What's new

Closed totoo kaya na ang ncov kagagawan ng USA na dinala sa wuhan?

Status
Not open for further replies.
Until there is no evidence supporting the claims, this will only be considered a blame-game played by CCP to evade their responsibilities and the lack of proper actions on the virus outbreak.
 
Wala po may gusto na mangyari mga 'to. Unang una risky ang mga biological weapon lalo na kung sa sariling bansa ka nagreresearch, possible na sila una tatamaan. Pag may outbreak, epidemic, or pandemic man, sobra hihina ang ekonomiya ng isang bansa lalo na pag nag lockdown.
 
Meh.Ambobo naman nila kung kagagawan nila yun. Bumalik rin sa sariling bansa nila. Hindi naman ganun kabobo militar nila kahit **** Presidente nila.
Pwede oo pwede hindi. pwede din na mga bilyonaryo ang may gawa nito. pwede rin si bill gates nagpondo. usapang ekonomiya to,kailangan nila maghanap ng dahilan para ibagsak ang ekonomiya kasi sagad nn sagad na. tapos sa pinakababa sila bibili, at pagkatapos nila mamili, lalabas na ang gamot o kung ano mang good news diyan. maniwala kayo diyan sa kanila, pinang uuto lang tayo ng mga bilyonaryo, may mas kumokontrol pa kesa sa sinasabi mong amerika. tuta lang sila at tagsunod ng plano.
 
Well, wala naman ebidensiya sa mga pinaglalaban natin eh kesa naman na mag argue pa ay mag focus nalang tayo sa health natin wag masyado pa-stress mga ka phc keep safe mula sa covid19.
 
Well, wala naman ebidensiya sa mga pinaglalaban natin eh kesa naman na mag argue pa ay mag focus nalang tayo sa health natin wag masyado pa-stress mga ka phc keep safe mula sa covid19.
As per studies and testings, hindi man made or engineered ang COVID, malabo yung mga ganyang conspiracy theory, lalo pa ngayon madaling i-wide spread ang mga informations, kaya dapat wag dapat maniwala agad agad
 
Pwede oo pwede hindi. pwede din na mga bilyonaryo ang may gawa nito. pwede rin si bill gates nagpondo. usapang ekonomiya to,kailangan nila maghanap ng dahilan para ibagsak ang ekonomiya kasi sagad nn sagad na. tapos sa pinakababa sila bibili, at pagkatapos nila mamili, lalabas na ang gamot o kung ano mang good news diyan. maniwala kayo diyan sa kanila, pinang uuto lang tayo ng mga bilyonaryo, may mas kumokontrol pa kesa sa sinasabi mong amerika. tuta lang sila at tagsunod ng plano.

May gamot na po na ginagawa sa Germany. Lininaw na rin ng kompanya na hindi nila pagkakakitaan ang gamot, maliban nalang siguro kung talagang mataas ang mass production cost. Sa katunayan sinubukan ni Trump na manipulahin ang gamot para magamit lang ng mga iilan at exclusibong tao pero di pumayag ang kumpanya at agad na sinibak ang tao nila na nakipag ugnayan kay Trump. Oo madaming bilyonaryo ang madumi at pwedeng gumawa ng ganitong malawakang sakuna pero si Bill Gates ay hindi ganoong kaduda duda. Maraming foundation na ang tinayo at tinulungan niya. Ipinangako na rin niya na maliit lang na porsyento ang iiwan niya sa mga anak niya at ang bilyon bilyon nyang pera ay idodonate niya pag namatay siya. Wag po gumaya kay Kyrie, may woke woke pang nalalaman para lamang magmukhang astig at matalino. Dalhin po natin sa rasyonal na pag-iisip.
 
Nagtratrade ka ba ng markets pre? Maiintindihan mo sinasabi ko kapag may idea ka. Sa chart pa lang masasabi na kung may paparating na masamang balita. Siyempre expected ko na na may lalabas na good news na ganyan. Kasi nakabili na sila ng shares nila sa baba, tingnan mo na lang pagcrash ng market sa buong mundo. Kay bill gates, di ko ibig sabihin talaga na siya mismo, example lang pero 2015 pa lang na may idea na siya.
 
Baka nga ginawa ng US yan para sirain ekonomiya nang china, at saka di talaga magkasundo US at china..
 
Sa panahon ngayon hindi sapat ang pagbabasa, mahalagang inuunawa ang mga binabasa, mahalaga din na wag agad agad maniniwala kumo may nabasa na ganito at ganire! Dapat din na galing sa mapagkakatiwalaang site/article provider, news source or sa mga official website ang nabasa. Ngayon madali ng ma-identify kung totoo o hindi, at isa na dyan ay patungkol sa COVID-19, Pandemic na ito at hindi pwedeng ilihim ang katotohanan sa buong mundo. Muli hindi ito man made or engineered (o tinuturing ng iba na biological weapon)
 
Ito guys tingin kau dito..
https://lm.facebook.com/l.php?u=htt...ekxVxMV_dfbfKj5thiIEwB57BOG_5RMqgkxGNGZTxIQvl
 
Hindi ako nagtatrade mg stocks pero sinagot ko lang ang sinabi mo na pwedeng isa or grupo ng bilyonaryo ang nasa likod ng COVID19. Kung gayun nga eh bat nauna ang isang German company sa pagsasaliksik at paggawa ng gamot. Kung talagang man made eh di dapat gawa na ang gamot at nabenta na dahil libo libo na ang apektado at malaki na ang kikitain nila. Kung economy reset ang habol nila, dapat ay ginagawa nila ng paraan upang masabotahe ang pagkatuklas ng gamot pero bat may napapabalitang kompanya na naghahanap ng lunas. Yun lamang ang punto ko dun.
 
First of all it makes no sense na US may pakana nito since Alam nila na madadale din sila nito gaya ng nangyayare ngayon.
They have over 10000 cases now by the way.

Second is hindi din to galing sa Bio Super Lab ng China since ang mga ganyang facilities ay may mahigpit na mga security protocols kase nga they contain deadly pathogens, hindi yan basta Lab lang. So yan ang isang factor bat hindi ito isang bio-weapon ng China.

Third, Ang isang bio-weapon ay mas lethal.
At hindi pwede ma weaponize ang covid19 dahil sa high contamination nya at pwede ito mag backfire sa mga magtatangkang ipakalat ito.
So yeah mauuna pa silang mamatay bago nila ito maipakalat. Yan yung ibig sabihin nito.

Fourth, Ang covid19 ay maaring matagal na nakapasok sa isang katawan ng tao sa Wuhan dahil nga kinakain nila mga exotic animals at nag mutate ito overtime saka sya naging ganito ka deadly.

So yun. I'm not an expert Pero nagbabasa ako sa mga official news channel.

At higit sa lahat di ako nagtitiktok 🤣

Sa mga nagsasabing " andaming medical experts dito ". Tamad lang kayo magbasa puro kasi kayo ML at TIKTOK. Bye
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top