What's new

Poems Umagang Kay Ganda

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,949
Solutions
6
Reaction
66,393
Points
16,629
O kay sarap ng pakiramadam
sa unang pagmulat ng iyong mata
kay ganda ang salubong ng iyong umaga,

Di alintana ang buhok na magulo pa,
Kitang kita ang natural na ganda ,
Tila nanaginip na naman ng kakaiba,
dahil mga ngiti ay nakakahawa,

Heto na naman tayo,
lumalaban na naman muli,
nagiging mas matatag at matibay palagi,
Hinding hindi susuko sa bawat hamon
ng buhay na sa ating mga kapalaran nakatali,

Tarana't simulan natin ang araw,
at duon sa malamig na batis magtampisaw,
makisabay sa daloy ng tubig na malamig,
sinlamig ng naudlot ninyong pag ibig,

Bawat umaga ay may biyayang
nakaabang,
bawat sinag ng araw ay may
ay may nakaturong daan,
kaya huwag sayangin ang bawat
umaga ,
gisingin ang diwa
at lawakan ang pang unawa,

Hatid nitong umaga ay isa na
namang pag asa,
hagga't bukas ang ating pag iisip
sa mga bagay na ninanais,
huwag pansinin ang may matatabil
na dila't bawat lumabas na salita'y matutulis,
at sa matinong daan
wag na wag ka lamang lilihis.











❤️~Professora Akira~❤️











 

Similar threads

Back
Top