What's new

Closed Tips para mabilis makatungtong ng mythic

Status
Not open for further replies.

PHC Elite_chn

Honorary Poster
Joined
Oct 17, 2019
Posts
525
Reaction
138
Points
216
Hi mga lods. Turo ko lang sa inyo mga konting kaalaman ko kung pano mabilis na makatungtong ng mythic.

Hindi to accurate pero nasa 75% chance winrate so pwede na rin kesa tambay ka sa rank mo.

1.Wag na wag mag tatank kung hindi ka sigurado sa kakampi mo. Pero kung wala ka ng no choice pwede rin naman. Pero madalas gumagamit ako ng spell na sprint or flicker. Para iwas damay sa kalokohan. At gumamit kayo ng sobrang kunat na mga tank tulad ni grock, hylos, khufra. Or try nyo i counter tank ng kalaban. Example: nag Tigreal sila. Use Akai. Basta alam nyo na yan. And dapat aware din kayo sa mm nyo. Dahil madaling pitasin mga yan. So tamang alaga lang kahit minumura kana pag namamatay sya.

2. Gaya ng nabangit ko sa 1 Counter mo pick ng kalaban na alam mong kayang magpatalo sa inyo pag napabayaan. Tulad ng ano? Example: Gumamit kayo ng nana or valir pag may nag esmeralda. Dahil si esme ay sobrang lakas sa dikit na laban. Yun ang adnvantage ni nana since pangulo alaga nya. Same with valir sa sobrang ayaw sayo kakatulak. Kaya kung may free time kayo mag custom games muna kayo para itry yung mga hero na di nyo masyadong kilala mga skills. Para magka idea kayo pag nakatapat nyo.

3. Kung di ma marunong o di ka sigurado mag MM. Since unahan sa pick yan. Imaster mo nalang ang mage o assassin. Kaya din mag buhat nyan sa dikit na laban.

4. Wag nyo basta iwan lane nyo. In short def muna bago farm.

5. Uso rotation. Ps. Mas mabilis dapat respo ng nasa mid. Kasi halfway lang sya sa top or bot.

6. Map Awareness. Hindi yan display lang. Pag alam mong wala kalaban. Wag masyadong malalim o wag ka masyadong pupwesto sa alanganin kung sakaling igank ka. Para makatakbo ka parin hanggat may lupa.

7. Wag masyado galingan ng sobra lalo na kung sure win na kayo. Weird ba? Dahil yan sa mismatch ng moonton. Pag sunod sunod panalo mo with mvp. Asahan mo kahit legend V ka itatapat ka o isasama ka sa laban ng mga mythic with high points.

At pinakaimportante sa lahat ay....
8. Matinding dasal. Hahahaha panalangin mo na kahit papano may isa o dalawa kang kakampe na may utak. Luge ka parin kung kung puro pagkain 4 na kakampi.

Konti lang yan kaya sana kahit papano makatulong. At kung galit ka sa kakampe mo isigaw mo lang. Para magalit din sayo katabi mo hahaha.

Kayo? May mga tips ba kayo na gusto ishare? láρág lang.
 
tips base on my experience😂
: kung pang late game mga hero niyo or alam niyong di kaya lumaban ng 5v5 sa early game or 1v1 please wag na labanan kahit sabihan ka pa na natatakot ka bawian mo pag mataba ka na

: iwas chat muna sa game or pag ni trashtalk ka wag mo na patulan dahil nakakagulo lang yan sa laro or I mute mo basta focus sa game
 
tips base on my experience😂
: kung pang late game mga hero niyo or alam niyong di kaya lumaban ng 5v5 sa early game or 1v1 please wag na labanan kahit sabihan ka pa na natatakot ka bawian mo pag mataba ka na

: iwas chat muna sa game or pag ni trashtalk ka wag mo na patulan dahil nakakagulo lang yan sa laro or I mute mo basta focus sa game
hahaha true. May iba bilis mag tampo. Nasabihan lang ng konti mag sosolo na kung saan saan at habang buhay mag fafarm.
 
Item tips po? Dito ako mahinaa

Mag laan ng space para sa defensive items (depende sa kalaban). Example kung may Lesley na sobrang kati ng crit. Build ka ng twilight armor kung tank ka kasi ikaw sasalo lahat so dapat di ka ma burst o mapatay agad.
Ang item selection ay sobrang importante. Kaya kung may main hero ka. Payo ko manood ka ng mga laban ng pro. Items emblem and spell is a must. So dapat i maximize mo yung items.
 
Yes importante din yung item build mo, dapat murunong ka mag counter build
madalas talaga ayaw magcounter item ng kasama mo, stick lng sa build nla,
1 time may kalaban kami puro lifesteal at shield ni isa wlang nag adjust ng item nila kaya na pilitan ako mag necklace of durance kahit Tigreal ako, kahit kunting sacrifice sa item mo, panalo naman yung output
 
Yes importante din yung item build mo, dapat murunong ka mag counter build
madalas talaga ayaw magcounter item ng kasama mo, stick lng sa build nla,
1 time may kalaban kami puro lifesteal at shield ni isa wlang nag adjust ng item nila kaya na pilitan ako mag necklace of durance kahit Tigreal ako, kahit kunting sacrifice sa item mo, panalo naman yung output
Kargo dapat ng mage ang necklace kung kinakailangan Hahaha. Yung iba asa sa recommend. Badtrip din kakampi na ganyan lods. Pag nag simula na ang laro di na pwedeng baguhin ang spell at emblem. Kaya yung iba akala nila talo na agad simula palang. Di nila alam items ang magpapalakas sa hero kahit wala sa meta.
 
Item tips po? Dito ako mahinaa
Paps about item,dapat pamilyar ka muna sa mga yan,nasa diskarte rin kasi ng item yan eh,sakin lagi nalang ako nag aajust sa gamit, kung alam kong paper ako, uunahin ko immortality item,yan pinaka importante, support amd tank kc ang play ko at yang 2 yan lang max emblem ko
 
Matinding dasal talaga pinaka-mabisa dyan. Haha. Kahit gano ka kase talaga ka-galing or nag-adjust ka na sa lahat, pag may panira na kahit isa lang, bibigat yung laban. Hehe
 
tama lahat.. iwas sa pagiging aggressive.. yung kampi na naliligayahan sa pagpush sa tower, wala na sa mapa mga kalaban di man lang makaramdam haha.. madalas ganyan kampe ko.. ewan ko kung ako lang may mini map lol.. sa counter naman, pag pick ng kalaban aldous, lagi ko pick si gord tapos lane ko aldous.. lagi nababaog pag tapat ko aldous, umuuwi lagi, early game palang patay na sya pag naka level 4 na ko.. para sakin effective talaga gord panapat kay aldous.. bawas bawas lang ng buhay, di yun makakastack hanggang mabaog na lol
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top