What's new

[Video Link] Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310

Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?​

Bakit nga ba? Ang totoo nya'n, marami tayong mga tanong tungkol sa buhay ang hindi pa nasasagot. Gayunman, ang Bibliya ay makatutulong sa atin para malaman ang sagot sa mahahalagang tanong natin sa buhay gaya ng 'Ano ang layunin ng buhay? Bakit tayo namamatay? Bakit maraming pagdurusa sa ngayon?' Ang pag-aaral ng Bibliya ay makakatulong para maunawaan ang mga sagot sa tanong na iyan. Puwede mong i-click ang link na nasa ibaba para panoorin ang video kung bakit nga ba magandang mag-aral ng Bibliya.

Sa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasagawa ng Online na pag-aaral ng Bibliya sa napakaraming mga tao. Dahil sa pandemic, pansamantala munang inihinto ang pampubliko naming mga gawain. Kaya ang isang paraan para mapaabutan namin ng mabuting balita ang mga tao ay sa pamamagitan ng pangangaral sa Online. Bagaman, may mga tumututol at sumasalansang sa aming gawaing pangangaral, patuloy pa din naming sinisikap na mapangaralan ang mga tao dahil alam naming magbibigay ito sa kanila ng tunay na pag-asa.

Maniwala man sa amin ang iba o hindi, patuloy kaming mangangaral at magsisikap na kausapin ang mga taong totoong interesado sa Bibliya at may respeto dito upang sa gayon ay matutuhan nila ang mga katotohanang natututunan din namin sa Bibliya. Sa paggawa nito, alam naming napapasaya namin ang aming Diyos na si Jehova, at alam naming nakakapagpatotoo kami sa napakaraming mga tao.

Mateo 24:14 At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Similar threads

Back
Top