What's new

TOXIC FAMILY CULTURE SA PINAS

KaitheRipper

Enthusiast
Joined
Aug 20, 2020
Posts
167
Reaction
39
(Anong pangarap ang kayang tuparin ng anak mo sa ipon na 1,000 pesos every month?)

(Again, obligasyon ng magulang na buhayin at pag aralin ang anak. Hindi yun UTANG NA LOOB ng anak nyo.)

Dear Parents,
Wag naman kayong harsh sa mga anak nyo, pinagaral at pinalaki nyo sila dahil obligasyon nyo yun di naman yun utang na loob. Kung magbibigay appreciate them. Pag humindi sana wag nyo masamain. Hindi naman binuo yung anak para maging retirement plan nyo. Dont make them feel like the only solution ay mawala nalang sa mundo sa bigat ng responisibilidad na pinapapasan nyo sa kanila sa murang edad palang. Di ren naman nila choice na buohin nyo sila?
Hindi sila madamot. Napapagod din sila. Kung may bilin man sila sa sarili nila they earned it. They have the right to reward themselves.
Toxic tlaga fam culture sa pinas. Mamatay ka sa kakabayad mo sa utang na loob.
Ps. Di ko ren talaga alam isasagot ko pag may suicidal thoughts sila
😞
support lang po ako. Hang in there guys. Alam kong kaya nyo yan at malakas kayo.
Pps: di ko naman akalain na dadami shares disclaimer lang. Hindi ko naman minamasama lahat ng magulang sa post nato. Reminder lang to na may struggles din yung mga anak nyo sana naman marunong kayo mag acknowledge if may mabuti silang nagawa hindi yung puna lang ng puna na kulang yung inaabot. They also have a future to save for. Not spreading hate po. Di ko naman sinasabing pabayaan na yung magulang.
Warm hugs sa mga peeps out there with same issues.
-Gemma Magabo
1651485246808.png
1651485254241.png
 

Attachments

true to pero ang mali lang tlga sa ganto is miscommunication, tulad nalang sa pic kung sinabi nyalang sa mama nya na 10k lang sinasahod nya at 3k na dun ung pamasahe palang nya super tang@ na ng parent mo kung hihingi pa sila ng 6k sayo at sasabhan ka na maka sarili ka. di kana tao pag ganun
 

cosmic wanderer

Established
sarap nga pagsabihan mga boomers na yan na dati noong panahon nila madali lang magkapera at mura yung mga bilihin, ngayun mahirap na nga magkapera mahal pa bilihin.
 

Asherah Goddess

Established
Sabi daw na hindi maganda ang "utang na loob" - sabi. Toxic family ang ganyan. Papaano ang future ng anak? Diba? Ganyan ang parents ko. Naalala ko na nag-uusap silang mga friends niya na religious din. Sabi na dapat raw, ang mga anak ay magbigay ng pera sa parents nila kapag nagkatrabaho na sila. Tipong meron taga-bigay.

Parang chain reaction lang. Tipong ganoon din ang mga parents nila kung kaya ganoon din ang generation ng generation ng mga anak nila. Tipong ipapasa ang ganoon sistema na lumaki na sa pag-iisip na iyon ang mabuti at tama.

But meron parent na matino katulad kay Priyanka Chopra. Nagpapasalamat si Priyanka Chopra sa parent niya dahil parent niya ang nagturo na kailangan maging financial independent ito na keyso if ever nagkaroon ito ng anak ay matututo raw siya na hindi umasa sa anak nito pagdating sa pera at kung may husband man siya ay matututo din siya na hindi umasa sa pera ng husband niya- what I meant na it does not matter kung meron taga provide or wala or kung sino man ang nakakapalibot na tao basta ang importante lang na maging financial independent ang anak kung kaya nagpapasalamat si Priyanka Chopra sa parent niya dahil ganoon ang pagpapalaki sa kanya.

So be financial independent na lang lalo na sa anak para in the future ay if ever na magkakaroon ng anak sa panghinaharap ay hindi na palagi umaasa sa pera ng anak.

Updated: Hindi lang sa anak. Sa pag-aasawa din. Kapag hindi ka pa nag-aasawa, ang tatanungin sa iyo ay "sino ang mag-aalaga sa iyo?" -parang takot na takot na walang mag-aalaga kapag tumanda. Tingnan niyo naman ang ilan tao na ang karamihan ay divorce sa kani-kanilang asawa (sa labas ng bansa) pero maraming pera at successful sa life, e hindi naman nila iniisip ang mga ganyan dahil busy sila sa pagpapaikot ng pera at saka pwede naman e take good care ang sarili. Meron naman pera pambili ng medicine for maintenance at maraming iba pa.

Iyan din ang isa sa toxic mentality na nakikita ko sa ibang tao porke nakakita sila ng tao na hindi pa nag-aasawa.

Ganyan ata ang philippine culture natin pero hindi naman siguro masama kapag meron tao na nagrebelde katulad ko. Hindi ako madalas nagpaparticipate unless kung kinakailangan.
 
Last edited:

OPM The KinG

Established
baka nakalimutan nila na walang anak ang naghahanap ng ina. bago ka isinulang sila ang nag hahanap nang anak, kaya obligasyon nila n hindi magsisisi ang anak pag laki. dapat sana kung ayaw ng ibligasyon wag na mag hanap na anak. yung iba, pa anak anak wala namang mabibigay na maayos na future, nandadamay lang sa pait na buhay na kanilang dinaranas. not good.
 
Top