What's new

Vexel artist na laging binabarat

kid_kaneki_

Enthusiast
Joined
Jun 16, 2021
Posts
66
Reaction
23
Points
54
Gusto ko lang share frustrations ko as vexel artist, hindi man ako ganon kagaling, pero pagka may nag papagawa sakin tinatanggap ko syempre ito lang din kase ang way ko para kumita ngayon, ang problema ko lang lagi akong binabarat. kung sino pa mga kaibigan ko saka mga ka mag anak sila pa laging barat, 300 lang singil ko na minimum, depende kung whole body o half body. nakaka lungkot lang na kaming mga artist/graphic designer ang baba ng tingin ng mga tao samin.
recently lang nag papagawa yung pinsan ko ang gusto nya naka frame, couple picture nila ng asawa nya, 1200 singil ko don, sabi ko 1000 na lang kasama na frame ang sabi sakin "WAG MO NA AKONG TAGAIN SA PRESYO" yun yung pinaka masakit na na encounter ko sa lahat, to think na sa ka mag anak mo pa nang galing. Hindi naman kase madali yung ganitong field. :cry:
usagi.jpg

maki.jpg
yelyah1.jpg
 

Attachments

Di mo na dapat inaccept boss kung alam mo nman malulugi ka. :) sbhin mo, canvass muna sya tpos update ka nya about sa mga price na nalaman nya :)
 
di ko sir inaccept, nakita ko nung isang araw sa fb nag post ng kung ano ano na kesyo kamag anak tapos ganon nga daw ang turing ko, eh sila di nila naiisip hirap ko.
 
sad naman nun, ts. try mo kaya magfreelance, like upwork. basta dito talaga binabarat yung rate eh...
 
kung tutuusin yang 1200 mababa pa yan.. sa Art lang yan. hindi pa kasama ang frame diyan.

mostly 800? -1000 - 1500 (depende pa sa gagawa ang presyo) per head dapat kung tutuusin (basic vexel/vector lang ito , hindi pa ito yung high detail)

may mga tao na hindi nila alam ang presyo ng isang artist/designer akala nila 200 - 300 lang kada gawa.
minsan kahit anong explain mo sa kanila sasabihin sayo maluho ka. garapal ka.. gustong gusto kumita..


eto ang dapat nilang bayaran sa isang artist /designer (just in case na hindi mo pa alam TS)
kung baka halimbawas sa 1200 (hahatiin mo yan sa nabanggit ko sa ibaba)

-time
-pc
-electric bill
-foods
-skill
-rent (kung nagrerent)
-internet (if needed but mostly)
- nakalimutan ko ang iba

may explanation na diyan na inupload sa YøùTùbé.
(pero in the end merong parin mga taong hindi maiintindihan dahil ang gusto nila is 200 - 300 lang ang ibabayad)
 
Last edited:
totoo din kase sinasabi mo sir, pagka ipapaliwanag mo na, di naman nila ini intindi eh nag re react lang sila agad na ang mahal, di nila naiisip yung mga ganyan na bagy sir.
 
wala din ako magaw sir, kase eto lang way ko para kumita bilang estudyante eh. pero basta binabarat ako, sinasabi ko na lang na mahirap din kase gumawa, tapos pagka hindi nila nagustuhan yung presyo, hinahayaan ko na lang kung gusto ba nila mag pagawao hindi.
 

Similar threads

Back
Top