What's new

Tipid-tipid Muna Guys

[XX='HAARP MACHINE, c: 1291378, m: 1518472'][/XX] Beshy, iniisip ko anong reaction mo habang nagta-type nito. Hahahaha. Nakangiti ka ba? Or seryoso lang? Hahahahahaha
 
[XX='HAARP MACHINE, c: 1291378, m: 1518472'][/XX] sarap maligo sa ulan lalo na pag sa kabukiran, yung tipong pag uwi mo may mga kangkong at kuhol na sa bulsa mo
 
nakaka miss nga lang talaga kasi yung mga panahong takdang aralin lang ang iniisip ahahahaha!!
 
[XX='ICE Coffee, c: 1291387, m: 1620315'][/XX] hahahha oo sarap maglaro sa bukid, tapos ung mga kalabaw naliligo din, tapos maya maya lalaro na kayo ghost fighter, tapos syempre susuntok suntukin knananaman, RAY GUN!!! pero yung ray gun na yun itutusok sa katawan mo, sa may malalim na part ng bukid tapos naipon mga tubig dun ka ihahagis , tapos ung pupu ng kalabaw ihahampas sayo.
 
[XX='HAARP MACHINE, c: 1291400, m: 1518472'][/XX] ahahahahaha!! naimagine ko tong mga to ahahahaha!! mas masaya pag habang naliligo aakyat sa puno ng mangga saka kukuha ng bunga at sabay kain na din sa itaas ng puno habang ulan,
 
[XX='ICE Coffee, c: 1291405, m: 1620315'][/XX] uu puno ng sampalok, mangga, santol, buko, kawayan, tapos pag nakaupo ka sa sanga itutulak tulak ka tapos pag nalaglag ka tatawanan ka pa, tapos habang nasa baba ka ng puno iihian ka ng mga kalaro mo tapos hanggang ayaw mo na umakyat kahit nasayo ung sawsawayan ng mangga (asin + sili + betsin) haays pag uwi mo sasabihin sayo, bakit ang panghi-panghi mo susmaryosep ka talagang bata ka!!! manang mana ka sa tatay mo !!!! tapos hahampasin ka walis saka timba
 
[XX='HAARP MACHINE, c: 1291418, m: 1518472'][/XX] grabe naman sa ihian paps ahahahaha!! pero yang mga puno ng prutas talaga na yan ang meron sa panahon ng tagulan, lalo na yung bamboo shoot paborito kong ulam yan pag tagulan,
 
[XX='ICE Coffee, c: 1291429, m: 1620315'][/XX] panu luto nyo ?? kami minsan adobo, tapos minsan hahaluan din ng pork, tapos bagoong lang ulam namin saka itlog pag gabi habang umuulan tapos ung talbos ng sampalok saka malunggay sinasabawan lang namin. tapos magdadabog na mga kapatid ko kasi ako paghuhugasin nila ng pinagkainan namin
 

Similar threads

Back
Top