What's new

Tumigil narin ba ang lahat mag CODM?

Nauumay nadin ako haha simula release playing ako, nag top 100 pako noon solo lang, wala eh puro skin nalang nilalabas ng codm yung mga movement nerfs, yung map rotation paulit ulit. Yung mga lumang baril ayaw ibuff dapat walang nerf nerf ibuff nila lahat same nung wala pang gunsmith super enjoy lang
 
haha dami naiyak sa jakjak once ko lang na try yan takte yung mga kalaban ko from 5v5 naging 5v2 na lang haha, alam na alam ng kalaban kung kelan talaga sila mag ku quit haha.

tamaan ka ba naman ng jakjak 1 tap tapos parang nag la lag pa yung screen mo haha
 
ako nalaro parin kahit di na kaya ng phone ko (di na kita kalaban sa malayo) pero kahit ganon na eenjoy ko pa kasi may mga kasama ako maglaro tas ayun kahit ganun na nakakabwisit talaga jakjak.. tawanan lang naman tas bonding na din siguro kaya nalaro pa kami ng tropa hahaha
 
Goods pa din rank game. Pag enter mo ng lobby 1 sec lang match found agad, so di ko masasabi na codm is dead kasi ang dami pa din players. Di lang ako nakalaro ng december kasi puro kami hardware project that time pero buti na lang nahabol ko yung legend by january. So far wala akong naencounter na 4man jak kaya nagulat ako na issue pala yun.

Sa issue naman na maraming nagquit because of size, probably because dinadownload nila lahat ng resources. Sakin kasi laging nakadownload lahat kaya naging 22gb. Pero kung rank game mp lang naman and you have 4/64gb phone, i think yung recommended resources lang need idownload and you're good to go. Pero kung ang phone is 3/32 and lower, I don't think magiging smooth talaga ang game. Lahat naman ng game naguupdate (and thus lumalaki) for better experience. I actually used to play ML in a 1/8gb tablet but now with that storage sasakit lang ulo mo kesa magenjoy.

Ang di ko lang gusto sa mga magqquit ng codm ay yung magaaya pa ng kasama. Kung di na kayo nakakahanap ng saya sa paglalaro ng codm, okay lang, you can exit quietly. Pero wag na mandamay ng mga tao na nakakahanap pa din ng saya sa paglalaro ng codm.
 
Jakjak parin mga nakakalaban ko sa last circle 🤣
Tamang galawan lang para matalo sila

Yung mga trashtalker at cheater hindi na mawawala yan kahit saang laro pa. Wag nalang dibdibin yung laro
 
Adik na adik ako sa larong ito, halos ito nilalaro ko nung nag 14 days quarantine ako at naunlock ko lahat ng gold skin ng mag baril ko at inuninstall ko pa yung ML, kaso nga lang wala na yung mga kasabayan ko maglaro ng CODM, nagsilipatan sila sa ML at isa pa sa rason nila grabe na yung update ng CODM, di na kaya ng cellphone nila. Hanggang sa nag uninstall na ako nito at install ulit ng ML. Nakabalik ako ng install 1 day lang tapos na bored na ulit, uninstall ulit hahaha SKL...
 
two months palang ako naglalaro pero napaquit din agad. mabilis nakapag legendary sa BR dahil sa kakaplaysafe. Galing akong PUBGM at feel ko sobrang dali magparank di katulad sa PUBGM na kahit anong playsafe mo, mahirap. Palaging bot kalaban sa CODM at yung mga bata dito halos legendary rin yung rank. Tsaka tingin ko rin kaya di masyado nahhype kase di pinupush yung tournaments di katulad sa ML na sobrang hype, magbabatak ka talaga. Tapos ang bigay din sa storage
 
Back
Top