What's new

Unvaccinated may kalayaan paba ?

Mag pabakuna na ho kayo wag na po kayo matakot. ako 18 years old astra vaccine ko booster na lang kulang, hindi man lang ako nilagnat nakakangalay lang talaga sa braso. Awa ng diyos Hindi pako naospital sa buong buhay ko. Hindi ako agad umiinom ng gamot kapag may sakit. Kaya mataas na sakin yung 2 days ako lagnatin Kase hindi sanay sa gamot katawan ko. Pabakuna na ho kayo
 
Pede naman daw pong lumabas kung basic necessities yung kelangan ng unvaxed. Considered under very strict quarantine na po kasi tayo kaya rules under such quarantine classification should apply to the unvaxed. Special priveledge lang kasi yung nabibigay lang sa vaxed.
 
Mga malls lang mahigpit dito sa amin pero halos karamihan wala na pakialam. May kasal nga dito nun makalawa, vax at unvaxxed eh dumalo tapos wala pa mask at social distancing. Sumuko na rin ata kakasita mga otoridad kasi wala naman nangyayari eh. May bakuna nga defective naman.
 
limitado lang napupuntahan ng mga unvaccinated e unless sa probinsya ka nakatira kahit saan ka pa mapadpad xD
 
Same here unvaccinated din ako, ayaw ko magpa vaccine kasi pansin ko kahit vaccinated nahahawa parin sa virus na yan.
 
Pa bakuna na kayo, para rin nmn sa inyo yan at sa mga pamilya nyong pde nyo mahawaan.
bakunado lahat ng family ko maliban sakin kasi nakalimutan ko yung sched tas tinamad na ko magpa resched pero nagka covid pa rin sila and nahawaan ako para kalang may lagnat pero walang panlasa tas ayun hindi na ko nag pa bakuna kasi may antibodies na rin namn na ko AHHAHAHAHA
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top