What's new

Help Utility worker

Najida

Eternal Poster
Established
Hingi sana ko payo lalo na sa mga oldies na madami na experience sa work .College Graduate po ako , plus nag take po ako ng 3 vocational courses almost 2 year na rin po akong walang work since nung pandemic kasi dahil sa pangyayare sa buhay ko namatay po yung kapatid ko at nastroke po ang nanay ko ofw po papa ko nag iisa nalang ako ng anak kaya ako nag aalaga sa mama ko . may small business naman ako kaso mahina naisipan ko mag work malapit samin isang International Airport (soon kasi under construction pa yung iba wala pang international flight ) as Utility Worker 500 per day ang sahod mas mataas kesa sa minimum na sahod sa probinsya namin na 300 - 320 pesos kung kukuha ako related sa course ko ganyan sweldo ko 8k per month vs 14k per month as utility worker . wala pa naman kasi ako Eligibilty na need sa work kaya balak ko sana while working dun as utility mag reready ako for CSE kapag ka nakapasa at naghiring sila na same ng pinag aralan ko mag aapply ako atleast medyo advantage narin sakin kasi dun ako nagwowork kaso as utility worker . kaso nga dami issue nakapag tapos ako at may mga vocational courses pa ko tas aapply ako as utility worker pero mataas naman ang sahod btw IT graduate po ako sideline ko rin gumawa ng mga projects systems pang thesis etc. , nagtake rin ako vocational courses sa tesda Contact Center Servicing , Organic Argricultur, Dressmaking at nag take din ako ng online courses sa tesda parin computer system servicing. Salamat po!
 
If meron benefits at complete ang contributions, why not coconut? The most important thing is yung mandatory contributions.

Given the fact na graduate ka at meron pang voc courses, eh you should aim for a much high-paying job. Bakit sobrang baba yata ng minimum dyan sa inyo?

If I were you, pasok ka sa BPO industry and the likes yung magfi-fit sa natapos mo. At the end of the day, diskarte pa rin ng buhay yan. Just enjoy what you want to do 🙂
 
if government yang airport na yan agree ako na pasukin mo as utility I

kasi mahihirapan kang pasukin ang mataas na position kahit eligible ka pa if wala kang experience sa government dahil 35% ang weight ng individual performance rating (IPCRF) during application at makukuha mo lang iyon sa pamamagitan ng pag trabaho sa gobyerno
 
Last edited:
Alamin mo kung kanino ka dapat sumipsip kapag mag-apply ka na ng IT. Pakita mo rin syempre sa immediate superior mo na masipag ka at maaasahan. Pakisamahan mo ng mabuti supervisor mo kasi hihingan siya ng feedback tungkol sa pag-aapply mo. Galingan mo rin syempre sa CSE. Mas mataas score mo mas maganda.
 

Similar threads

Back
Top