila na mabuhay sa lupa magpakailanman kung saan walang pagdurusa at kasamaan.

Ang pagpili naman kay Satanas bilang tagapamahala [tuwiran man o hindi] ay naglalagay naman sa mga tao ng isang nakaumang na pagkapuksa sa malapit na hinaharap.

2 Pedro 3:7 Pero sa pamamagitan ng salita ring iyon, ang langit at ang lupa na umiiral ngayon ay nakalaan sa apoy sa araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-makadiyos.
1 Juan 2:17 Isa pa, ang sanlibutan ay lumilipas, pati ang pagnanasa nito, pero ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.
Awit 37:9, 29 Dahil ang masasama ay lilipulin, Pero ang mga umaasa kay Jehova ang magmamay-ari ng lupa.
Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.
Kaya hindi totoo na walang ginagawa ang Diyos sa kabila ng mga pagdurusang nangyayari sa ngayon. Mayroon siyang ginagawa!

Jehovah will absolutely wipe all of these problems na nararanasan natin ngayon. At
gagawin niya iyon sa pinakatamang panahon!

Kaya kung naiisip man natin na wala siyang ginagawa, hindi naman ito nangangahulugan na masama tayong tao. Still, ipinapaalam pa din ni Jehova sa mga tao ang katotohanan tungkol sa kaniya.

Kung hindi pipiliin ng mga tao si Jehova bilang kanilang Diyos at tagapamahala, walang magagawa si Jehova kundi ang puksain ang mga taong iyon sa araw ng kaniyang galit at ibigay sa mga matuwid na aktibong gumagawa ng kaniyang kalooban ang makatanggap ng buhay na walang hanggan sa hinaharap kung saan aalisin ng Diyos ang pagdurusa at kasamaan.

Ito lamang din sa huli ang aking masasabi:

"O hinahamak mo ba ang laki ng kaniyang kabaitan, pagtitimpi, at pagtitiis, dahil hindi mo alam na sinisikap kang akayin ng Diyos sa pagsisisi dahil sa kabaitan niya?" (Roma 2:4)

 
Last edited:
pag feeling mo merong ginagawa ang diyos din meron
pag feeling mo wala din wala
ganyan lang ka simple it all depends in ones faith...
at kung ang isang tao ay walang pananampalataya at hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos, matik naman 'yon na isipin niyang walang ginagawa ang Diyos ..
 
Akala ko nmn ur gonna say something that god is doing something “ngayon”…. Un din palang promise ng “future” ang sinasabi mo…

And why do u need pananampalataya to convince urself na god is doing something?? Cant god actively do something regardless of faith in him or the absence of it?
 

Similar threads

Back
Top