What's new

Closed Tips naman kung pano Umangat

Status
Not open for further replies.
Para sa rotation, try watching streamers, especially Ako si Dogie, may tutorial sa different types of rotation.
 
isipin mo lineup nyo kung ano magandang hero itand sa mga kasama mo. hindi uso makipagpatigasan sa random teammates, kung need nila ng tank, edi mag tank. kung d marunong mag tank edi manuod ng tutorials sa yt. eto mga easy tank nakayang kaya ka ipaangat sa mythic.
akai
franco
khufra
grock
hylos

pansinin nyo kasi lagi ung banning ng both teams.
binaban nila lagi mga assassin na unang unang pumupunit sa mm at mage nyo.

kapag ganon nagiging open mga op hero dati na di nababanned ngaun.

isip isip din pag may time, na oo nga no.. op esme dati. op harith, op haya, op lance, ang daming op hero na másáráp gamitin pang rank up. literal na ang daming na oopen.

sadyang takot kasi kau sumubok ng ibang hero lalo na tank . kasi tumatatak agad sa inyo na kapag tank ikaw laging dapat mamatay. maling mali nasa utak nyo. uso flicker mga sir kung d na kaya ung sakit ng dmg mula sa kalaban. d nyo need na mamatay agad agad. mang micro din kasi kau ng kalaban, hindi ung kau ung nadadala sa pang mamicro nila sa inyo.

utakan kasi ang larong ml. pasensya at diskarte kelangan nyo para manalo.

wag puro mm lang ang alam. hahaha aral aral din ng ibang hero. yan ang payo ko sa inyo.

sa custom mag aral ng ibang hero hindi sa classic at hindi rin sa rank, sa custom mag aral. don nyo pag aralan ung skill combo, tricks, diskarte sa pag in at out sa clash kunwari, at item build.

gumugol kana ng oras sa larong yan edi pag aralan nyo mechanics ng laro. hindi basta laro lang tapos ngangawa na kesyo **** kakampi talo na, puro mm kakampi, canserin ko na rin. hahaha buset na mindset yan. di kau gagaling sa kaka troll nyo. tapos after ng laro puro trashtalk gagawin hahaha useless at pointless lang yan.
Puso mo lods! Easy lang alam kong nakaka highblood mga kanser.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top