Aking inay, ako na po ang gagawa ng mga gawain,
nabasag ko po ang pinggan, sana ako'y patawarin,
gagampanan ko na pong mabuti lahat ng inyong sabihin, pagkukulang ko at kakulitan, sana'y unawain.
Aking anak, salamat sa palaging pagtulong sa akin,
pangakong di kita iiwan ay aking tutuparin, sasamahan ka kapag nagkasakit ka't di makakain, regalo ka sa'kin kaya ika'y lubos kong mamahalin.