What's new

Trivia VALENTINES DAY - Ang Makabagong Lupercalia

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
FB_IMG_1613381866108.jpg

Ang February 14 ay ang araw na icenecelebrate ang "Lupercalia " noon, isang paganong selebrasyon ng mga sinaunang Romano para paalisin ang masasamang espiritu at pabanalin ang bansa nila noon. Tinatawag din na "Dies Februa" ang Lupercalia at don kinuha ang term na "FEBRUARY" na pangalan ng Month na ito ngayon.

➡️ Ang Lupercalia ay cenecelebrate at pasisimulan sa pamamagitan ng paghahandog ng isang kambing at isang aso. Ang " KULAY NA PULA " na simbolo ng dugo nong mga hayop ay ang KULAY na ginagamit sa festival na yan..

➡️ Napakagulo ng Festival na ito, madugo at SEXUALLY CHARGED na celebration dahil pinopromote nito ang pagpapakasasa sa ***.. Kung saan ang mga lalaki ay magtatakbuhan ng hubo't hùbád at mamamili ng kung sino sinong babae na makakapareha nila sa panahon ng festival..gingawang palabunutan ang mga pangalan ng babae . ‼️
Tunay na nakakadiri at napakalaswang selebrasyong ito.

Nang Makumberte sa Chrisianity ang Bansa at Imperyong Romano, at naitatag ang awtoridad ng Papa sa Roma. Hindi pa rin nawala ang paganong selebrasyong ito.

➡️ Ang Lupercalia ay hindi nawala . .kundi pinalitan lang ito ng pangalan at Patron .
Noong 5th Century A.D.. Dineklara ni Pope Gelasius I ang selebrasyon tuwing February 14 ay tatawagin nang "Valentines Day" bilang di-umano! ay parangal sa martir na si Saint Valentine na Patron of Lovers.

➡️ Nabago man ang pangalan ng Lupercalia at nawala ang ilang Activities nito pero hindi pa rin nagbago ang layunin at diwa nito, ang kulay na PULA na sagisag ng Lupercalia ay ginagamit din sa Valentines at Iniuugnay pa din ang araw na ito kay Cupido , ang Romanong Diyos ng Pag-ibig na katumbas ni Eros sa Greek Mythology.

➡️Kahit ang Valentines ngayon ay malinaw na nagpopromote din ng ganitong Seksuwal na Imoralidad gaya ng Lupercalia. Pagtatalik ng dalawa na hindi pa man lang kasal.!!!

💥 Kaya malinaw na ang "Valentines Day " ay ang pinaganda at pinagmukha lamang na katanggap tanggap na selebrasyon sa mga nag-aangking kristyano. Parangal sa mga Huwad na diyos at pagpopromote ng seksuwal na imoralidad 💥💥

➡️Kaya maraming Bible Scholars noon paman ang tuwirang nagbabala na HUWAG ICELEBRATE ang VALENTINES DAY dahil ito ay PAGANO AT WALANG IBA kundi ang LUPERCALIA. Maging Si Emperador Julius Ceasar ay nagpakita din ng pagkadismaya sa okasyong ito.

Ngayon? Pasado ba sa Mataas at Banal na Pamantayan ng Biblia ang Valentines day?

➡️ Sagot : HINDI at Kailanman ay Hindi ‼️

1. Nagmula ito sa Paganismo , may bahid at diwa ng Paganismo.
2. Pagsamba ito sa dios diosan na gaya ni Cupido at pagsamba sa tao na si saint Valentine.
3. Ito ay nagpopromote ng seksuwal na imoralidad, kahalayan, at pagtatangi.
4. Marami pang iba.
 

Attachments

Back
Top