What's new

Tutorial Tips Paano magka Boyfriend

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,936
Solutions
6
Reaction
66,357
Points
16,621
Marami rin sa ating kababaihan ang naghahangad na magka-boyfriend at makita na ang lalakeng makakasama nila sa habambuhay. Hindi naman imposible na makahanap ka ng magmamahal sayo,Naniniwala ka man sa tadhana ,Kailangan mo ring gumawa ng paraan paminsan.


Tip #1
Lumabas ng madalas

– Ang pagkukulong sa bahay o sa opisina ay hindi makakatulong para mahanap mo ang iyong magiging boyfriend. Maging palakaibigan,Kung ikaw ay nagtatrabaho, matutong makihalubilo sa mga kaopisina lalo na sa mga lalake. Malay mo isa sa kanila ay may crush sayo at naghihintay lang na lapitan mo para masabi nya ang kanyang nararamdaman.Wala namang masama kung maniniwala sa sabi-sabing darating din si Mr. Right para sayo nang wala kang ginagawa kundi maghintay pero 50/50 kasi chances nyan. Minsan ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan upang magkatagpo ang inyong landas.


Tip #2
Baguhin ang nakasanayan

– Makakatulong na mahanap mo ang iyong magiging boyfriend kung ang nakasanayang gawin sa araw-araw ay baguhin. Maaaring pumunta sa ibang lugar o magbakasyon sa lugar na never mo pa napuntahan kasama ang mga kaibigan sa araw na walang kayong trabaho. Makakatulong din na mag sign up sa isang malapit na gym sa inyong lugar at duon ituloy ang pag-eexercise kaysa gawin ito ng mag-isa sa loob ng inyong bahay. Sa ganitong paraan posibleng makakilala ka ng bagong kaibigan na maaaring maging kasintahan kapag nagkapalagayan kayo ng loob.


Tip #3
Alamin kung ano ang hinahanap mo sa isang relasyon

– Ang pakikipagrelasyon ay ganun ka dali. Maraming relasyon ang hindi tumatagal dahil lamang sa hindi alam kung ano ang pinasok nila. Oo nga’t walang perpektong boyfriend, na andun na lahat ng hanap mo, pero for sure meron isa o dalawa sa katangiang hanap mo sa isang lalake ang nagtataglay nito. Hindi sya perpekto pero kung kayo ang magkakatuluyan posibleng maging perpekto ang lahat para sa inyo.

Tip #4
Isa-puso ang pagiging Girl Scout

– Yes, dapat lage kang handa. Hindi mo alam kung kailan darating ang pagpapatibok ng puso mo. Malay mo isang araw kaharap mo na sya. Kaya mas mabuting panatilihing maaayos at kaaya-aya ang pananamit at hitsura sa loob o labas man ng iyong bahay.



Tip #5
Gawing aral ang mga nakaraan at huwag nang bitbitin pa sa kasalukuyan

– Maaaring may mga nakarelasyon kang hindi naging maganda ang resulta, gawin lamang aral ang mga pangyayari sa inyong nakaraan at huwag nang masyado pa itong damdamin, upang maging mas madali para sa iyo ang makahanap ng bagong karelasyon at hindi na maging pabigat pa ang dinadamdam mong nakaraang relasyon.




P.S
Ang paghahanap ng boyfriend ay hindi madalian. Minsan kailangan mo rin ng kaunting tyaga at pasensya. Pero sa tamang oras at lugar, sigurado makikita mo rin sya.




-ctto-
 

Similar threads

Back
Top