What's new

Stories ULAN -A Short Story

kepzie

Addict
Joined
Jan 23, 2021
Posts
31
Reaction
25
Points
86
140431317_1103553953427038_9062909345567245969_n.jpg

CHAPTER I -ULAN

Mga Classmate uwian na!

"Junard! tara na uwian na!" sigaw ng isang babae na pamilyar sa akin ang boses, yan ang tinig na hinihintay kong marinig sa bawat pagtatapos ng araw ko sa klase.
"Jonard ang pangalan ko kamahalan hindi Junard" bakit ba sa ganda ng pangalan ko kapag sya ang bumabanggit nagiging parang code ng mga Alien. "H'wag ka ng magreklamo dyan,yan ang gusto kong itawag sayo" sagot nito na may halong pagkairita sa boses "napaka slang kasi ng letter R mo po, Sige na po kamahalan hindi na po ako magrereklamo" bawi ko sa kanya, pumayag nalang akong maging kasangkapan ang aking pangalan sa pagtawag ng mga extraterrestrial being at saka baka magbago pa ang isip nito na sumama sa akin.

Kaarawan ko ngaun at dahil isa ako sa mga masugid nyang manliligaw, pumayag syang sumama sakin pagkatapos kong malampasan ang mga napakabagsik nyang pagsubok at ito lang naman ay ang mga sumusunod:

1. Ang pagsagot ng mali sa tanong ng Math teacher namin na parang hindi kumakain ng ordinaryong ulam para mapatayo ako sa Basket Ball Court sa tanghaling tapat.
-Sisiw sakin ito dahil palagi naman mali ang mga sagot ko, marahil dahil narin siguro sa nakakatakot na itsura ng Teacher ko nalilimutan ko kung ano ang tama sa mali.

2. Abangan at bugbugin ang mga kaklase kong bully na tumatawag sakin na "Kulot Salot" sa labas ng eskwelahan.
-Hindi ko alam ano meron sa pagsubok nato dahil hindi naman ako napipikon sa mga pambubuly nila, marahil siguro nasasaktan sya dahil may pagkakulot din ang buhok nya. Hindi ako masyadong nahirapan dito dahil Magaling akong i-apply ang mga napapanood kong action movie at anime sa totoong buhay, dalawang araw lang naman akong nahospital at isang linggong nagpagaling sa bahay.Sisiw!

3. Ang pag arkila sa Fishball vendor sa tapat ng eskwelahan para magpanggap na kamag anak ko at iprisenta sa Guidance Counsilor.
-Nahirapan akong makipag tawaran sa presyo para lang mapapayag ko sya dinagdagan ko nalang na may kasamang kasunduan na araw-araw akong bibili sa tinda nya at magkukwento tungkol sa P.E Teacher namin na sê×ÿ daw sa paningin nya. Magaling umarte si kuya fishball na Tito ko kunyari, narinig ko pa ang sabi ng Guidance Councilor sa kanya na "Marami ho pala talaga kayong kamag anak dito sa eskwelahan Kuya Ben"

4. Ihatid sya sa kanilang bahay na wala sa aking nakakakita na para ba akong kaluluwa lang.
-May itinurong Ninjutso sakin ang Kapitbahay namin na si Apo Chopy salamat nalang at hindi ko ito ginamit, Araw-araw akong nagpapalit ng damit kapag ihahatid ko sya para hindi ako makilala ng mga magulang nya,sinusulatan ko rin ng Pentel Pen ang kilay at Bigote ko, naubusan lang ako ng color black na Pentel Pen kaya minsan Kulay Red ang Bigote ko at green ang kilay ko, mabuti nalang at hindi nila ako nakikilala sa araw-araw na paghahatid ko sa anak nila.

"Ria Anak, Si Jonard na naman naghatid sayo at may pa iba-iba pa sya ng damit at itsura ha, bukas ano naman kaya ang suot nya?"

Ganun pa man kahit nalampasan ko ang mga pagsubok nya hindi parin ako napromote, isa parin ako sa mga manliligaw nya, hustisya nalang nya siguro na ibinigay ay ang pagpayag nya sa akin na sumama sa selebrasyon sa araw ng aking kaarawan.

Matagal na akong nanliligaw kay Ria, dalawang taon narin kung bibilangin mo ang mga tigyawat ko sa mukha. Hindi ko rin alam kung bakit pinasok ko ang panliligaw, ang sabi ng matandang kapitbahay namin na si Apo Porky na dapat ay palaging magsipag sa panliligaw dahil isa itong paraan ng pagpresenta sa ibang tao sa nararamdaman mong Pagmamahal. Iniisip ko nalang na kulang pa ang pagsisipag ko para makuha ko ang "Oo" kay Ria, siguro kailangan ko pa ng walong taon para mapa Oo ko sya.Bigla tuloy akong nagworry sa mga tigyawat ko sa mukha.

"Ano na Junard? halika na at nagugutom nako" Ang sabi nya, habang ako naman ay nagising sa pagmuni muni sa aking mga napagdaanan "Tara na po kamahalan" Ang agad ko namang tugon, habang nakaluhod ang aking isang tuhod sa semento.

Nag umpisa na kaming maglakad papunta sa aming lugar at habang kami ay naglalakad nagsimulang umihip ang malakas na hangin na para bang nagbabadya ng pag ulan, tuluyan pa itong umihip at nag umpisa na nga ang pagpatak ng daan-daan at naging libo-libong patak ng tubig ulan.

"Ay Pusa, mababasa tayo sa ulan wala pa naman akong dalang payong!" may halong kaba na sabi ni Ria, agad ko namang binuksan ang maliit kong dalang payong na kasya lang ang dalawang tao. Pinagdasal ko talaga na bumuhos ang ulan sa araw na iyon at ng sa gayun ay susukob sya sa aking maliit na payong at makakatabi ko sya ng malapitan. Napakaromantikong tidnan sa aking imahinasyon na magkatabi kaming dalawa habang naamoy ko ang kanyang halimuyak at matitigan ng malapitan ang kumikinang nyang mga Mata.

"Mabuti nalang at meron kang dalang payong, akin na yan at ako nalang po ang hahawak" ang sabi nito at agad naman akong tumanggi dahil mas gentleman sakin tidnan kapag lalake ang nagpapayong sa babae."Ako nalang maghahawak sa Payong natin para hindi ka mahirapan kamahalan" ang mabilis ko namang sagot,.

"Pwede po bang ako nalang maghahawak ng payong natin please!" ang pagpipilit nito at biglang bumilog ang kanyang mga mata na para bang mata ng Pusang nagmamakaawa na ibigay mo sakin ang ulam mong pritong isda. Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan ang kanyang hiling at agad kong inabot sa kanyang mga kamay ang hawak kong payong. "Maraming salamat Junard" Ang sabi nito saba'y ngiti sa akin na para bang may itim na binabalak..

Maya maya pa'y unti-unti ko ng nararamdaman ang malamig na ulan saking ulunan at unti-unti narin syang lumalayo sa aking paningin.. Trinaydor ata ako ng Pusang bilugan ang Mata! Binilisan ko ang paglalakad para agad ko syang maabutan, maya maya pa'y nakita ko syang huminto at lumingon sa akin. Marahil siguro Nakonsensya ang taong Pusa sa pag iwan sakin.

"Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis eh, maari na po ba akong sumukob sa inyong payong kamahalan?" Ang nakangiti kong sabi

"Junard baha na, paano na yan, ayaw kong mabasa ang sapatos ko na kabibili lang ni Mama, tiyak na masesermunan ako nun, pasensya kana Junard,pero siguro, babalik nalang ako at uuwi" bigla akong nakaramdam ng lungkot sa kanyang mga sinabi na para bang gusto ko ng bawiin ang aking hiling at pahintuin nalang ang ulan. Wala akong naitugon sa kanyang mga sinabi at habang sya'y naglalakad pabalik, agad din syang napahinto, baha narin pala sa daan na pinanggalingan namin. Hindi na ako nag isip at biglang kumilos ang aking katawan at agad kong inalok na sumakay sya sa aking likuran..

"Kamahalan sumakay na po kayo sa karwahe ninyo para hindi po mabasa ang inyong sapatos" Ang alok ko sa kanya

Wala syang magagawa kundi sumakay sa aking likuran sabay sabing "Hwag mo lang akong sasabihan na mabigat at bibitiwan kung gusto mo pang mag birthday next year!" agad naman akong ngumiti at sabay sabing "Hinding-hindi ako bibitaw sayo, este hinding hindi kita bibitawan at Mahal ko pa ang buhay ko kamahalan" Napangiti naman ito sa sagot ko sabay ang pagsakay nya saking likuran. Parang naging isang eksena sa Korean drama ang mga sumunod -It's a Piggy Back time Assah!!

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, dinaig pa nito ang imahinasyon na naglaro sa isipan ko kanina, nararamdaman ako ang lambot ng kanyang ****** sa aking likuran, habang magkadikit ang aming mga pisngi, naamoy ko ang halimuyak ng kanyang Buhok, naririnig ko ang dahan dahan nitong paghinga na para bang napaka komportable nitong sumakay sa Karwahe nya. Parang ayaw ko ng matapos ang ganitong eksena, kung maari lang sana na hwag ng huminto ang buhos ng ulan at bahain sana lahat ng kalye na aming madaraanan. Ang sarap isipin na pasan ko lang sa likod ko ang bumubuo sa Mundo ko, yung taong Pinapangarap kong makasama sa buong buhay ko.

"Junard" basag nito sa katahimikan "Anong wish mo pala sa Birthday mo?" tanong nito "natupad na ang wish ko" ang mabilis ko namang sagot. "Maari ko bang malamang kung ano yun?" tanong nito "Ang Wish ko ay ang makasama ka sa ilalim ng ulan" narinig ko ang biglang pagbilis ng pagtibok ng kanyang Puso at naramdaman ko ang dahan dahang pag guhit ng mga ngiti nito sa kanyang mga labi.

"Siraulo, kanina pa tayong Lagpas sa bahay nyo!"

Itutuloy..



CHAPTER II - REGALO

"Inay andito na po kami" ang bati ko sa aking Inay sa aming pagdating "Ay Sus Maryosep mga Anak, nabasa na kayo ng ulan, pumasok na kayo at dumiretso sa CR at magbihis" ang sabi nito na may pagkabahala sa boses, agad agad naman kaming sumunod at pumasok ng bahay.

"Kamahalan narinig mo sinabi ng Nanay ko? pumasok na daw tayo sa CR" sabay ngiti ko sa kanya, Agad namang sumigaw si Ria at tinawag ang aking Inay

"Tita Beth si Junard may sinasabi pong hindi maganda" sumbong nito sa aking Nanay, sabay ang pagngiti nito sa akin pabalik na para bang naghihintay sa aking kapahamakan.

bigla namang sumigaw ang aking Inay na may tinig na mas maingay pa sa busina ng Jeep "Jonardo!" Ang sigaw nito "Narinig ko ang sinabi mong pilyong bata ka!" agad naman akong nanahimik sa narinig at nakadama ng kaunting takot sa ******. sinulyapan ko si Ria at nakita ko na pilit itong nagpipigil ng tawa. sabay ang sabi sa akin na "Naku po Junard, Yari ka!"

"Ano kaba naman Anak paunahin mo ang Prinsesa" sabi ng aking Inay na papalapit sa aming dalawa, Napansin ko ang dala-dala nitong damit at may kung anong excitement sa kanyang mukha na madalas kong nakikita kapag i-wiwí†hdráw na nya ang sweldo ni Itay.

"Ria anak ito ang damit na binili ko online para sayo, suotin mo para sa araw na ito ha?" Ang sabi sa kanya ng aking Inay, "Opo, Maraming salamat po Tita Beth, Nakakahiya naman po" Ang tugon nito na pilit na pinaliliit ang lumalaki nyang mga mata, kapwa excited ang itsura ng dalawa na para bang may kung anong koneksyon na hindi ko maintindihan, Ang malinaw lang sa akin ay pareho silang may pagka Slang sa pag pronounce ng mga letra sa aking Pangalan, Hindi ko tuloy maisip kung ano ang magiging tunog kapag sabay nilang tinawag ang aking pangalan. #%3w23%32!

Nag iisang anak lang ako ng aking mga Magulang, palibhasa'y wala silang anak na babae nagmumukha akong anak sa labas kapag bumibisita si Ria sa aming tahanan.
Nang dahil sa lakas ng impluwensya ni Ria, Natutunan ni Itay ang mag alaga ng mga hayop at isa na dito ay ang Pusa, napabayaan na nya ang mga Panabong nyang Manok, Iba narin ang istilo nito ng gupit at nagpapakulay narin ito ng buhok na hawig sa mga KPOP Star na napapanood ko sa T.V, Si Inay naman ay natutunan ng magluto ng mga Korean dishes, magsubscribed sa Netflix, Magupdate ng Status sa Facebook, at ang mag Tiktok. siguro sa susunod ay magiging Vlogger narin ito. Ewan ko ba minsan naiisip ko na parang may sa anong mahika syang dala o siguro parang kinukulam na nya ang aking mga magulang.

Lalo ko tuloy naisipan na sipagan ang panliligaw dahil isa sila sa unang matutuwa kapag na pa Oo ko na si Ria. malamang ay mag papafire works display pa sila, mag-aarkila ng Banda at magpoprosisyon sa kalsada.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Ria, hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman ng makita ko ang kanyang kasuotan, at dahil sa angkin nyang kagandahan, para bang umiilaw sa liwanag ang kanyang mukha at katawan na para bang may dyosa na bumaba na galing sa kalangitan. sa tagal ng aking pagka nganga maya maya pay may biglang tumulong laway sa aking bibig na hindi ko namamalayan. Lumampas na sya sa aking paningin at ng makalapit na sya sa akin ay agad nya akong binulungan "Nagandahan kaba sa suot ko Birthday Boy Junard?" sabay ang ngiti at pagkindat nito ng kanyang kaliwang mata, tango lang ang naisagot ko sa kanya dahil hindi ako makakilos sa ganda ng aking nakita na para bang nagyeyelo ang buo kong katawan. Bumalik lang ako sa katinuan ng nagsisigaw ang Nanay ko sa tuwa ng makita na suot na ni Ria ang kanyang bagong damit.

"Junardo ano pang tinatayo mo dyan magbihis ka narin, ako na ang bahala dito sa Prinsesang bisita mo" ang sabi ng aking Inay at agad naman akong nagtungo para makapag palit narin ng damit.

Lumipas ang mga oras at hindi ko man lang nagawang masolong kausapin si Ria, dahil abala din ito sa pakikipagkwentuhan sa akin mga Magulang na para bang sya ang may kaarawan at nasa kanya lahat ng atensyon. Ang wierd lang dahil minsan ay bigla nalang syang napapatingin sa akin na para bang may gustong sabihin.

Lumabas muna ako sa likod hardin ng bahay namin at nagpahangin, naglalakad ako habang nakatingala sa langit na walang ano mang iniisip, mabuti nalang at maaliwalas na ang panahon,malinaw kong natatanaw sa kalangitan ang mga bituin sa kalawakan at ang liwanag ng buwan, na-aninag ko ang madidilim na ulap na parang nagkokorteng Pusa ang itsura na hindi naman dapat at ang mga lamok na kanina pang maingay na nagkukwentuhan sa aking likuran. narinig ko pa ang isa dito na nagsabi "Mga Pre, sakin yung parteng likod ng tenga"

"Junard! bakit magisa ka dyan?" isang tinig ang aking narinig na masyado akong pamilyar sa Boses, kaya pala nagkokorteng Pusa ang mga ulap dahil ang Prinsesa ng mga "Meow" ay unti unti ng lumalapit. " Wala naman nagpapahangin lang po ako Kamahalan" ang agad kong isinagot "Masaya kaba sa kaarawan mo?" Ang tanong nito sa akin "Oo masayang masaya at wala na ako sigurong mahihiling pa, Maraming salamat sayo kamahalan sa pag payag mo na sumama sakin" lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking kamay at sabay nyang iniabot sa aking palad ang isang maliit na kahon.

"Happy Birthday Junard! Regalo ko sayo,buksan mo na" ang sabi nito, Plano ko sanang buksan ng slow motion ang kanyang bigay na regalo pero hindi na ako nag aksaya pa ng oras, hindi ko maitago ang excitement ko na nararamdaman habang naglalaro sa aking isipan ang posibleng laman ng maliit na kahon, kinapa ko muna saglit ang labas nito para magkaron ako ng kaunting idea at mailigtas ang sarili ko sa posibleng maagang Heart Attack, unti-unti ko ng nakikita ang laman nito, nagtalo ang isip ko kung ito ba'y isang mamahaling bagay o isa sa pwedeng maging alaala na madadala ko habang buhay. Pumikit muna ako ng saglit mga limang minuto at muli kong dinilat ang aking mga mata ng tatlong segundo..

at ang laman ng kahon ay..."Hair Rebonding Cream! Anak ng Kulot na Pusa!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa regalo ni Ria, dahil kanina pa ako naiirita sa pagpipigil nya ng tawa, Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil naisip ko bigla na marahil meron na naman itong naiisip na pagsubok na kagimbal gimbal para sa akin. Ganun pa man agad din akong nagpasalamat sa pagiging Thoughtful nya.

"Maraming salamat sa Regalo mo kahamalan, Sobra akong natuwa" Pagsisinungaling ko sa kanya "Walang ano man, gamitin mo yan bukas ha Junard?" ang utos nito, "Hindi ko gagamitin itatago ko nalang po kamahalan remembrance po sa unang regalo nyo sa akin" ang tanggi ko sa kanya "Ang sabi ko Junard Gamitin mo yan bukas!" ang pagdidiin nito na aakma na para akong kakalmutin habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Wala akong nagawa kundi ang sumang ayon na gamitin ang Hair Rebonding Cream na regalo nya.

Natapos na ang gabi ng selebrasyon ng aking kaarawan at si Itay na ang naghatid sa bahay ni Ria.

Kinaumagahan sa Eskwelaha.. Itutuloy..
 

Attachments

Last edited:
Hmmm 🤔 mukhang di patok ang post mo, probably yung mga online eh di mahilig sa pagbabasa at lalo na kung mahaba but except sa akin So keep it up 🤗 and try other things, maybe try to ask what is good to explore or pagaralan.
 
CHAPTER III Sinong salarin?

Papalapit na ako sa Gate ng eskwelahan ng makita ko ang isang napakapamilyar na babae na nakatayo na para bang may hinihintay..agad ko syang nilapitan at binati ng "Napakaganda mo po sa umaga Kamahalan" Pumikit-pikit ito na parang hindi makapaniwala sa nakita at bakas sa kanyang mukha ang pagdududa, Mga ilang ulit din nyang tinitigan ang aking pagmumukha na para bang may hinahanap na marka, Bigla itong napangiti ng abot tenga pagkatapos nitong makumpirmang ako nga "Ay Pusa, Junard muntik kitang hindi makilala" sabay halakhak nito na halos makita na ang kanyang lalamunan.

Ginamit ko ang binigay nyang regalo bago ako matulog kagabi at kinaumagahan habang ako'y nagaalmusal narinig ko ang pagtawag ni Inay sa telepono ng mga Pulis dahil may isang kung sinong tao daw na kumakain sa aming hapag kainan, agad nyang tinawag ang aking Itay at agad kumuha ang aking Itay ng pamalo habang sya ay papalapit sakin, nagsisigaw ito na "Kung sino ka man,lumayas ka sa Pamamahay namin" bigla akong nagulat sa aking kinauupuan na para bang katapusan na ng aking buhay, Napahinto ang mga ito ng marinig ang aking tinig "Itay Inay ako po ito!" ang mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Tara na pumasok na tayo sa loob" ang aya sakin ni Ria, sabay hila sa aking kamay. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik na para bang ibebenta ako sa bumibili ng kaluluwa.

Habang kami ay naglalakad nagtitinginan sa akin ang mga studyante na para bang may artista ng anime na bumisita sa eskwelahan, merong biglang lalapit sakin at tititigan ako ng malapitan sa aking mukha at sabay tatawa na para bang may kung anong nakita silang nakakatuwa. May mga bumubulong na grupo ng mga kababaihan at bigla nalang itong magtatawanan sa aking pagdaan, marahil ay naiinggit ang mga ito sa ganda ng aking Buhok, Kung babalakin man nila akong tanungin ay hindi ko sasabihin sa kanila ang brand na gamit ko. Narinig ko din ang mga bulungan ng mga madalas na nambubully sakin at narinig ko ang sabi ng isa sa mga ito "Hoy mga tol si Kulot yun diba?" sabay tapik sa ibang membro nito "Hoy si kulot, si kulot tidnan nyo mga pre" napatitig silang lahat sakin at sabay-sabay silang nagsabi ng.. "Aba si Kulot NAGPAREBOND!" na may gulat sa kanilang mga mukha.

Walang hinto sa katatawa ang kasabay kong taong Pusa na may gawa ng lahat ng ito, na para bang may kumikiliti sa kanyang kili-kili, kulang nalang ay maglumpasay ito sa sahig. Napapailing nalang ang aking ulo sa mga nangyayari(Gawin ko kayang Siopao to),Pero napapangiti naman ako minsan kapag naririnig ko ang tawa nya na para bang mauubusan na ng hininga.

Pumasok na kami sa loob ng classroom para sa unang subject namin sa klase, maya maya pa'y pumasok narin sa aming classroom ang aming Teacher at sabay-sabay naman kaming tumayo upang batiin sya ng "Good Morning Teacher" Ngunit pagkatapos ng aming pagbati ay may isang tunog kaming narinig na kakaiba, sigurado akong lahat ng aking kaklase ay narinig ito at alam ang kahulugan ng tunog, ngunit sa hindi inaasahan ay hindi namin alam kung kanino nanggaling ang ingay, tumahimik ang lahat sa klase at ang lahat ay nagpapakiramdaman,.. maya-maya pa'y may masamang hangin na kaming naamoy na hindi kayang tiisan ng kung sino mang nilalang. tinitigan ko si Ria dahil sya ang halatang Kumpermadong salarin, nakayuko ito sa kanyang kinatatayuan na para bang katapusan na ng kanyang Mundo, At Ng may magbabalak ng magtraydor na isa sa mga kaklase namin na i-bulgar ang katotohanan at ituturo na nito si Ria ay dali dali agad akong sumigaw na "AKO PO ANG UMUTOT!"

Pinalabas ako ng klase ng Teacher namin pagkatapos ng mabahong pangyayari, inutusan akong magkulong sa CR para ilabas ang aking daw masamang nararamdaman.

Samantala sa Guidance Counsilor, may kinakasang operation Man Hunt sa isang studyante daw na mahaba ang buhok, Ayon sa report, dati daw itong kulot at ngaun ay humaba na ang buhok dahil nagpaunat ito,huli itong namataan na may kasama itong Pusa na Bilugan ang Mata. labag ito sa batas sa buhok ng paaralan kaya minabuti nilang hanapin ito upang masermunan at gupitan para hindi gayahin ng ibang studyante. Linibot nila ang buong klase at inisa-isa ang mga classroom ngunit sa kanilang paghahanap ay wala silang natagpuang long hair na studyante (Nasa Kubeta po ako mga Sir!)

Lunch time - inaya ko ang kaklase kong traydor para kumain ng fishball, agad naman itong sumama dahil sa libre ko ang bawat tusok nya. doon ay kinausap ko sya ng masinsinan na hwag sasabihin sa iba kong kaklase kung sino ang tunay na salarin, sa una ay ayaw nitong pumayag at sasabihin nya daw at ipagkakalat na si Ria ang tunay na umutot. ganun paman kamalas nya at katropa ko si Tito Ben "the fishball vendor ang kapamilya ng lahat" tinakot nito ang kaklase ko at sinabihan na pagsisihan nya ng buong buhay nya kapag hindi daw sya sumunod sa gusto ko. At agad naman itong sumang ayon at sumumpa ng katapatan sa harap ko. (Ikaw na ang tropa at kunyaring kamag anak ni Tito Ben)

Malapit na ang uwian at nasasabik na akong maghatid kay Ria, pero hindi ko namalayan na wala na pala ito sa huling subject ng klase namin, Naisip ko na baka nahiya ito sa nangyari kanina at nagdesisyon nalang na umuwi. Maya maya pa'y tumunog na ang Bell, agad akong tumayo sa aking kinauupuan para dumiretso ng umuwi ngunit sa kasamaang palad ay merong dalawang Guidance Councilor na naghihintay sa labas ng pintuan ng classroom namin na may dala dalang Suklay at napakalaking Gunting..

"Hwag nyo pong gupitin ang Buhok ko! " Ang pagmamakaawang sabi ko sa mga walang awang namumutol ng buhok ng may buhok, ilang sandali pa'y natapos na sila sa paggupit at agad akong naghagilap ng salamin para tidnan ang aking itsura at tumambad ang isang Mukha sa salamin na hindi ko aakalain.. "Mukha na akong Sundalo!" ang masama sa loob kong nasabi.

Papalabas na ako ng Gate ng eskwelahan ng may naaninag akong isang napakapamilyar na babae, Si Ria, meron itong kausap na sa isang lalake at mahahalata mo sa kanyang mga kilos na interesado ito sa kanilang pinag uusapan, minabuti kong lumapit ng hindi nila namamalayan ginamit ko ang tinuro sakin ni Apo Porky na Ninjutsu para hindi ako makilala. Nakaupo sila sa isang bench at ako naman ay dahang-dahang nagtago sa halamanan sapat na para marinig ko ang kanilang pinag uusapan.

"Hindi kaba ihahatid ng Masugid mong kulot na Manliligaw?" ang sabi ni Alex (Sya ang sikat daw na manlalaro ng Basketball sa eskwelahan namin pero hindi sya sikat sakin)

"Hindi malamang umuwi na yun dahil nagskip ako ng huling klase namin para mapanood ko ang laro mo" Si Ria.

"salamat sa pagnood mo ng laro namin, nakita nga kita sa crowd na nagchecheer kanina" "Oo nga pala kaya kita inaya dito na magusap, dahil meron akong importanteng sasabihin" Ang sabi ni Alex

"sabihin mo na wala namang nakakarinig satin ngaun.." Ang sabi ni Ria. (Akala nyo lang walang nakakarinig ang bulong ko sa sarili)

"Oo nga pala Ria, Siguro ito na ang tamang oras na sabihin ko sayo ang aking nararamdaman, matagal na kitang gusto simula pa nung 1st Year Hi-School ka palang, nahihiya akong sabihin sayo dati dahil wala akong lakas ng loob at ngaun na siguro para sakin ang tamang oras", "Kung iyo sanang tatanggapin, maari ba kitang maging Girl Friend?" ang sabi ni Alex

"Matagal narin akong humahanga sayo Alex kung hindi mo lang alam, pero sa tingin ko ay hindi pa ako handa na magkaron ng Boy Friend" Ang Sabi ni Ria

"Dahil ba yan sa Kulot mong manliligaw? Ang tanong ni Alex. Hindi naman nakasagot si Ria sa tanong nya at nanatili itong tahimik.

"Hindi mo na kailangan sagutin, Naiintidahan ko at maghihintay ako sayo kung handa ka ng sagutin ang Pagmamahal ko" Ang sabi ni Alex. "Ihahatid na kita" ang duktong nito.

Umalis na sila sa kanilang kinauupuan at ng hindi ko na sila matanaw ay agad naman akong umalis sa halamanan, balak ko pa sana silang sundan ngunit hindi ko na itinuloy dahil hindi maalis sa aking isipan ang mga sinabi kanina ni Ria, matagal narin pala syang may lihim na pag hanga sa lalakeng ito..

Sa aking paglalakad, biglang umihip ang malakas na hangin na para bang nagbabadya ng pag ulan.. Itutuloy..
 
CHAPTER IV -LUHA

Sa aking pag pauwi ay bumuhos ang malakas na ulan, Naisip ko Si Ria dahil hindi naman talaga ito nagdadala ng sarili nyang Payong, huminto na ako sa pag aalala dahil meron naman syang kasama, marahil nakasakay rin ito sa kanyang likuran dahil baha sa daan at ayaw mabasa ang kanyang sapatos, marahil ay naririnig rin ni Alex ng malapitan ang tibok ng kanyang Puso. hindi ko maalis sa aking isipan ang mga narinig ko kanina, ito na ata ang tinatawag nilang "Selos" pero bakit naman ako magseselos? isa lang naman ako sa mga manliligaw nya, pero bakit ganito ang aking nararamdaman? marahil siguro dahil takot ako na maari syang mawala sakin? kailangan ko ba ng karapatan para magselos? kung wala man akong karapatan bakit ko ito nararamdaman? Gumugulo ang isipan ko sa kakaisip, marahil siguro kailangan ko na munang magpahinga at huminto sa mga bagay na nakasanayan ko na.

Kinabukasan habang ako ay papasok sa eskwelahan nakita ko si Ria na nag aabang sa Gate, dumiretso lang ako ng lakad hanggang ako ay makalapit binati nya ako ng "Magandang umaga Junard" at bumati din ako ng "Magandang umaga Ria" bakas sa kanyang mukha ang paninibago ko sa aking pagbati "Kamusta ka anong nangyari sa buhok mo?" ang tanong nito, ang sabi ko nalang ay "ayos lang naman, pinagupitan ko" "Halika na pumasok na tayo sa loob" ang aya nito sakin, tumanggi naman ako na sumabay at sinabihan ko sya na mauna na nalang sya at bibili pa ako ng Pentel Pen.
"Okay sige, sunod ka nalang mamya, Okay ka lang ba Junard?" ang tanong nito sa akin at nagpanggap lang ako na hindi ko ito narinig at umalis na akong papalayo patungo sa malapit na tindahan kunyari. Lumingon ako sa likod para tidnan kung andun pa sya pero wala na ito at pumasok na sa loob. Hindi ako makapagdesisiyon kung papasok ba ako sa klase susubukan ko nga ang sinasabi nilang "cutting classes"

Naglakad lakad ako na hindi alam ang patutunguhan, magulo parin ang isip ko, siguro napapagod narin ako sa panliligaw sa kanya, ganito ba talaga kahirap para makuha mo ang taong pinakamamahal mo? Wala naman akong ginawang iba kundi gawin ang mga gusto nya, kahit alam ko na nagmumukha na akong ***** sa paningin ng iba, basta't mapasaya ko lang sya ay ayos lang sakin. Naisip ko na parang wala naman patutunguhan kapag nagpatuloy pa ako kaya marahil siguro kailangan ko ng ipaalam na hihinto na ako.

"OK lang ako" yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili habang ako'y naglalakad pabalik sa eskwelahan, malapit na ang uwian , Nagdesisyon na ako na ihinto na lang ang panliligaw ko sa kanya. Habang ako ay nag aabang sa Gate, nilibang ko muna ang sarili ko sandali, tumaya ako sa mga games sa tapat ng eskwelahan hindi nga lang ako nanalo na kahit isang sisiw na kulay pink. Nakikita ko na si Ria na papalabas ng Gate, pumikit muna ako sandali at huminga ng malalim para lumakas ang aking loob, lumakad na ako papalapit para salubungin sya at nakita ko syang nakangiti, ngunit habang ako'y papalapit ay napansin ko na kasabay pala nito si Alex, akala ko naman ay ako ang dahilan ng pagngiti nito kanina hindi pala. Napansin nya akong nakatayo at lumapit sila sa akin sabay ang sabi sa akin ni Ria "Anong nangyari sayo maghapon ka bang naghanap ng Pentel Pen?" hindi ko sinagot ang biro nyang tanong sa akin "Hoy,Kulot ako na maghahatid kay Ria ha?" ang sabi ni Alex at hindi rin ako nakasagot, nakatitig lang ako sa kanilang dalawa na hindi ko alam ang sasabihin.. Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso habang nakikita silang dalawa na magkasama, Maya maya pa'y naglakad na sila papaalis, at biglang bumukas ang kanina pang nakatikom kong bibig "Sandali lang Ria, meron lang akong gustong sabihin" ang bigla kong nasabi, agad naman syang huminto sa paglalakad matapos nitong marinig ang aking sinabi "Ano yun Junard?" ang nagtatakang tanong nito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sa kanya sabihin na "Hihinto na ako sa panliligaw sayo" na may garalgal sa aking boses, napatitig ito sa aking mga mata na parang hindi makapaniwala sa narinig, maya-maya pa'y nakita ko na dahan dahang napalitan ng lungkot ang kanyang mukha. Hindi na ako naghintay pa ng kanyang sasabihin at agad na akong umalis papalayo sa kanilang dalawa.

Hindi ko mapigil ang pag patak ng aking mga luha habang ako'y naglalakad papalayo, pakiramdam ko'y nawala na ang lahat sa akin, Sinukuan ko ang babaeng alam ko na sa pangarap ko lang talaga magiging akin. hindi ko alam kung paano ulit ako maguumpisa dahil sa kanya lang umiikot ang mundo ko na dati naman ay ako lang mag isa, Tumakbo ako ng mabilis papalayo hanggang sa ako'y mapagod at ako'y dahan dahan na umupo at yinakap ang aking sarili at maya maya pa'y nag umpisa na muling pumatak ang malungkot at malamig kong mga luha..
-(Playing the background music - i never cry by Alice cooper)

Lumipas ang maraming araw sa eskwelahan at hindi ko na linalapitan si Ria, madalas ko syang nakikita na kausap si Alex, pero hindi ko nalang tinitigan kapag ako ay napapadaan. madalas ko rin syang nakikita sa Basket ball court na nanonood ng mga laro nito. iniisip ko nalang na malapit narin naman matapos ang mga araw namin sa klase makakaiwas narin ako ng tuluyan sa kanya.

Maraming buwan pa ang lumipas at unti-unti nang nagbabago ang paningin ko sa paligid ko, napansin ko na matagal na pala akong hindi ngumingiti, nabago narin siguro ang personalidad ko at napalitan ng pagiging seryoso. Huling araw na namin sa eskwelahan at tapos ng kami sa High School wala akong ibang iniisip kundi bilangin ang natitirang oras para kami ay mag uwian. Nag ring na nga ang Bell at alam kong ito na ang huling araw na maririnig ko ang tunog nito. hindi muna ako tumayo at nanatili akong nakaupo habang pinapanood ko ang aking mga kaklase na isa isang naglalabasan sa aming silid aralan. Isa-isa kong tinatandaan ang huling itsura ng kanilang mga mukha sa bawat taong lumalabas, Nakakalungkot lang isipin na napalitan ng kalungkutan ang ilang taon kong kasiyahan, lahat ng mga alala namin ng aking mga kamag aral ay hindi na madudugtungan sa loob ng maliit na kwartong aking kinauupuan. Marahil siguro lahat ng tao ay ayaw din ang salitang paalam lalong lalo na kung ayaw mo silang kalimutan.

wala ng natirang kaklase ko sa loob ng aming classroom, ilang minuto pa ang lumipas at nagdesisyon narin akong tumayo para umuwi. Habang akoy papatayo na ay may napansin akong isang tao na masyado akong pamilyar at nanonood lang pala ito sa aking likuran.. Si Ria..

Tinitigan ko sya at dahan dahan din syang tumitig sa akin nabalot ng katahimikan ang silid na aming kinalalagyan na para bang huminto ang pagtakbo ng oras, nararamdaman ko ang pait saking ****** habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha at maya maya pa'y merong pumatak na luha sa kanyang mga Mata..

"Akala ko ba na hindi mo ako bibitawan?" ang lumuluhang nasabi nito at bigla nalang bumalik sa aking alaala ang mga masasayang nakalipas naming dalawa sa ilalim ng Ulan.. napansin ko nalang na pumapatak narin pala ang aking mga luha pagkatapos kong maalala ang mga sandaling iyon.. at agad akong lumapit kay Ria at yinakap ko sya ng mahigpit, yumakap din sya sa akin pabalik at walang hinto ang pagpatak ng aming mga luha. Matagal kami sa ganong posisyon na para bang ayaw na naming bumitaw sa isat isa.. sinabi ko sakanya na "Kamahalan, Mahal na Mahal po kita" sabay ang pag punas ko ng luha sa kanyang mga mata "Sira ulo, Mahal din kita dati pa!" ang pag amin nito sa akin, sabay ang pagngiti at pagtawa naming dalawa.


Naghahanap ako ng eskwelahan na maari kong pasukan para sa susunod na yugto ng aking buhay.. College life!

Itutuloy..



CHAPTER V - ESKWELAHAN

Marami akong pinagpipilian na eskwelahan na gusto kong pasukan pero wala pa akong mapili kung saan ba talaga ako pwedeng pumasok dahil hindi pa ako desidido kung ano ba talaga ang gusto ko na maging, napakadali lang sagutin kung si Ria ang magtatanong sakin kung ano ang gusto ko na maging? Syempre ang isasagot ko ang maging isa nyang Alipin.. iniisip ko tuloy kong saang eskwelahan sya papasok bakit nga pala hindi pa namin ito napag usapan? Agad ko syang tinawagan sa telepono para tanuning, ngunit ang sagot nito ay nakapag desisyon na daw pala ang kanyang magulang kung saang eskwelahan sya pag aaralin. Ako nalang pala ang wala pang mapapasukan na eskwelahan, meron kayang eskwelahan na nag natuturo kung pano maging isang dakilang alipin? kailangan ko ng magisip pero wala naman akong maisip, susubukan ko nga muna mag apply sa mga eskwekahan na aking napili kung makakapasa ba ako sa kanilang entrance exam.

Unang eskwelahan, Ang haba ng pila sa pagpasa ng mga requirements ganito pala kasikat ang eskwelahan na ito, nakakalula sa dami ng aplikante na gustong maging studyante dito. Umuwi nalang ako ng bahay at hindi na ako pumila dahil hindi ako na love at first sight sa kanya. makapag online games na nga lang muna.. "First Blood!"..

Ikalawang eskwelahan, hindi pa ako nakakapag entrance exam ay nakatambad na agad ang mga babayarang tuition fee at miscellaneous ng aking mga magulang, wala pa nga akong napipiling kurso at sinusulatang mga papel para sa application form pero may babayaran kana agad sa pagproseso palang nito. Agad din akong umuwi ng bahay namin.. Online Games pa nga.. "You are the jump leader, Good luck!"

Ikatlong eskwelahan, Hindi na ako umabot sa regristation for examanination ng eskwelahan dahil wala na daw itong bakante. - napa Sana all walang bakante nalang ako. at agad akong pinagtabuyan ng Gwardya.

Nakakapagod palang maghanap ng bagong eskwelahan, ganito pala ang buhay pagkatapos mong magtapos ng Hi-School, Pipili ka pero hindi mo rin pala sya agad makukuha, kailan ko kaya mahahanap ang bago kong eskwela?

Isang beses sa isang linggo lang kami kung magkita ni Ria, dahil palihim parin ang aming relasyon sa kanyang mga magulang, Minabuti namin na hwag muna itong ipaalam sa kanila dahil nasa murang edad palang kami at tiyak na hindi papayag ang mga ito kung sakali mang kanilang malaman. Pasalamat nalang at merong Internet at nakakapag usap kami nito ng madalas at nababawasan ang aming pagkasabik sa araw-araw na hindi kami magkasama. Nakakamiss lang talaga ang buhay namin noong nasa High School pa na halos araw-araw nagkikita at magkasama.

"Junard, nakapag enroll ka naba sa School? Ang tanong ni Ria, sumagot ako ng hindi pa, dahil wala pa akong mahanap na eskwelahan na para sakin. "bakit hindi mo kaya subukan sa magiging eskwelahan ko?" ang tanong nito, Oo nga naman bakit hindi ko yun naisip, sa totoo lang ay ayaw kong mahiwalay kay Ria kung saan man sya mag aaral ay doon din ako, pero ang desisyon ay nasa aking mga Magulang kung kakayanin ba nila akong pag aralin sa ganung eskwelahan "Kakausapin ko pa ang mga magulang ko Kamahalan, kung Ok lang sa kanila kung sakali mang doon din ako mag aaral" ang sagot ko sa kanya. "Ok Junard, balitaan mo ako agad kung sakali mang pumayag sila o hindi" ang sagot nito sa akin na may konting pagkabahala. Agad kong kinausap ang aking mga magulang pagkatapos ng aming pagkikita ni Ria. Pumayag naman ang mga ito at hwag daw akong mag alala kung saan mang eskwelahan ang gustohin kong pasukan, basta't mag aral lang ako ng mabuti. Ang sarap ng may mapagmahal at sumusuportang mga Magulang, agad kong binalita ito kay Ria at masayang masaya ito sa narinig.

Gumising ako ng maaga para maghanda sa entrance exam, nakapag pasa na ako ng mga requirements sa online website nila at agad naman nila akong ineschedule para magexam, hindi muna ako naglaro ng BDM, Ragnarok at EmEL kagabi para magreview sa mga maaring lumabas sa exam.. Mga 3:00 AM na ata ako nakatulog dahil nag aya si Ria ng Battle Royale.. "One Games lang daw" ang sabi nito ▄︻̷̿┻̿═━一


Nakapasa naman ako sa exam at hindi naman ako nahirapan, napakaasikaso ng mga staff sa eskwelahan na ito at ang lahat ay palaging nakangiti na para bang hindi mo mararamdaman na ikaw ay nasa eskwelahan kundi ay para kang magchecheckin sa isang sikat na beach resort. Bigla ko tuloy naalala ang Math Teacher ko noong Hi-School, sana lang ay vegetarian na sya.

Sa Wakas may eskwelahan narin ako!

Unang araw sa eskwelahan, excited na akong pumasok para maranasan ang unang araw sa College, Gabi palang ay hinanda ko na ang aking mga gamit, paulit-ulit kong sinuot ang bago kong Uniform para makita kung bagay ba ito bago ako matulog, ngunit napansin ko lang na suot ko parin pala ito sa aking pag gising, nakalimutan ko palang hubarin. 6:00 AM ng umaga ay dumating na ako sa eskwelahan minabuti ko ng dumating ng maaga kaysa naman malate ako sa unang klase ko na maguumpisa ng 11:00 AM, dinaig ko pa pala ang sasakay sa International Flight sa aga kong dumating. Nag libo't libot muna ako sa loob ng eskwelahan para maging pamilyar sa lugar, napansin ko na magkakalayo ang mga building nito at may kalayuan din kung lilipat ka sa isang building, mabilis lumipas ang oras at ako'y nalibang sa paglalakad, napansin ko nalang na isang oras nalang ay maguumpisa narin ang aking unang klase, naglakad na ako pabalik sa unang building na aking pinanggalingan, at ng ako'y nakabalik na ay binasa ko ang mga nakasulat sa Billboard para sa mga announcement, habang ako'y abala sa pag titig sa mga nakasulat, maya maya pa'y merong nagtanong sa aking likuran na isang babae, agad naman akong lumingon para ipaulit ang kanyang katanungan, sa aking paglingon ay napansin ko agad ang kanyang kagandahan na ma'y hawig kay Ria ng kaunti, medyo maliit lang ito at mas maputi at mahahalata mo itong mahilig din sa pusa dahil sa disenyo ng hairband nitong suot.

"Saan po ba dito yung Building B?" ang tanong nito sa akin, agad naman akong sumagot na "Doon lang, kapag lalampasan mo itong building na ito ay makikita mo na agad ang hinahanap mo" sabay ang pagturo ko sa direksyon (Pero hindi ako sigurado sa sinabi ko) "Maraming salamat po, ako nga pala si Ella" ang pagpapakilala nito sabay abot ng kanyang kama'y, agad ko namang inabot at kinamayan ang kanyang malambot na kamay at sabay ang pagpapakilala ko narin sa aking pangalan "Ako nga pala si Jonard, bago lang ako dito" ang sabi ko " Ako din bago lang hindi pa ako sana'y sa lugar, mabuti kapa at alam mo na agad ang mga building dito" ang sabi ni Ella "Nakakahiya man pero, Maari mo po ba akong samahan na pumunta sa building B?" Ang tanong ni Ella, Hindi ko alam kung sasamahan ko ba ito dahil sigurado ako na mali ang binigay kong direksyon kanina..

"Junard!" ang sigaw ng isang babae na pamilyar ako sa boses, agad akong lumingon at nakita ko si Ria na naglalakad papalapit na nanlilisik ang mga mata na para bang masusugat ka sa talim sa pagtitig nito, agad akong nakaramdam ng takot dahil nakaSuper Saiyan na Pusa mode na ito at nakalabas ang kanyang may kuryenteng matatalim na kuko na para bang handa na nya akong kalmutin sa mukha ano mang sandali!

Sinabihan ko si Ella na hindi ko sya masasamahan dahil maguumpisa narin ang aking klase, nakita ko na nadismayado ito sa kanyang itsura, ganun paman ay nagpasalamat parin ito at lumakad na ng papalayo. Samantala papalapit naman si Ria sa aking kinatatayuan, agad ko namang pinakita ang aking ngiti sa kanya, ngunit parang wala itong epekto, Binati ko sya ng "Magandang Umaga kamahalan" ng makalapit na ito, ngunit hindi parin nagbago ang mood nito at dali dali itong nagsabi na "Hoy Junard, sino ang babaeng yun?" Ang tanong ni Ria, habang hinahasa ang kanyang mga kuko "Si Ella po, Wala nagtanong lang ng direksyon Kamahalan" ang mabilis ko namang sagot "Ah Si Ella pala ha? at alam mo na agad ang pangalan nya ganun ba Junard?" ang tanong nito, agad naman akong napalunok ng laway at sumagot ako ng "Nagpakilala sya agad sakin kamahalan dahil bago din sya sa eskwelahan, Friendly lang ganun" ang depensa ko na sinabi ko sa kanya "Ah Friendly pala, at kailan ka naman naging Friendly?" ang sabi ni Ria, lalo pa itong lumapit sa aking kinatatayuan at bigla akong sinuntok sa aking sikmura, napaarte ako na kunyari ay masakit at sinabayan ko pa ito ng pagyuko "Simula ngaun bawal ka ng maging friendly naiintindihan mo ba?" ang sabi ni Ria, Sumagot naman ako kaagad ng "Masusunod po kamahalan!" At sabay naman ang paghalik ni Ria sa aking pisngi ng akoy nakatayo na at inayos ang nagusot kong damit. "Good Boy Junard, Sige na at baka malate kana sa klase mo" ang malambing nitong sabi at agad naman akong naglakad papalayo, liningon ko sya at sinabihan na " Napakaganda nyo po sa suot nyong bagong uniform kamahalan!" Ngumiti naman ito sakin at kumindat sabay wagayway ng kanyang kamay.

Tinidnan ko kung saang Building ang una kong klase at nalaman ko na nasa building B pala ito, bigla kong naalala si Ella at bigla akong napailing, dahil ang Building B na kanyang hinahanap ay ang Building mismo na kanyang kinatatayuan kanina.. mali nga ang direksyon na naibigay ko. - naloko na!

Samantala habang abala sa pagtuturo ang aking Teacher, may isang pawis na pawis na studyanteng late na pumasok sa klase.. Si Ella!

Itutuloy..
 
CHAPTER VI -Meet up

"Good morning Teacher, pasensya na po kayo at nalate po ako sa pagpasok" ang sabi ni Ella na hinihingal pa ang kanyang boses. "It's OK, please take your sit" ang sabi ng Teacher namin, agad naman naglakad si Ella para maghanap ng mauupuan, habang ito ay naglalakad ay pilit kong tinatago ang aking mukha yumuko ako para hindi nya ako mapansin, sa dami ba naman ng pwede kong maging kaklase bakit sya pa ang isa dito, nakadama ako ng kaba dahil naririnig ko ang tunog ng kanyang mga hakbang na papalapit ng papalapit sa aking kinauupuan, katapusan ko na ata ang nasabi ko sa sarili, maya-maya pa'y narinig ko ang dahan dahang pag upo nito sa aking tabi, naramdaman ko ang kanyang mata na nakatitig sa akin, hindi ako makakilos na para bang gusto kong maglaho sa aking kinauupuan "Maraming salamat sa direksyon mong binigay kanina at nalate ako sa klase!" ang sabi ni Ella, nakilala pala ako nito, sabay ang pagsipa nya sa aking paa, nagpanggap akong walang nakikita at narinig, nakatitig parin ito sa akin, dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para titigan din sya. Naisip ko na magsorry nalang ako dito dahil sa maling direkson na binigay ko kanina. Nagkatitigan kami nito sa mata ng matagal, nagbabalak na ako na magsalita para magsorry pero bigla itong ngumiti at tumawa sa hindi ko alam na kadahilanan.. bigla din akong napatawa.. "Baliw Bakit ka tumatawa?" ang sabi nito habang ito ay tumatawa "Ewan ko hindi ko din alam, ikaw bakit ka tumatawa?" ang sabi ko sabay ang pagpapatuloy namin sa pagtawa..Bigla kaming napahinto ng magsalita ang aming Teacher ng "Please be quiet or else I will send you out of this class" agad naman kaming napahinto at pinigilan ang aming pagtawa.

"Ikaw kasi eh nagalit tuloy si Teacher Pacman" ang bulong ni Ella, agad akong lumingon at tinitigan sa mukha ang aming Teacher at naaninag ko nga na kahawig nito si Pacman dali dali kong tinakpan ang aking bibig dahil nararamdaman ko na sasabog ito sa pagtawa. Bumulong ako na "Tama na at baka mapalabas ako ng klase ng wala sa oras" sumagot ito sakin na "Loko yun talaga ang plano ko" sabay ang mahina nitong pagtawa.

Natapos din ang unang subject ko na puro tawanan lang ang nangyari, mabuti nalang at walang napautot saming dalawa. Chineck ko ang susunod ko na subject at sa ibang palapag pala ito ng Building. Agad akong nagpaalam kay Ella at sinabi ko na sa ibang Floor ang next na subject ko, Nalaman ko na sa ibang building pala ang susunod na klase nito, tinanong ko sya kung alam ba nya ang direksyon na papunta dun at ang sabi nito na kung hindi man daw nya alam ay hindi sya sa akin magtatanong. - kala ko maiisahan ko na naman sya ulit.

Agad akong nagtungo sa aking susunod na klase, ganito pala sa College, iba iba ang kaklase mo sa mga subjects, kung sabagay dahil hindi naman kami pare pareho ng Kursong kinuha. Natapos na ang unang araw ko sa klase kailangan ko na palang makipag kita kay Ria dahil matatapos narin pala ito sa kanyang huling subject. Agad akong nagtungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Ria at habang papalapit na ako sa lugar ay may napansin akong babae na nakaupo na para bang may hinihintay din ito, agad akong lumapit sa kanyang kinauupuan at doon ako ay naupo. Napansin ko na may kachat ito sa kanyang messenger at parang kinikilig, napansin nito na nakatitig ako sa kanyang Smart Phone, at bigla nitong sinabi sakin na "Brad, anong tinitingin tingin mo dyan?" napakasiga ng tono nito na para bang hindi angkop sa isang Magandang babae na tulad nya. "Wala naman po magandang binibini, pasensya na napatitig lang po medyo naiinip na kasi ako" ang sabi ko "Bakit Brad may hinihintay karin ba?" ang tanong nito sa akin, agad naman akong sumagot na "Oo hinihintay ko yung Girl Friend ko, Ikaw sino hinihintay mo?" ang tanong ko sa kanya "Hinihintay ko din yung Girl Friend ko" ang sabi nito, Girl Friend? ang inulit ko saking isip at naisip ako na Birdie Girl Tibo pala itong kausap ko kaya pala ganito sya magsalita.. "Siguro naman Brad na hindi iisang Babae ang hinihintay nating dalawa ano?" ang biro nitong sabi, nginitian ko sya at sinabi ko na "Malamang siguro na hindi" sabay ang pagtawa ko at pagtawa din nya agad akong nagpakilala sa kanya at ganun din si Chris "Ako si Christina, Chris nalang ang itawag mo sakin Brad" ang sabi nito sakin. Maya maya pa'y paparating na si Ria at napansin ko na may kasama ito na pamilyar sa aking mata.. si Ella, paano kayang nangyari na bigla itong dalawa na magkasama na para bang matagal ng magkakilala. nagkasabay kaming tumayo ni Chris at nagkasabay din ang aming pagkaway, bigla kaming nagkatinginan na dalawa, nagduda narin ako dahil baka nga pareho kami ng babae na hinihintay "Brad teka nga sandali sino sa kanila ang kinakawayan mo dyan?" ang tanong ni Chris sakin namay halong kaba, "Yung Mas mapayat na matangkad na Pusa na bilugan ang Mata" ang agad kong sagot, napatitig ito sakin at agad naman na napangiti "Brad, Girl Friend ko yung mas maliit na Pusa na parang dwende maglakad" ang sabi nito, at ang tinutukoy nito ay si Ella.

Agad akong nagtanong kay Ria nang makalapit na ito kung bakit sila magkasama ni Ella at ang sagot nito sa akin ay "Junard, Classmate ko sya sa pang hapon kong klase, at alam mo ba na si Ella at Chris ay ang madalas nating nakakalaro sa Games?" ang sabi nito,"Huh?" ang gulat kong nasabi, hindi ako makapaniwala sa narinig at agad kong tinanong si Chris at si Ella na kung sila nga ba talaga yun? nagulat din si Chris sa nalaman at sinabi ng mga ito ang kanilang mga In-game name at bigla kaming nagtawanan. napakaliit ng Mundo, nagmistulang meet-up namin ang pagtatagpong iyon.

Masayang nagtapos ang una naming araw sa College kung susumahin ay masaya ang mga nangyari dahil nagkaron kami ng mga bagong kaibigan ni Ria at hindi lang kaibigan dahil nakakalaro din namin ang mga ito sa online games.. Matutulog na sana ako nang biglang nag nagmessage si Ria "Arat One Games lang!"

Mabilis lumipas ang mga araw at unti unti na kaming nasasanay sa College Life, natutunan ko ang teknik na matulog sa klase ng hindi nahahalata ni Sir Pacman, kadalasan ay si Ella ang nahuhuli nito na natutulog, may isang beses pa nga na naalimpungatan ito at bigla nalang itong nagsalita ng "Hwag ako ang Jump Leader mga ****!" mabuti nalang at nakatalikod ang teacher namin at hindi ito napansin. Agad ko namang tinabig ang upuan nito para ito ay magising.

Si Ria naman ay madalas sa Library tumatambay, Isang araw ay naisipan ko na surpresahin ito para samahan sa kanyang ginagawa, At ng ako'y nakapasok na sa silid ay hindi ko ito makita at agad akong naglibot libot para ito'y hanapin, ilang sandali pa'y nakita ko na si Ria sa isang madilim na upuan at nakita ko na mahimbing itong natutulog, magaling talaga ang Pusa na humanap ng pwesto na matutulugan ang nasabi ko nalang sa sarili ko.. nilapitan ko sya at dahan dahan akong umupo sa kanyang tabi. Habang sya ay natutulog.. ay pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha, naririnig ko ang mahinahong paghinga nito na para bang napakapayapa nito sa kanyang panaginip, hinawi ko ang medyo kulot nyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha, nanatili lang akong nakatitig sa kanyang mukha habang tahimik ko syang binabantayan, hindi ko mapaliwanag ang saya na aking nadarama sa mga oras na yun at habang pinagmamasdan ko syang natutulog ng walang kamuwang-muwang ay biglang bumalik sa aking isipan ang mga masasaya naming nakaraan..hanggang ngaun ay hindi parin ako makapaniwala na ang babaeng pinapangarap ko lang dati ay kasama ko na at nandito lang sa aking tabi. Nakatitig parin ako sa kanyang mukha, ito ata ang sinasabi nilang Anghel sa lupa pero parang mas gusto ko na ito'y tulog kaysa sa gising. bigla akong napangiti.. Maya maya pay dahan dahan na itong gumalaw at parang aktong magigising na at ako nama'y nahinto sa aking pagmuni muni, at ilang sandali pa'y idinilat na nito ang kanyang mga mata.

"Magandang araw po Kamahalan nagising ba kita sa inyong mahimbing na pagkakatulog?" ang agad kong sinabi, habang sya ay kumukurap kurap at ginugusot ang mga mata agad naman itong napangiti ng malaman na andun ako sa kanyang tabi.. "Junard bakit ka andito kanina ka pa ba?" ang inaantok pa nitong nasabi, "Mag iisang oras narin siguro kamahalan" ang sagot ko sa kanya, Agad itong tumingin sa kanyang orasan at ito'y nagulat "Ay Pusa!, late nako sa klase ko!" ang sabi nito, nagmamadali itong tumayo at tumakbo papalabas pero bigla din itong bumalik at humalik sa aking pisngi, "Usap nalang tayo mamya Junard late nako!" ang sabi nito.. hindi na ako nakapag salita dahil mabilis din itong naglaho sa paningin ko, nakita ko nalang ang kapal ng alikabok na nilikha nito sa kanyang pagtakbo.

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro at pag aaral hanggang sa lumipas ang mga buwan at taon..

Isang araw ay bigla nalang na hindi na pumapasok si Ria sa eskwelahan, hindi narin ito nakikipaglaro sa amin ni Chris at Ella, at hindi narin nito sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kanya, nababahala ako kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya dahil wala naman itong nababanggit sa akin..

Itutuloy..



CHAPTER VII -KATAPUSAN

Hindi ako mapakali sa kakaisip kung ano na nga ba ang nangyari kay Ria, wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla nalang syang hindi nagparamdam, minabuti kong i-check ito sa kanyang Social Media ngaunit deactivated na pala ang account nito. Maraming beses din akong tumawag sa kanyang numero ngunit hindi ito nagriring, lalo pa akong nabahala dahil pati ang numero nila sa bahay ay wala ding sumasagot, hindi maabot ng isip ko para sagutin ang aking mga katanungan na ilang araw na ding gumugulo sa aking isipan, parang sasabog na ata ang ulo ko!

"Asan kana Ria?" ang paulit -ulit kong tinatanong sa aking sarili, Minabuti ko na puntahan ito sa kanilang bahay para malaman kung ano talaga ang nangyari at ng mabigyan narin ng linaw ang aking mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Tapos na ang aking klase ng magdesisyon ako na puntahan ito sa kanilang bahay, medyo masungit ang panahon sa hapon na iyon at walang hinto ang buhos ng ulan, ngunit hindi ako nagpatinag para hindi ko ituloy ang aking binabalak na pumunta sa kanilang lugar. Mabilis ang aking paglalakad para agad akong makapunta sa lugar nito maya-maya pa'y nasa harapan ko na ang mataas na gate ng bahay nila. Agad ko itong kinatok, ngunit parang walang sumasagot, nilakasan ko pa ang pagkatatok dito at pag sigaw ng "Tao po!"..nakita ko ang doorbel at dali dali ko itong pinindot ng maraming ulit, naririnig ko pa ang pagring ng doorbel nito sa kanilang Main door ngunit parang walang nakakarinig.. Minabuti kong umatras ng kaunti para aking matanaw kung meron bang tao sa loob nito, ngunit wala akong nakitang ano mang nilalang kundi ang imahe ng malungkot at tahimik na bahay. huminto narin ako sa pagkatok at pag pindot, maya maya pa'y may lumapit sa akin na isang matandang babae at ang sabi nito ay "Jonard Iho, wala ng nakatira dyan" ang sabi nito sa akin, agad akong nakadama ng lungkot sa aking narinig "Mawalang galang na po, asan na po ba ang mga dating nakatira sa bahay nato at bakit po ninyo alam ang akin pangalan?" ang nagtataka kong tanong dito "Matagal na akong naninilbihan sa bahay na iyan at ako ang nag alaga kay Ria simula ng maliit pa sya, alam ko ang mga kwento nyo kahit nung nanliligaw ka palang" ang pagpapaliwanag nang matanda sa akin "Hinhintay talaga kita alam ko na isang araw ay pupunta ka dito para hanapin sya" ang pagpapatuloy nito, agad ko naman naitanong ulit kung ano ba ang nangyari sa bahay na ito at nag umpisa na syang magkwento..

"Naging sakitin ang Ama nito dahil narin siguro sa hindi pagpapahinga at puyat sa pagtatrabaho, isang araw ay nag usap si Ria at ng kanyang Ama para alamin kung totoo ba ang nababalitaan nito na meron na daw syang karelasyon, walang nagawa si Ria kundi ang aminin ang katotohanan, nagalit ang Ama nito at nagsisigaw hanggang sa atakihin ito sa Puso, nagulat kaming lahat sa nangyari at dali dali namin syang itinakbo sa hospital, mabuti nalang at mild stroke lang ang nangyari sa kanyang Ama, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla namang pumanaw ang Lolo nito, mabuti nalang at nasa hospital na ang Ama nito at agarang dinala sa ICU dahil sa nahirapan ito sa paghinga pagkatapos mabalitaan ang nangyari sa kanyang Ama, naging maselan ang lagay nito at nagkaron ng ibang kumplikasyon, pinahinto si Ria sa pagaaral at binenta ang kanilang bahay dahil kailangan itong mapagamot sa ibang bansa" ang pagsasaad nito sa mga pangyayari, nakatahimik lang ako at nagulat sa mga narinig, nalungkot ako sa sinapit sa pamilya ni Ria, hindi ko narin napigilan na magtanong na "Kamusta naman po si Ria?", "Si Ria ay walang ginawa kundi ang umiyak dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanyang Ama, masyado din itong nalungkot dahil din sa pagkawala ng kanyang Lolo, ngaun ay wala narin akong komunikasyon sa pamilya nila pero ang huling sabi sa akin nito ay sabihin ko daw sayo ang nangyari kung sakali mang pumunta ka dito" ang sabi nito, lubos akong nagpasalamat sa matanda dahil nalaman ko narin ang dahilan kung bakit bigla nalang nawala si Ria, nagkaron narin ng kasagutan ang aking mga tanong na matagal ng gumugulo sa aking isipan, hindi ko narin tinanong kung asan na si Ria ngaun dahil alam kong kailangan ko naring huminto sa paghahanap sa kanya. Muli akong nagpasalamat at nagpaalam dito at nag simula na akong maglakad papauwi. Bumuhos pa ng bumuhos ang galit na galit na ulan at sinamahan pa nito ng nakakabinging pagkulog at pagkidlat. nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sumasabay ang kalangitan sa nararamdaman kong kalungkutan. Hindi narin ako na nababahala kahit mabasa man ako o malunod pa sa baha dahil wala na akong pakialam sa aking sarili sa maari pang mangyari.

Dumating ako sa bahay nang hindi ko man lang napansin ang pagbati ng aking mga magulang, nagtungo agad ako sa aming CR para maligo at magpalit, dumiretso naman agad ako sa aking kwarto pagkatapos at agad akong humiga, napansin ng aking mga magulang na meron akong dinaramdam na kalungkutan marahil na halata ng mga ito sa bawat paghakbang ng aking mga paa. Ilang sandali pa'y kumatok na sa aking kwarto ang aking Inay at agad ko naman itong sinagot at pinatuloy "Anak ayos ka lang ba?" ang mahinahon na tanong nito, hindi ako makapagsalita at nakakibo sa tanong nito, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na kung ayos lang ba ako dahil parang nalimutan ko na ang pakiramdam kung paano nga ba maging ganun. Ilang sandali pa'y bumukas narin ang aking bibig para magsalita marahil ay kailangan din nilang malaman ang nangyari kay Ria dahil napamahal narin ito sa kanila "Inay, hindi ko po alam kung magkikita pa kaming muli ni Ria" ang nasabi ko habang nagpipigil sa aking mga luha. "Hindi mo na kailangang sabihin ang lahat kung ano ang nangyari Anak, naintindihan ko, alam ko na malalagpasan mo rin itong pagsubok sa buhay mo, hwag kang mawalan ng pag asa dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap, kung hindi ka man talaga palarin ng pagkakataon, naniniwala ako na may darating din na mashigit pa sa buhay mo, hindi man siguro ngaun, pero umasa kang darating din yun sa tamang pagkakataon at panahon." ang sabi ng aking Inay.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon, nawalan narin ako ng gana sa mga online games na aking nilalaro, muli kong binasa ang dati naming usapan ni Ria sa aking Messenger.. napangiti ako sa mga nabasa ko na puro kulitan at lambingan.. Miss na miss ko na sya! ang nasambit ko sa aking sarili hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha sa aking pisngi, Ang mahirap sa sitwasyon na ito ay ang reyalidad na wala kang magawa na kahit gaano mo pa gustuhing makita ang isang tao pero wala kang magawa! parang wala naring saysay kung tama ba o mali ang relasyon namin dahil nagkahiwalay din naman kami pagkatapos ng mga pangyayari. Ang hirap tanggapin na sa ganito lang nauwi ang lahat ng lambingan, iyakan at tawanan na aming pinagdaaan marahil siguro nga pagsubok lang ito sa amin pero bakit ang pakiramdam ko ay parang dinudurog ang puso ko.. ang sakit! kung pwede lang sana ilabas ito at isigaw para kakaagad itong mawala, kung pwede lang sanang tanggalin nalang muna ang Puso ko at ibalik nalang ulit kapag nawala na ang sakit, ang lungkot isipin na bigla nalang nabago ang lahat sa isang pangyayari lang at napalitan ng luha ang mga tawanan at ang dating kasiyahan.

Naisipan kong magpatuloy parin sa aking buhay dahil hindi ako nawawalan ng pag asa na muli kaming magkikita ni Ria, Kung hindi man siguro ngaun.. baka bukas o sa darating na taon o sa darating pang mga taon. Hindi naman siguro hihinto at iiyak ang mundo dahil sa sakit na aking nararamdaman dahil patuloy parin itong iikot at magpapatuloy ano man ang mangyari. Mahirap lang sakin kapag naiisip at namimiss ko sya, ang hirap magpatuloy kapag meron kang lungkot sa mata, lahat ng bagay sa paligid ko ay nagpapaalala sa kanya, maging ang ulap, araw, buwan at pati narin ang hangin at mga butuin ay nagpapaalala sa akin. Paano ko ba sya makakalimutan? dapat ko ba yung gawin? nakalimutan ko na ang sumaya dahil alam ko na mas nahihirapan sya sa sitwasyon kumpara sa akin, dahil sya ang alam kong lubos na nasasaktan, nagtitiis at nahihirapan. Wala akong ibang dinasal kundi sana'y nasa mabuti itong kalagayan at sana'y makita kong muli ang ngiti nito sa labi kahit panandalian lang.

Nagtapos ako sa College na ma'y puwang sa aking Puso, hindi ko na maramdaman kung pano ba ang maging masaya. dahil alam kong may kulang sa kabuoan ko at parang malabo na ako ay makumpleto.
Lumipas pa ang taon at ang mundo ko'y patuloy parin sa pag ikot hindi ko naranasang magkaron ng iba sa aking Puso dahil walang ibang makakabuo sa tagal ng pagkakabasag nito. Nagkaron na ako ng trabaho at isang ganap ng Professional, parang ang bilis lang lumipas ng mga araw, hindi ko na namamalayan ang ibang mga kaganapan na dumating sa aking buhay.

Isang araw ay naisipan kong bumisita sa dati naming eskwelahan sa High School, hindi ko din alam kong bakit ko naisipang bumisita doon, at nang ako'y makarating ay napansin ko na marami ng nagbago sa eskwelahang ito, tinitigan ko ang Gate na dati naming tagpuan ni Ria, nai-imagine ko pa na andun syang nakatayo at naghihintay sa aking pagdating, Andun parin si Tito Ben, muntik pa akong hindi nito makilala dahil nagbago narin ang aking itsura, pumasok ako sa loob at naglakad lakad pakiramdam ko'y hindi ako tumanda dahil sariwa parin sa aking alala na dati ay naglalakad ako nama'y kasama na Taong Pusa na bilugan ang mata. Sariwa parin sa isip ko ang mga tawanan at pang bubully nila sa dati kong buhok.. nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinaka espesyal na parte ng aking alala ang dati naming classroom, linapitan ko ang dati kong upuan, andun parin pala ang mga bakas ng tinta ng aking mga Pentel Pen, muli akong umupo sa dati kong upuan, muli kong tinitigan ang Bell at ako'y pumikit ng sandali habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha, sariwa parin sa aking alala ang unang yakap ko kay Ria ang sabay na pagtulo ng aming mga luha at ang pag amin nito na Mahal nya rin ako. Nakabalik nga ako sa dating lugar pero hindi ko naman naibalik ang panahon. Lahat ay naglaho na at kung maibabalik ko lang sana ang oras ay pipiliin ko ang yugto na kasama ko si Ria sa mga storya ng aking buhay. Nagdesisyon na akong tumayo at umuwi dahil biglang lumakas ang ihip ng hangin na para bang nagbabadya ng pag ulan..

Habang sa aking paglalakad papalabas ng gate ng eskwekahan ay meron akong narinig na isang tinig na masyado akong pamilyar sa boses.."JUNARD!" hindi ako makapaniwala sa narinig na para bang ako'y nananaginip, maya maya pa'y narinig ko ulit ang pagtawag nito sa aking pangalan na para bang nagtatawag ng alien sa kalawakan.. dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan ng tinig dahil hindi parin ako makapaniwala sa aking narinig, marahil ay likha lang ito ng aking malikot na imahinasyon..ngunit biglang lumakas ang tibok ng aking ****** ng maaninag ko na ang isang nilalang na pamilyar sa akin ang mukha.. hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.. "Kamahalan.." ang pabulong kong nasambit at nagumpisa ng bumuhos ang mahinahong patak ng ulan at nagmistulang naging musika ang bawat patak nito sa aking pandinig. dahan dahan akong lumapit at sabay ang pagbukas ko ng aking dalang payong na pangdalawang tao lang ang kasya, at nang ako'y makalapit na ay wala sa aming dalawa ang nakapagsalita, tanging ang mga mata lang namin ang naguusap, mga matang sabik na sabik na makita ang isat-isa, mga matang hindi makapaniwala sa mga nangyayari na para bang may nagplano ng lahat ng ito. "Pusa! mababasa na ang sapatos ko Junard" ang nakangiting sabi ni Ria.. agad naman akong yumuko at inalok na sumakay sya sa aking likuran "Sumakay kana sa karwahe mo Kamahalan at tayo'y aalis na papunta sa palasyo na tayo lang ang may alam" ang masaya kong sabi, at dahan dahan naman itong sumakay sa aking likuran at habang kami ay naglalakad ay naririnig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso at walang hintong pagpatak ng kanyang masayang mga luha.


-WAKAS-
 

Similar threads

Back
Top