What's new

Trivia Turo 3: Mapupunta sa Langit ang Mababait

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
Turo 3: Mapupunta sa Langit ang Mababait

Saan nagmula ang turong ito?
Pagkamatay ng mga apostol ni Jesus, sa pasimula ng ikalawang siglo C.E., naging prominente ang unang mga Ama ng Simbahan. Ganito ang sinabi ng New Catholic Encyclopedia (2003), Tomo 6, pahina 687 may kinalaman sa kanilang turo: “Ang lubos na kaligayahan sa langit ay ipinagkakaloob sa kaluluwang humihiwalay karaka-raka pagkatapos gawin ang kinakailangang pagdadalisay pagkamatay ng isa.”

Ano ang sinasabi ng Bibliya? “Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bagaman ipinangako ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ‘maghahanda siya ng dako’ para sa kanila sa langit, sinabi niya na hindi lahat ng matuwid ay mapupunta roon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ba ipinanalangin niya na maganap sana ang kalooban ng Diyos “kung paano sa langit, gayundin sa lupa”? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katunayan, may dalawang pag-asa para sa mga matuwid. Ilan sa kanila ay mamamahalang kasama ni Kristo sa langit, pero ang karamihan ay mabubuhay magpakailanman sa lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nang maglaon, binago ng sinaunang simbahan ang paniniwala nito tungkol sa kaniyang gagampanang papel dito sa lupa. Ano ang naging resulta? “Ang itinatag na simbahan ang patuloy na humalili sa inaasahang Kaharian ng Diyos,” ang sabi ng The New Encyclopædia Britannica. Pinalakas ng simbahan ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pulitika, at winalang-bahala ang sinabi mismo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ‘hindi sila bahagi ng sanlibutan.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang mamahala ang Romanong emperador na si Constantino, ikinompromiso ng simbahan ang ilan sa paniniwala nila. Ang isa rito ay ang tungkol mismo sa Diyos.

Ihambing ang mga talatang ito ng Bibliya: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

ANG TOTOO:

Ang karamihan ng mababait ay mabubuhay magpakailanman sa lupa—hindi sa langit
 

Similar threads

Back
Top