What's new

Tipid but Sweet Date tips ngayong Valentine

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,951
Solutions
6
Reaction
66,398
Points
16,631
Mahal ang magmahal ngayon,
malaking kaibahan sa panahin nuon.Dati namimitas lang ng bulaklak sa tabi² para lang suyuin ang iniirog samantalang ngayon naglalakihang bouquet at lobo ang kadalasang regalo .Kung hindi gabyan ang style mo malamang simple celebrations lang ang trip mo.Narito ang ilang cheap date ideas para sa araw ng mga puso.
Hindi kailangan mahal ang magmahal. Ito ang walong praktikal pero special ways para ipagdiwang ang Valentine.


📌Netflix and chill
Dahil sweldo, less hassle sa traffic ang pamamamalagi na lang sa loob ng bahay habang nanoood ng movies or tv series.Mas másáráp magrelax sa bahay at isama ang alaga nyong aso o pusa.Bagay na bagay itong gawin while munching on your favorite snacks. Maybe pwede ninyong panoorin ang classic romantic movies to complement with the occasion.Kaya kahit abutin pa kayo ng magdamag ay ayos lang kasi nasa bahay lang naman kayo


📌 Museum tour(dependi sa lugar at protocols nila baka bawal pa)
If you want to spend the day reminiscing the past o magpaka-artsy pwedeng mamasyal sa mga museo.
May ibang museums naman na mayroong bayad pero kayang kaya ng bulsa (do your research na lang kung anong malapit sa inyo).


📌 Valentine concert(if available since humigpit ulit protocols)
Maki-sing along with local artists na magpe-perform ng sweet love songs for couples out there.
Swak na swak ito to those who are into music. Be it bands or solo singers ay magiging special ang moment kapag kasama ang minamahal habang nakikinig sa kanila.
There are free shows sa mga malls at meron ding may bayad sa mga restaurants, bars at theaters pero hindi ganoon kamahal. With less than a thousand, may music date na kayo.


.📌Home-cooked dinner
Kung gusto mo naman nang extra effort, bakit hindi ipagluto si special someone?
Sure na sure na mata-touch siya sa gagawin mo lalo kung paborito niya ang ihahain mo.
Don’t worry kung di kagalingan magluto, anywhere (cookbooks or online videos) ay may mahahanap kang way para maisakatuparan ito.And to make it even sweeter kagaya ng napapanood mo sa pelikula, maglagay ng candle light sa center table at rose petals with matching background instrumental music gamit ang audio speakers sa bahay.


📌 Stargazing & walk with nature
For those couples who love the stars and the universe, pasok ito sa bucket list niyong magjowa.
Kung may garden sa bahay o terrace, pwedeng maglatag ng banig at doon humiga habang pinagmamasdan ang kalawakan.At day time naman pwefing pumunta sa mga perfect nature spot kung saan may marerelax kayo habang nakatanaw sa kawalan,perfect ambiance at natural ng dating,Nakakainlove pa talaga ang natures view lalo kapag kasama ang" the one "mo.Chance na rin ito to disconnect from the internet at mag-usap kayo, from light to deep talks ay pwedeng pwede. Mag-throwback kung paano kayo nagsimula and how you made things work despite each other’s differences papunta sa pagpaplano ng inyong future.


📌Walk in the park
Sounds cliche and baduy, pero one of the books ang simpleng paglalakad lang o pamamasyal sa park.
Most common na ang Luneta for love birds pero mayroon pang ibang places where you both can breathe some fresh air habang kumakain ng dirty ice cream or fish balls. Try this one para maiba naman sa usual malling or kain sa mamahaling restaurants


📌Videoke bonding
Mahilig kumanta pero siguradong mago-gong kung sasali sa Tawag ng Tanghalan? Walang problema.
Mas enjoy to gawin lalo pa't unli birit to sawa.
Kahit pa gaano kapangit ang boses ni baby ay tiyak na tanggap mo siya. ‘Di ba nga kapag mahal mo, tanggap mo kahit sintunado
Basta masayang bonding ang videoke para na rin mailabas ang stress sa katawan. Haranahin si jowa with his or her favorite song at sabayan na rin ng kahit two bottles of beer para mas masaya ang pagdiriwang.


📌Food trip
Patok na patok sa social media ang posts na “kasama kang tumaba.” This pertains sa mga magjowang mahilig kumain as form of their usual bonding.Pasok sa date suggestion na ito ang kahit anong trip niyong kainin. Malaki na ang 500 pesos para mabusog kayo kagaya na lang ng in na in ngayon na samgyeupsal worth as low as 299 with unlimited serving.


wala pa ring tatalo kung solo nyo ang isa't isa,yung feeling na walang iba kundi kayong dalawa lang sa mundo.ayeeee😄
Goodluck sa may jowa ❤️







excerpt & paraphrase from:seventeen/ anchorfun
 
ok enjoy sa mga may kadate diyan habang ako sasabayan ko kayo araw ng mga patay sa akin, patay ang puso🪦 pero gusto ko yung stargazing & walk with nature kaya tara habol pa baka naman meron diyan
maganda nga yang Stargazing & walk with nature 😄 (nasubukan na namin yan noon ka-isa sa maginaw na lugar heheh). salamat po sa tips TS 😁
wow! nice tip ma'm.. Gusto ko jan yung museum tour at food trip ! hahah!
kaso pandemic.. kaya sa bahay bahay nalang muna at dun kumain ng madami! ! Yey ! 🤣
mga napili nyo bet ko din yan hehe,mas nakakaenjoy talaga
 
Wag mo maliitin ang banana cue ha hindi naman kelangan ng mamahaling chocolates para masabi kang sweet sa isang taong minamahal, pwedenl ring tipid ang isang kilong asukal nga sapat na pang mixture sa kape twing umaga 🤣
naku nalang 😆 ang tamis naman ng isang kilo na yan hahaha,umayos ka nga ,diabetes kalalabasan nyan eh,kurutin kita dyan hahaha,tapos yung kape kapag 3in1 di na bale walang asukal haha sobrang tamis na kaya nuon 🤣
 
naku nalang 😆 ang tamis naman ng isang kilo na yan hahaha,umayos ka nga ,diabetes kalalabasan nyan eh,kurutin kita dyan hahaha,tapos yung kape kapag 3in1 di na bale walang asukal haha sobrang tamis na kaya nuon 🤣
During pandemic dapat hindi mareklamo ang mga babae ngayon magpasalamat pa nga sila eh at binigyan sa valentines, lahat ng mga sinabi ko joke lang yun ang totoo nyan mag eeffort ako kung sakali support local brand chocolate yan ha. 🤣
images (1).jpeg
 

Attachments

During pandemic dapat hindi mareklamo ang mga babae ngayon magpasalamat pa nga sila eh at binigyan sa valentines, lahat ng mga sinabi ko joke lang yun ang totoo nyan mag eeffort ako kung sakali support local brand chocolate yan ha. 🤣
View attachment 1799817
uy sarap kaya nyan,lalo na pag marami😄 ,name pa lang mukhang ang tamis na kaya haha

syimpre naman its always the thought that counts pa din eh.😆
 
Back
Top