What's new

Tulong mga boss

Malupet19

Honorary Poster
Joined
Apr 14, 2020
Posts
232
Reaction
37
Points
131
Hingi sana ako ng advice galing sa inyo hindi ko na po kasi talaga alam kahit 19 years old palang ako pakiramdam ko napagiiwanan na ako ng mga kaklase o mga kaidaran ko. Lagi ko tuloy naiisip na wala akong kwenta. Pasensya na po kung para sa iba inarte lang toh pero ambigat po talaga sa pakiramdam. Wala den naman po akong makausap na ibang tao pati magulang ko hindi ko mapagsabihan.
 
Hindi sa lahat ng dahilan napapagiwanan tayo kapatid. Tandaan mo lahat tayo may kanya kanyang magagandang dahilan na meron sa buhay. Lahat tayo may kanya kanyang swerte sa buhay. At lahat tayo mapalad! Hindi sa lahat ng dahilan may kulang o lamang tayo sa sarili at sa kapwa natin.

Alisin mo sa isipan mo yan! maswerte ka sa mga bagay o dahilan na hindi mo lang napapansin.

🤘
 
salamat po kuya kahit hindi ko man agad matatak yan sa isipan ko pero gagawin ko makakaya ko para matandaan yan. maraming salamat po ulit kuya❤️
 
Alam mo lods kakacellphone mo lang yan, kung gusto mo maraming paraan like mag trabaho ka tsaka wag kang dumepende sa ibang tao baguhin mo yan hehe
 
ts hindi ka dapat ganyan kung feeling mo napag iiwanan ka ibahin mo yan kasi nakakahina ng loob yan lalo kang ma da down sa ganyan diko alam kung panong napagiiwanan ka kung sa porma or sa mga uso na wala ka if ganon sideline ts ganun gawain ko diko pinapapansin mga ibang tao lahat ng tao pantay pantay mayaman man o mahirap tao parin parehas mayaman sila kase pinaghirapan nila yun
 
hindi naman po sa napagiiwanan dahil sa may trabaho kuys college student palang po ako ngayon 1st year po
 
salamat po kuya yon nga po eh lalong bumababa tingin ko sa sarili ko at yon den po talaga gusto ko mabago saken. pagtatrabahuhan ko po na mabago at maayos yon salamat po
 
[XX='Malupet19, c: 1135725, m: 1705240'][/XX] Focus kalang sa kung anong gusto mong gawin at kung saan ka masaya wag mo sila problemahin wag ka dumepende sa kanila may sarili kang buhay
 
Lahat ng tao MAGKAKA-IBA lang ang mga damit o sapin sa katawan pero pag tinanggal mo yan Lahat yan pare-parehas, Lahat Tao. Wag ka dumepende sa kung ano meron sila, na pwede mag dikta kung ano ang iyong ka-kulangan sa Sarili. Di mo lang napapansin na ang Blessings na natatamasa mo ay maaaring Pinapangarap din ng iba, di mo lang Binibigyang Pagpapa-Halaga. Tingnan mo parents mo, tanungin mo sarili mo?, Lahat ba ng Tao may magulang?, Lahat ba nakaka-kain sa pang araw-araw? Mga simpleng tanong lang yan pero napalalim ng pinapahiwatig. Isipin mo lagi ay positive, ang tamang Tao na dapat mong ikumpara sa Sarili mo ay yong Taong, IKAW, KAHAPON. ano ba ginagawa mo para mas maging malakas, matalino, masipag para BUKAS? Mag pursigi ka, Patatagin mo sarili mo, dahil lahat ng bagay ay nagsisimula muna yan sa Sarili, Bago sumunod ang iba. ♥️
 
maraming salamat po kuya sobrang naappreciate ko po yung sinabi niyo. tama po hindi ko lang nakikita kung anong meron ako. sobrang nakakataba po ng puso yung sinabi niyo. maraming salamat po ulit sa oras at atensyon niyo po
 
mag self study ka para maka sabay ka sa mga classmate mo. ganyan din ginawa ko para makasabay lang din. any BSIS ako. pero nag take na ako ng mga client like thesis/dissertation para ma practice skills ko.
 
makakausap yon po talaga yung kulang saken. nasasarili ko po kasi lagi kaya naiipon lalo kaya puro negative na
 
[XX='Malupet19, c: 1135915, m: 1705240'][/XX] mahirap talga sa una. pero pag natutunan mo ang basic ng course. dadali lahat yan kahit anong ibigay sayo. atsaka wag ka puro negative. paano ka aangat nyan. Always positive lang.
 

Similar threads

Back
Top