Kung gusto mong matuto at maging matatas, alamin mo muna kung anong interes o hilig mo. Kumbaga, hindi ka kasi matututo kapag kunwari pinilit mong magbasa ta's hindi ka naman talaga mahilig magbasa in the first place. Kung mas gusto mong nanonood, sanayin mong manood ng English films. Yung may sub at wala para malaman mo kung saan ka ba mahina. Meron kasing ayos naman sila kapag nagbabasa pero kapag nagsasalita o nakikinig sa English speaker e nahihirapan nang makaintindi o makahabol. Kung mahilig kang magbasa, magbasa ka. Kung hilig mo naman both, go ahead. Kung hilig mo maglaro, maglaro ka ng games na required kang mag-English.
Totoo yung sinasabi nila na
practice makes perfect. Share ko lang yung story ko kung paano ako naging bihasa sa paggamit niyan. No'ng bata pa 'ko hindi kasi ako palalabas pero may Internet kami. Nakakaburyo din s'yempre kapag laging nasa loob ng bahay kaya ang ginagawa ko noon naglalaro ako ng games kung saan required makipag-interact sa ibang tao. Yung mga tipong virtual world gano'n. Madalas ang kausap at kalaro ko noon mga taga-ibang bansa kaya s'yempre wala akong choice kun'di mag-English kasi kung hindi e'di hindi rin kami magkakaintindihan ng mga kausap/ka-chat ko hahaha tapos yun napansin ko nag-iimprove na ako at katagalan naging natural na lang sa 'kin. Kalaunan, na-realize ko na
practice na pala yung tawag sa ginawa ko. Hindi rin nakakailang mag-"practice" kasi hindi ko naman talaga kilala yung mga kausap ko tapos ang maganda pa ro'n may words akong nadadagdag lagi sa vocab ko kakakausap ko sa kanila. Nagkakaroon na 'ko ng kaibigan tapos natututo pa 'ko. Win-win situation kumbaga. Hahaha. Hindi ka rin naman nila tatawanan kapag nagkamali ka kaya hindi ka mapapahiya. Instead, itatama ka. Napansin ko yung iba kaya naiilang mag-practice kapag kapwa Pilipino ang kausap kasi tatawa agad, mang-aasar o di kaya mamamahiya kaya mas lalong bumababa yung self-estem ng iba.
Nag-reflect talaga nang husto sa mga grado at academic papers ko dati (hanggang ngayon) yung paglalaro ko noon. Hindi ko naman sinasabing sobrang galing ko pero masasabi kong halos lahat ng competition na related sa English naranasan kong maging pambato. Akala ng mga nakakakilala sa akin dati nakuha ko sa pagbabasa 'yon (kasi nakahiligan ko rin magbasa eventually) pero ang totoo nauna kong nakahiligan yung paglalaro kaya kung tutuusin doon talaga ako natuto.
Isa pa pala, sanayin mo ang sarili mo na magsulat o magpahayag ng damdamin gamit ang wikang Ingles. 'Wag kang matakot gumamit ng unfamiliar terms/words. I-explore mo lang kumbaga. Kapag kasi lagi mong ginagamit, nagiging natural na lang sa'yo at kapag naging natural na sa'yo gagaling ka rin kalaunan.
Pasensya na kung mahaba. Hahaha. Sana makatulong sa'yo, TS.