What's new

Totoo Bang Persona ang Diyos?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
DAHIL humahanga sa kalikasan, kumbinsido ang maraming tao na may isang makapangyarihang puwersa, o isang diyos. Humahanga ka ba sa napakamasalimuot na uniberso? Namamangha ka ba sa likas na kagandahan ng planeta at sa masalimuot na disenyo ng katawan ng tao?

Kung oo, malamang na naudyukan ka rin na maniwala sa isang makapangyarihang puwersa. Itinuturo ng ilang relihiyon na ang puwersang ito ay naninirahan sa mga bundok, puno, langit, at saanman sa uniberso. Naniniwala naman ang iba na ang espiritu ng mga ninuno nila, mabuti at masama, ay nagsasanib para makabuo ng mahiwagang puwersa at nagiging isang Kataas-taasang Persona—ang Diyos!

Gayunman, karaniwan nang pinaniniwalaan na ang puwersang ito ay hindi isang persona. Hindi naniniwala ang ilang tao na ang Diyos ay may pag-iisip, emosyon, layunin, at naisin. Totoo bang persona ang Diyos? Nagbibigay ng malinaw na sagot ang Bibliya, isa sa pinakamatandang banal na aklat na malawakang ipinamamahagi sa ngayon.

Makikita sa Tao ang mga Katangian ng Diyos

Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang tao na may mga katangian na gaya ng sa kaniya. Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na ‘nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan.’

Hindi naman ibig sabihin nito na katulad na katulad ng unang mga tao ang Diyos. Sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ay isang espiritu, samantalang ang tao ay nilikha mula sa mga elemento ng lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa ito sa pangunahing pagkakaiba ng Diyos at ng tao. Pero may matututuhan pa tayo tungkol sa Diyos kung pag-aaralan natin ang mga katangian ng tao.

Ang tao ay may kapangyarihan at kakayahang planuhin at pag-isipan ang kaniyang gagawin. Ito ay maaaring udyok ng mga katangiang gaya ng kabaitan, kakayahang mag-isip, praktikal na karunungan, at katarungan. Ang tao ay puwedeng magmahal, magalit, at mapoot. Pero magkakaiba tayo sa pagpapakita ng mga damdaming ito. Oo, iba-iba ang personalidad natin. Ang mga tao ay mga persona.

Makatuwiran bang isipin na lalalangin tayo ng Diyos bilang mga persona na may kamangha-manghang katangian, kung siya mismo ay hindi naman persona kundi isang puwersa lang na palutang-lutang sa daigdig ng mga espiritu? Kung ang tao ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos, tiyak na maraming pagkakatulad ang tao sa Diyos. Pansinin ang sumusunod.

May personal na pangalan ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” Gusto ng Diyos na malaman ng mga tao ang kaniyang pangalan. Sinasabi rin sa Bibliya: “Pagpalain nawa ang pangalan ni Jehova mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda. Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito ang pangalan ni Jehova ay dapat purihin.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya kapag madalas na ginagamit ng mga mananamba ng Diyos ang kaniyang pangalan, itinuturing nila siyang isang persona.

Walang katulad ang Diyos. Itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay walang katulad. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ikaw ay talagang dakila, O Soberanong Panginoong Jehova; sapagkat wala nang iba pang katulad mo, at walang Diyos maliban sa iyo.” Sinasabi rin sa Kasulatan na si Jehova “ang tunay na Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba. Wala nang iba pa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kinapopootan ni Jehova ang kasamaan. Persona lang ang nakadarama ng poot. Sinasabi sa atin ng Bibliya na napopoot ang Maylalang sa mga bagay na gaya ng “matayog na mga mata, bulaang dila, at mga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala, pusong kumakatha ng mga nakasasakit na pakana, mga paang nagmamadali sa pagtakbo sa kasamaan, bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan, at sinumang naghahasik ng mga pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pansinin na napopoot ang Diyos sa mga paggawi ng tao na nakasasakit sa kanilang kapuwa. Matututuhan natin dito na nagmamalasakit sa atin ang Diyos at napopoot siya sa mga bagay na makasasakit sa atin.

Si Jehova ay Diyos na maibigin. Sinasabi sa Bibliya na napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa “mga tao ng sanlibutang ito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Contemporary English Version) Ipinakikita nito na siya ay tulad ng isang maibiging ama na ang gusto ay ang pinakamabuti para sa kaniyang mga anak na tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung kikilalanin ng mga tao ang Diyos bilang kanilang maibiging Ama, tatanggap sila ng maraming pagpapala.

Puwede Mong Maging Kaibigan ang Diyos

Maliwanag, itinuturo ng Bibliya na ang Maylalang ay isang indibiduwal, na may pangalan at personalidad. Makapangyarihan siya at may kakayahang planuhin at pag-isipan ang kaniyang mga gagawin udyok ng magagandang katangian gaya ng kabaitan, karunungan, at katarungan. Hindi siya mailap o malayo sa atin. Sa halip, sinasabi niya: “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay, ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Ako ang tutulong sa iyo.’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang Diyos ay may layunin para sa mga tao. Sinasabi ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Natutuhan natin na si Jehova ay walang katulad kaya magiging madali para sa atin na makipagkaibigan sa kaniya at tumanggap ng mga pagpapala na ibinibigay niya sa kaniyang mga kaibigan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

● May personal na pangalan ba ang Diyos?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

● Marami bang diyos?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

● Maaari bang magkaroon ng personal na kaugnayan ang mga tao sa tunay na Diyos?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Similar threads

Back
Top