Ukraine - Russia Crisis. WW3??

Status
Not open for further replies.
CE0AEC4F-C815-465B-AC5E-2499BC2C1E62.jpeg


Mukhang nalalapit na ang WW3, ready na ba kayo? đŸ¤£

Panigurado nyan tutulong ang China sa Russia. Tapos saatin malapit na ang eleksyon kaya malaking tulong sa US kung sakaling puppet nila ang maupo syempre kilala nyo na kung sino yon. Kung mangyari yon eh battleground nanaman ang pilipinas habang ang US chill lang sa west hahahaha

Expand ng expand ang US kung papansinin nyo ang mapa at mga allies & US bases nito. Kaya nagkakaganyan sa Ukraine dahil ayaw ni Putin masali sa NATO ang Ukraine kasi masyado na silang napapalibutan normal lang na ganyan mag react ang Russia dahil since dati pa lagi na silang naeenvade ng US. Pero kung titignan nyo mga giant medias kung magreport eh parang Russia ang may kasalanan. Parang satin lang na mga bias media đŸ˜‚
 

Attachments

I got your point :) that's the reason kung bakit mahal ng pangulo ang bayan natin :) isipin nyo magging battle ground ang bansa natin nangyari na yan during world war 2 and then ung damage ng bansa natin specially sa manila sobrang hirap ng recovery natin :(
 
I got your point :) that's the reason kung bakit mahal ng pangulo ang bayan natin :) isipin nyo magging battle ground ang bansa natin nangyari na yan during world war 2 and then ung damage ng bansa natin specially sa manila sobrang hirap ng recovery natin :(
Mismo! Pero mas gusto ng karamihan na sa US tayo umasa kasi ayaw maging puppet ng China, pero kahit sino naman sa dalawang yan puppet lang talaga tayo mga mayayamang bansa yan eh. Kaya piliin mo nalang talaga kung ano yung makabubuti sa bansa mo
 
I don't think magpupush through yung ww3 dahil masyado magiging magastos on both sides ang giyera. Ang US ay di pa rin nagpapadala ng troops sa ukraine pero nagpadala na sila ng armas para sa ukrainian soldiers (business comes first, ika nga).
Pero yeah, walang savior-role (or bida-bida) dito sa dalawang to. May kanya kanya silang political agenda, and baka lang mangyari sa kanila ay yung tulad sa SoKor at NoKor.
If ever magkagiyera, technically, at war pero hindi nag-eengage masyado. Opinion ko lang ha wag kayo magagalit đŸ˜…

Mismo! Pero mas gusto ng karamihan na sa US tayo umasa kasi ayaw maging puppet ng China, pero kahit sino naman sa dalawang yan puppet lang talaga tayo mga mayayamang bansa yan eh. Kaya piliin mo nalang talaga kung ano yung makabubuti sa bansa mo
Truuuuuuue! Dapat talaga yung interes muna ng sambayanan/bansa ang mauna bago mamili kung sino ang papanigan between the two superpowers.
 
kaya nadadamay ang pilipinas sa mga world war na yan dahil may US base dito satin. saka yung mga gyera na yan funded ng mayayaman na tao. pinagkakakitaan lang din. business ika nga. kawawa naman mga third world countries. nagiging puppet nalang talaga ng mga first world
 
Ito ang isa na namang business deal ng US. Kikita na naman sila pag natuloy kaya gustong-gusto nila manghimasok at magsimula ng gera. Pinapalabas din ni US ang powers niya sa pamamagitan ng NATO, encouraging Ukraine to join. Dito mag-spark ang gulo dahil ayaw ni Russia ma-involve itong Ukraine sa US since former territory nila ito at may malaking risk sa kanila at sa mga tao. Kung mapapansin sa mga major news sites, nagkakaroon ng mga demolition propaganda sa Russia, having a very bad image to the world (tho meron nga talaga, pero still unfair) na magmumukhang santo nanaman si US. A better president na magaling sa peace talks & agreement ang kailangan ng PH, at sana di na tayo makisawsaw dahil malaki na naman ang magiging damage sa atin. The past is enough. Kaya lang naman tayo nadama dahil colony tayo dati ng US, but now na isa na tayong independent country, kaya na nating tumayo sa sarili nating paa. Be like Thailand (but not the whole) na naging only SEA country na di nasakop kahit kailan dahil sa peace agreements. Lahat naman nadadala sa mabuting usapan, di kailangang umiral ang putukan (kung sa loob pwede đŸ¤£) Madala tayo sa nangyari sa Syria, Afghanistan, Libya, at iba pang ginawan ng issue para mag-spark ang posporo at humantong sa gera. Honestly, not a fan of US since puro Black propaganda sa international films at super unfair sila (sa dollar palang) na naging dahilan ng pag-ikot ng buhay para sa kanila. Yan din ang risks ng pagkakaroon ng land borders eh, buti nalang tayo ay isang Archipelago (tho mahirap din dahil di mababantayan ang buo) at isa o dalawa lang ang problema ( komunista at Abu Sayyaf & other terrorist within Mindanao region). Si Russia, ayaw niyan ng gulo, gusto lang niyan ay kumita through their businesses (same with China) pero si US, yan lang ang nais niya dahil diyan siya kikita ng sobrang laki ( military aid, resources, equipments, Ă®llĂ©gĂ¢l machineries)
 
Pareho naman yang dalawang niyan, yung US at Russia pinamumunuan ng mga oligarch, at grabe rin mga war crime nilang dalawa (US drone strikes at Russian assassinations and misinformation). Pero imo di mangyayari WW3, sa ngayon, di pa sila masyadong desperado. Masyadong connected na ang mundo ngayon at di kaya ng powers that be na magka-WW3 ngayon, lalo na may Covid pa.

Kung may mangyari man sa Ukraine, limited lang yung scope. Unless magsend pa ng troops yung mga ibang European countries, mukhang malaki yung chance na manalo yung Russia, if ever. Pero malaki rin yung babayaran nila in terms of resources and international image.
 
Wala yan kung may balak invade ng russia ang ukraine noon pa nila ginawa at sabi na rin ni putin na wala silang balak na invade ang ukraine
 
Mismo! Pero mas gusto ng karamihan na sa US tayo umasa kasi ayaw maging puppet ng China, pero kahit sino naman sa dalawang yan puppet lang talaga tayo mga mayayamang bansa yan eh. Kaya piliin mo nalang talaga kung ano yung makabubuti sa bansa mo
True po sir :) thats why president duterte being in the middle walang kinakampihan :) wise president tlga :)

i vote miriam actually but sobrang na impressed ako sa term ni pangulong duterte kahit hindi ko sya binoto :)
 
nagawa na yan ni Putin sa Crimea, di nya na mauulit yan. unless disperate na sya... talo kasi si Putin kapag diplomacy yung taktika nya.

gusto parin nang US na bulabugin ng eastern Europe, yan lang yung taktika nila para di lumaki ng Russia, kasi sa sunctions lang nila maamo ng Russia, ayaw nang US na gaganda yung relationship nang Russia sa mga EU countries kagaya nang Germany.
 
Hindi impossible kung ang mga kakamping bansa ng magkontra partido ay magtulungan, pero lets hope for the best na sana wag naman. Masmainam nalang siguro na isipin natin na maging kathang isip nalang ang ww3
 
WW3 means nuclear war kaya malabo yan. moderno na ang panahon ngayon. sa dami ng paglilibangan, mas gugustuhin na lang ng mga taong magtwit, manood ng p*rn, magtrade ng bitcoin, mag 5v5 sa ML, o makinig ng kanta ni Bruno Mars.
 
"normal lang na ganyan mag react ang Russia dahil since dati pa lagi na silang naeenvade ng US."

Ts, ibig mong sabihin na-i-invade na dati ng US ang Russia??

kaya nadadamay ang pilipinas sa mga world war na yan dahil may US base dito satin. saka yung mga gyera na yan funded ng mayayaman na tao. pinagkakakitaan lang din. business ika nga. kawawa naman mga third world countries. nagiging puppet nalang talaga ng mga first world
Meron bang US base ngayon dito sa Pilipinas?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top