Tips for A Healthier Relationship

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,263
Solutions
6
Reaction
36,949
Ang pagkawala ng mga katangiang ito sa isang relasyon ay katumbas din ng pagkawala ng pagmamahal na napakaimportante sa bawat pagsasama.

📌 Trust
Ang pagkakaroon ng tiwala ang isa sa pinaka mahalagang katangian ng isang magandang relasyon, Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon na bubuo sa isang pagmamahalan.Ang pagkawala rin ng tiwala sa iyong partner ay magiging dahilan sayo upang kwestyunin ang iyong kasiguraduhan sa pagsasama. Dito ay madalas kang maghihinala na kinalaunan ay mag-uugat ng isang problema na makakasakit sa iyo at sa iyong partner.


📌 Communication
Walang relasyon ang perpekto. Lahat ay dadaan sa pagsubok o makakaranas ng conflicts na dapat harapin ng magkarelasyon ng magkasama at para masolusyonan at maharap ng maayos ang mga conflicts na ito ay kailangan ng komunikasyon. Sa pamamagitan nito ay masasabi mo sa iyong partner ang iyong opinyon o nararamdaman at maitatama ang anumang pagkakamali sa inyong relasyon.Ang pagkakaroon rin ng consistent at honest communication sa iyong partner ay mas magpapatibay ng inyong pagsasama dahil sa ganitong paraan ay naipapakita mo ang pagmamahal sa kaniya at mas tumitibay ang inyong tiwala sa isa’t-isa.

📌 Patience
Mahirap manatiling pasensyoso o pasensyosa lalo na kung ikaw ay pagod, puyat at maraming kinakaharap na problema. Ngunit para mapatagal ang isang relasyon ay kailangan mong mas habaan ang iyong pasensya sa iyong partner at sa inyong pagsasama. Dahil ang pagkawala ng pasensya may lead to conflict na maaring mag-ugat sa mas maalim na problema.

📌. Empathy
Ang pagpapakita ng empathy o pakikibahagi sa lahat ng pinagdaraanan ng iyong karelasyon ay isa ring engredient sa pagsasama. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng empathy ay napaparamdam mo ang iyong pag-aala at pagmamahal sa iyong partner.
ng pakikinig din o paglalagay sa sarili mo sa posisyon ng iyong partner ay isang mabisang paraan upang iyong maintindihan ang kaniyang nararamdaman.In this way mababawasan ang inyong hindi pagkakaintindihan at mapipigilan ang pagkabuo ng mga conflicts sa inyong relasyon.

📌Affection and Interest
Ang pagpapakita ng iyong affection o interest sa iyong karelasyon ay mahalaga rin upang mas lalong tumibay ang inyong pagsasama. Ika nga "action speaks louder than words."Kaya ang mga simple physical gestures gaya ng yakap, paghalik at comforting touch ay isang magandang paraan para maparamdam sa iyong partner ang iyong pagmamahal. Sa ganitong paraan rin ay naipapakita mo na secure at comforted ang partner mo sa relasyon ninyo.

📌Flexibility
Ang isang magandang relasyon ay dapat may mutual understanding o give and take relationship. Hindi dapat isa lang ang palaging nag-aadjust o nagigive way para sa pagsasama. Dapat ay parehong flexible sa mga pagbabago ang magkapartner upang mabalanse nila ang isang relasyon. Dahil ang isang magkapartner ay dapat willing mag-meet sa iisang path ng magkasama para matulungan at maalalayan ang isa’t-isa.

📌. Appreciation
Dapat din ay nagpapakita ka ng appreciation sa iyong partner. Ang pagsasabi ng simpleng salita na “thank you” ay isang malaking bagay na para maipakita ang iyong gratitute o pasasalamat sa kaniya. Ito rin ay nagpapakita na masaya ka at kontento sa inyong relasyon.

📌Room for Growth
Hindi dapat makaramdam ng pagkastuck sa pagsasama. You both need to be open sa mga pagbabago na susubok at mas magpapatibay sa kanilang relasyon. Ang mga pagbabago rin na ito ay isang magandang paraan upang kayo ay parehong matuto at mas mag-improve sa inyong relasyon at sa sarili mo

📌Respect
Sa pakikipag-usap ng partner dapat ay iwasan mong maliitin o hamakin ang kaniyang pagkatao o di kaya naman ay ang pagsasabi ng mga salitang makakasakit sa kaniya.You need to appreciate kung sino siya at tanggapin ang maliliit na pagkakamali niya. Dapat din ay i-respeto niyo ang oras at opinyon ng isa’t-isa. Kahit kayo ay magkarelasyon dapat ay mayroon parin kayong privacy at respeto sa space ng bawat isa.

📌 Reciprocity
Ang reciprocity naman ay tumutukoy din sa mutual benefits o mutual understanding ng isang magkarelasyon, Dapat ay pareho kayo nagbibigay at tumatangap ,there should be equilibrium or balance sa pagpaparamdam niyo sa isa’t-isa ng inyong pagmamahal. Mapaphysical o emotional na aspeto man ito, importante na maiparamdam ng magkarelasyon ang reciprocity sa kanilang pagsasama.


📌 Healthy Conflict Resolution
Dapat may healthy way ng pagsosolve ng problema. Ito ay ang agad na pagbibigay pansin dito sa pamamagitan ng pag-uusap sa kung ano ba ang naging mali at ang dapat baguhin. Hindi dapat itinatago ang mga problema upang masabi lang na perfect ang isang relasyon.

📌Individuality/Boundaries
Mas nagiging matibay kung mayroon kayong similarities ng iyong partner. Ngunit ang mga individual differences ay dapat ding respetuhin at pahalagan.Bagamat nasa loob kayo ng isang relasyon, dapat parin na magkaroon ng freedom ang isa’t-isa na gawin ang mga bagay na gusto nila para sa self-satisfaction at achievement gaya ng pagpili ng kaibigan, profession at ng iba pa. Ang importante ay lagi kang nakasuporta at handang respetuhin ang individuality at boundaries ng bawat isa.


📌 Openness at Honesty
May iba’t-ibang level ng openness sa isa’t-isa. Ang iba ay komportableng maligo ng bukas ang pintuan ng banyo habang nandyan ang partner nila. Ang iba naman ay hindi nahihiyang makipag-usap ng intimate details o wild dreams sa partner nila, Magkaano pa man ang pagpapakita ng openness sa iyong partner ay isang paraan rin ng pagpapakita mo ng honesty sa iyong nararamdaman at sa inyong relasyon.



excerpt and paraphrase from: the asianparent
 

kokoula

Elite
1638848248103.jpg
 

Attachments

Shinohata

Established
Communication is the key talaga para healthy ang rs, kapag wala sa mood pwede naman magsabi to give personal space and paggalit kelangan din sabihin para magkaintindihan kayo kesa manghula partner nyo HAHAHAHA pero syempre hanap jowa muna XD
 
Top