What's new

Ubuntu (o kahit anong Linux) sa mga Computer Shops?

BheejaY

Established
Mayroon po ba na gumagamit ng mga Linux OS gaya ng Ubuntu, Pop!_OS, Mint, atbp. sa mga Computer Shops?

Notable po kasi diba ang differences ng Linux sa Windows, gaya ng pag gamit ng resources ng pc tulad ng RAM, CPU atbp.
At syempre Free ang mga Linux OS. Wherein sa Windows, may license na babayaran, or KMS na lang...

Gusto ko lang rin po mapag-usapan. Salamat po, magandang araw.
 
Tingin ko pwede naman ang Linux basta sabihin niyo lang sa customers niyo na pang Facebook, Google, YøùTùbé lang ang silbi. Pwede niyo rin sila i-encourage na gumamit ng Google Docs/Sheets/Slides as an alternative to MS office.

Definitely mawawalan kayo ng mga parokyano dahil di nila gamay ang Linux kaya pwede niyo gawin mababa presyo niyo per hour para maengganyo sila.

Medyo risky yung approach pero tingin ko pwede naman. Tama ung sinabi ng iba dito na pang enthusiast level ang linux kaya magkakaroon pa talaga ng learning curve sa mga lilipat at gagamit nito for the first time.
 
For me, I will say sir na NEVER EVER.
May scenario din na nangyari samin ng friend ko, pero sa case kasi namin, from Windows 7 to Windows 10. Mostly sa mga users hindi alam kung pano gamitin yung UI/UX kasi bago sa kanila, madami silang nabubuksan na kung anong hindi dapat buksan dahil hindi nga sila familiar sa mga napipindot nila. Knowing the fact din na di naman sila ganun ka-literate about sa Computer kagaya natin.

Madaming users nagtatanong "Saan yung ganto", "Saan yung ganon" na medyo sakit sa ulo ng bantay. Another thing to consider, pwede sabihin ng users mo "Hirap naman mag-computer dun sa inyo" which might lead to bad Customer Experience.

So ang ginawa namin ng kaibigan ko, need namin i-downgrade yung ibang PC pero may iba pa din kaming iniwan na Windows 10 for familiarity purposes kasi nga outdated na talaga yung Windows 7. Then base sa observation, mas marami pa din may gusto nung Windows 7 pero doesn't mean na walang gumagamit nung Windows 10.

gaya ng pag gamit ng resources ng pc tulad ng RAM, CPU atbp.
May mga performance tools/helpers naman na pwede mo gamitin. Pwede mo din manually tanggalin yung mga bloatware ni Windows.

Wherein sa Windows, may license na babayaran, or KMS na lang.
May mga retailer licenses na pwede kang bilihin para maka-mura. Or try mo yung mga legal through server activation like: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Good luck! Balak ko din mag-business ng compShop, for sure mataas yung demand since maluwag na sa Pinas 😉
 
Last edited:
Oo vm lang yan e kala ko ba mag install ka kung ayaw ma mawala win11 mo mag dual boot ka.
naka dual boot din ako dati pero simula nung ni release ng microsoft yung wsl, nag wsl nalang ako. Integrated na kasi sya sa windows. You can even launch linux gui apps natively through virtualization. Hindi na sya katulad ng dati na you need to use virtualbox pa.
Untitled.png
 

Attachments

Top