What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Truth behind Basketball sa Pilipinas

DiegoBigo_64

Established
Joined
Oct 23, 2020
Messages
352
Reaction
95
Age
65
Basketball sa Pilipinas, papano tayo naloko ng mga malalaking kumpanya.

Ang basketball, kagaya ng mga iba pang mga sports ay kailangan hindi masyadong commercialized
na siyang nangyayari ngayon sa atin dito sa Pilipinas.
Nagumpisa tayong lokohin ng mga malalaking kumpanya nung maitayo ang basketball league na MICAA noong 1938 hanggang 1981
at ang talagang aim nito ay hindi lang dapat basketball ang lalaruin, various sports kagaya ng table tennis, baseball,atbp.
Kaya nga "Manila Industrial and Commercial Athletic Association" (MICAA).

At ang dapat ang mga fans nito, supposedly ay confined lang sa mga empleado ng mga kumpanyang kasali at since madali
lang imanage and basketball league na di kagaya ng ibang sports na kagaya ng baseball n ang daming gears and equipments.
Ginawan na rin ng tv broadcast ang liga kaya ayun naloko ang mga pinoy na i-patronize ang mga teams na wala naman silang
connections.

Ang talagang dapat na liga ay inter-city o regional. ito rin ay ang tinatawag na 'home and away' na format ng liga na
may kanya-kanyang home team.

Kapag ginoggle natin ang listahan ng commercialized basketball league in the world, ang lalabas ay MICAA, PCBL at PBL.
Magtataka tayo bakit wala sa listahan ang PBA (Philippine Basketball Association) kasi di sya diniclare na commercial league
pandaraya na naman sa mga pinoy sports fans.

Kapag ginoggle naman natin ang listahan ng mga basketball league sa buong mundo, tayo lang sa Pilipinas ang ligang walang
'home city team'.

Noong nasa Vintage Sports pa ako naalala ko yung american import na si Anthony Jones natawa bago ang interview sa kanya dahil sa monicker
o alyas ng team niya na 'Flavor Noodles' nakakatawa naman talaga.

Nabulag tayo ng mga malalaking kumpanya na i-patronize ang mga team nila na kagaya ng mga:

Weathermakers, Redmanizers,Porcelainmakers,Ice Cream, Tru-Orange, Uncolas, Distillery, Comets
Coffee,Festivals,TV Makers, Tamaraws
Dyip, Bolts, Road Warriors, Milkmen, Barangay Ginebra, Elite, Batang Pier, Elastopainters, Beermen, Tropang Giga,
Pambansang Manok, Fuelmasters.

Nakakatawa di ba!
 
Panung walang home city wala naman arena bawat city saka panu nila tatayuan ng arena e nakurakot na ,, hannggang ganyan nalang talaga ang ph basketball
 
M
Madapakerzz
Wala na lods pag pag asa ph basketball kung titingin kansa ibang unh mga center nila kabibilis shooter athletism na eto dito sa pinas ang center sobrang bagal puro rebound lng lang alam
 
Kaya nga di ko na pinagtutuunan ng pansin ang Pro Basketball League, mas nanunuod nalang ako ng AFC, Cyling Tournament, at most regional sports prestivity. Boxing and grass roots sports than watching PBA na scripted na namafia pa tayo 😂
 
1 Comment
D
DiegoBigo_64
tama ka kasi namamanipula (scripted)lahat kasi kontrolado ng malalaking kumpanya na kagaya ng san miguel corporation. Noon ko pa napansin yan noong nasa Vintage Sports pa ako covering PBA yr. 1993 to 1998. With respect sa mga fans ng mga kumpanyang ito bakit kayo nagru-root sa mga brand na mga iyan pinayayaman nyo lang sila lalo.
 
My MBA naman dati, nalugi lang dahil ginaya nila yung style nang NBA na dapat my homecourt game which is napaka magastos at logistical nightmare para sa mga organizers. Kung meron lang tulong galing sa gobierno, kagya ng sponsorship at additional facilities para sa mga players both home and away teams.
 
12 Comments View more comments…
D
DiegoBigo_64
kumikta talaga ang liga sa atin lalo na kapag basketball, yung uaap lang nung nandun pa ako sa Sports+Action, abs-cbn pa ang tumatanggi sa mga dumarating na mga sponsors kasi laging ubos ang slots at wala na kami mapaglagyan sa ere. Sponsor ang bumubuhay sa isang liga lalo na pag may tv at radio coverage. May porsyento lang ang kada team sa gate attendance o tiket sales. Kung die hard patrons ka naman mabubuhay mo yung liga kun magiging board of directors ka ng isang team o sa mismong liga. Sa kaso ng PBA nung nandon pa ako, Ginebra at San Miguel, alaska lang halos pinapanood ng mga tao. May mga insidente pa na yung nasira naming boss na si Ronnie Nathanielsz pinapapaupo kami sa harap ng main cam without wearing our ID's para hindi butas ang mga upuan sa TV. At kapag hindi sikat na team sa PBA ang hirap ibenta sa sponsors. Of course naman kahit anong sport dapat may passion din ang mayari ng team na kagaya sa basketball at football, ang mayari ng Ceres talagang die hard fan, kaya lang simula ng nawala Dan Palami yung kontrata sa MRT maintenance syempre nahirapan sya kasi matindi financial support nya sa team. Ang Ceres ngayon ay buo pa rin at naghahanap na lang ng panibagong owner. They promise to have a new look this coming year. Ang masakit lang ilang beses na silang lumaban o nagrepresent sa country natin wala mang lang suporta sa gobyerno at sa iba pang malalaking kumpanya. Sa Europa naman karaniwan ng mga team sa basketball doon ay suportado ng malalaking sports organization na kagaya ng Real Madrid FC. Barcelona FC supports FC Barcelona Basquet,. atbp.
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
899
Guests online
1,844
Total visitors
2,743

Forum statistics

Threads
1,013,078
Messages
17,367,543
Members
1,486,026
Comments
682,131
Attachments
1,137,619
Profile posts
96,451
Top