What's new

Tukso - Saan Ito Galing? Paano Ito Nabubuo?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Ganito inilalarawan ng Bibliya kung paano nabubuo ang "tukso."

Santiago 1:14
"Kundi ang bawat isa ay nasusubok kapag NADADALA at NAAAKIT ng SARILI NIYANG PAGNANASA."

Ang tukso ay galing sa pagnanasa kapag ito ay tumindi at lumakas. Sa ibang salita, ang tukso ay "ang pagnanasa na napakatindi at napakalakas anupat puwedeng makaimpluwensiya sa isa na gawin ang gusto nito." Oo, ang pagnanasa ay puwedeng umimpluwensya sa kaisipan ng isang intelihenteng nilalang at magpakilos sa kaniya na gawin ang gusto nito.

Totoo na kasama sa pagkakadisenyo ng Diyos sa tao ang pagkakaroon ng pagnanasa. Halimbawa na lang, ang tao ay nagkakaroon ng sexual desires, dahil sa tayo ay nilikha na may kakayahang magpamilya, at na dinisenyo tayo na mayroong mga sangkap sa pag-aanak. Kaya, masasabing ang pagkakaroon ng pagnanasa ay likas lamang sa tao.

Pero kumusta ang mga anghel?
May pagnanasa din ba sila?

Bueno, ang mga anghel ay nilikha na hindi kagaya ng mga tao na may kakayahang mag-anak o magpamilya. Sila ay mga espiritung nilalang. Wala silang kasarian, bagaman kapag nagkakatawang-tao sila ay palaging nasa anyong lalaki.

Nilikha sila pangunahin na upang gawin ang kalooban ng Diyos sa langit gaya ng ipinahihiwatig ng Hebreo 1:14

Mga Hebreo 1:14 (Magandang Balita Biblia)
Ano ang mga anghel, kung ganoon? SILA'Y MGA ESPIRITUNG NAGLILINGKOD SA DIYOS at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.

Oo, sila ay mga espiritung naglilingkod sa Diyos. Sila ay dinisenyo upang maglingkod sa Diyos. Kaya, ang natural na ninanasa ng mga anghel ay ang maglingkod sa kanilang Diyos na lumikha sa kanila. Ito ang kanilang natural desires—ang maglingkod at sambahin ang Diyos.

Pero, ibig bang sabihin nito ay noong likhain sila ng Diyos ay awtomatiko na silang 'naglilingkod' sa Kaniya?

Hindi naman sa ganoon. May kalayaan pa din silang magpasiya. Gaya ng nakita natin sa kaso ni Satanas at ng iba pang mga anghel na pumanig sa kaniya, may kalayaan sila na sambahin ang Diyos o hindi. Totoo na banal ang mga anghel, at hindi sila makasalanan gaya ng mga tao na hindi perpekto, pero, hindi ito nangangahulugan na hindi sila puwedeng magkasala, dahil gaya ng ipinahihiwatig ng 2 Pedro 2:4, puwede silang magkasala.

2 Pedro 2:4
[4]Hindi pinatawad ng Diyos ANG MGA ANGHEL NA NAGKASALA.

Oo, PUWEDE SILANG MAGKASALA PERO IYON AY DAHIL SA KANILANG KUSANG PAGSUWAY SA DIYOS. Hindi sila kagaya ng di-sakdal na mga tao na nasa ilalim ng sumpa ng kasalanan anupat dahil dito ay nakakagawa ng mga pagkakamali.

Ang Mangangaral 7:20
Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.

Bukod sa paglilingkod at pagsamba sa Diyos, gustung-gusto din nilang makita ang mga gawa ng Diyos at malaman ang katuparan ng mga hula sa Bibliya.

Job 38:4,7
[4] Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo.
[7] Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at MGA NILALANG SA LANGIT, SA TUWA'Y NAGSIGAWAN.

1 Pedro 1:12
[12] Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita ng Diyos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo sa kanila mula sa langit. MAGING ANG MGA ANGHEL SA LANGIT AY NANABIK NA MAUNAWAAN ANG MGA KATOTOHANANG ITO.

Kaya, ang paglilingkod at pagsamba sa Diyos, at ang pagkakita sa mga gawa ng Diyos at kung paano matutupad ang mga hula sa Bibliya ay ilan lamang sa mga bagay na gustong gusto ng mga anghel.

Nakita natin sa bahaging ito kung ano ang natural desires ng mga anghel.

Ngayon, ito ang tanong: Paanong ang isang anghel ay napasailalim ng tukso?

Sa Bibliya, ang kauna-unahang intelihenteng espiritung nilalang ng Diyos na nagpadala sa "tukso" ay walang iba kundi si Satanas.

Ang tukso na umiral kay Satanas ay ang "maling pagnanasa, o makasariling pagnanasa" anupat dahil sa tumindi ng tumindi ang pagnanasang iyon, kung kaya kalaunan ay naging "tukso" ito sa kaniya at iyon ang nagpakilos sa kaniya na gawin ang gusto nito.

Kaya, tama lang na bigyang kahulugan ang tukso bilang "ang pagnanasa na napakatindi at napakalakas anupat puwedeng makaimpluwensiya sa isa na gawin ang gusto nito.”

Sa kaso ni Satanas, ang pagnanasa na nadevelop niya ay maituturing na "mali" dahil hindi nilikha ng Diyos ang mga anghel para sila ang sambahin, gaya ng makikita natin sa nangyari noon kay apostol Juan.

Pahayag 19:10
[10]Nagpatirapa ako sa kanyang paanan UPANG SAMBAHIN SIYA, ngunit sinabi niya [ng anghel] sa akin, “HUWAG! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. ANG DIYOS ANG SAMBAHIN MO, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!”

Pahayag 22:8-9
[8] Akong si Juan ang nakarinig at nakakita sa lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat, AKO'Y NAGPATIRAPA SA PAANAN NG ANGHEL na nagpakita sa akin ng mga ito UPANG SIYA'Y SAMBAHIN.
[9] Ngunit sinabi niya, “HUWAG! Ako ma'y alipin ding tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. ANG DIYOS ANG SAMBAHIN MO!”

Kung likas sa mga anghel na sila ang sambahin, bakit sinaway ng mga anghel na iyon si Juan nang tangkain nitong sambahin sila?

Kaya, makikita natin sa insidenteng iyon na hindi likas sa mga anghel na sila ang sambahin.

Gaya ng nalaman natin, ang "maling pagnanasa" ni Satanas ay lubusang naisiwalat nang tuksuhin niya mismo ang Anak ng Diyos, si Jesus.

Lucas 4:6-7
Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang pamamahala sa lahat ng kahariang ito at ang kadakilaan nito. Ipinagkaloob ito sa akin, at maibibigay ko sa kaninumang naisin ko.
Kaya't KUNG AKO'Y SASAMBAHIN MO, magiging sa iyo na ang lahat ng ito.”

Kaya, ano ang "pagnanasa" na nadevelop ni Satanas? Ito ay ang "maling pagnanasa, o makasariling pagnanasa" na tumindi ng tumindi at kalaunan ay siyang naging "tukso" sa kaniya anupat naging dahilan upang kumilos siya para linlangin si Eva.

Mali ba ang magkaroon ng pagnanasa?

Hindi naman. Kung sa tao, likas ang magkaroon ng pagnanasa.

Kailan nagiging "mali" ang pagnanasa?

Kapag sumalungat na ito sa matuwid na pamantayan ng Diyos at sumasalungat sa kung ano ang likas dito.

Halimbawa, likas sa tao ang magkaroon ng sexual desires. Pero kung ang sexual desires na iyon ay iuukol sa hayop (bestiality) o sa katulad na kasarian (homosexuality), masasabing iyon ay salungat sa kalikasan. Ito ay matatawag na "maling pagnanasa".

Kung sa mga anghel, hindi likas sa kanila ang pagkakaroon ng "pagnanasa", gaya ng pagnanasa na mag-asawa o pagnanasa na sila ang sambahin. Matatawag din iyon bilang "maling pagnanasa" dahil salungat mismo iyon sa pagkakadisenyo sa kanila ng Diyos. Tandaan, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod sa Diyos. Kaya, ang likas na kagustuhan nila ay ang sambahin at paglingkuran ang Diyos. Kasama din dito ang gawin ang atas na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Kasalanan ba ng Diyos ang pagbibigay Niya ng kalayaan sa kaniyang perpektong mga nilikha?

Hindi. Pagpapakita pa nga iyon ng pag-ibig dahil hindi niya nilikha kapuwa ang mga tao at mga anghel na parang robot anupat susunod na lang sa kung ano ang nakaprogram dito.

Kaya kung ang isang perpektong nilalang ng Diyos ay mag-isip ng salungat sa kalooban ng Diyos, o magkaroon ng "maling pagnanasa", ito ay dahil sa ginamit niya ang kalayaan niya sa maling paraan. Hindi iyon kasalanan ng Diyos.

Ngayon, ano ang magiging konklusyon natin?

Oo, ang tukso ay "ang matinding pagnanasa na posibleng makaimpluwensiya sa isa na gawin ang gusto nito."

Totoo, nilikha ang tao na may kakayahang magkaroon ng "pagnanasa", kasabay nito ay binigyan niya din sila ng kalayaang pumili—ang magpadala sa pagnanasa o hindi;

Sa kabaligtaran naman, nilikha naman ng Diyos ang mga anghel na may kalayaang pumili—ang sambahin ang Diyos o hindi. Kung "magnanasa" sila na gawin ang sarili nilang kagustuhan na suwayin ang Diyos, hanggang sa tumindi iyon, at sa kalaunan ay maging "tukso", at magpadala dito, iyon ay magiging dahilan para maiwala nila ang pagsang-ayon ng Diyos sa kanila, at sa kalaunan ay hatulan sila ng kamatayan.

End of the article.

Para sa mga karagdagang impormasyon:
Nilalang ba ng Diyos si Satanas?
Bakit Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?
 
[XX='Duterte Supporter, c: 1365707, m: 460785'][/XX] May ilan na pong nagbabasa nung mga thread ko po :) Pero, hindi ko po sila pinipilit na paniwalaan ang mga bagay na pinaniniwalaan ko ..

Gusto ko lang po talagang mai-share sa kanila ang sinasabi ng Bibliya .. Nirerespeto ko naman po kung ano ang maging desisyon nila .. Basta, ang mahalaga po sa akin, nagawa ko po yung part ko - ang makapangaral at makapagpatotoo tungkol sa aking Diyos na sinasamba, walang iba kundi si Jehova ..

:)
 
Back
Top