What's new

The Worst Advice

Kaplok Kaplok

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
2,986
Reaction
1,289
Points
1,005
Minsan ka na ba nasaktan at nabigo sa buhay pag-ibig, pagkatapos umiyak ka sa kaibigan mo at ang sabi,

"Sabi sayo wag mo ibigay lahat, eh.. magtira ka din para sa sarili mo.."

Napaka-cliche na advice at tila ba parang tama marinig sa oras na enotionally distressed ka, pero isa ito si pinaka walang kwentang advice.

1- napakadali nitong sabihin, pero in practice.. ano nga ba mismo ang dapat mo gawin? Meron nga bang malinaw na boundary para masabing binigay mo ang lahat.. saka yung "nagtira para sa sarili"? Ibibigay mo katawan mo pero hindi ang emosyon? Or vice versa.. emosyon pero walang katawan? Hanggang saan ang effort na ibibigay? Mag eeffort k nga ba at all?

2- kung meron kang sagot doon sa huling tanong.. malamang it is calling for emotional absence sa relationship. Eh, bakit ka ba nakipagrelasyon? Hindi ba't malaking rason dito ang desire for emotional comfort and stability? At para makamit mo un, you have to risk being hurt. You have to entrust someone else with your weakpoints dahil yun ang nagpaparamdam satin ng accepted tayo.

3- it is outright wrong in the lens of emotional maturity or even logically. Imagine nung bata ka at nag aaral ka palang mag bisikleta. Noong una mong iangat ang paa mo para makabalanse ng walang tukod. Tapos natumba ka.. then ang sabi nung nagtuturo sayo magbisikleta ay "sabi ko sayo wag mo i-angat ang paa mo, eh..", is that a sensible advice at all?

Sabi nga ni Jordan Peterson sa aklat nyang 12 Rules for Life:

Rule #2 Treat yourself like a child you’re responsible for.

Of course madami sa atin ang mag-iisip na i-spoil mo ang sarili at umiwas na masaktan sa una, gaya ng pag aalaga ng bata. Pero in reality, gugustuhin mo din matuto itong bata na ito ng mga tipikal na mga challenge sa buhay, lalo pag wala ka na sa mundo, kung responsable kang guardian. Hindi mo sila itatago lang sa loob ng bahay.. hahayaan mo sila makaranas na madapa, masaktan, magkamali at madismaya at sa katuwang nito, ituro sakanila kung paano magamay ang ganitong emosyon.

Ganoon lang din pag nasaktan ka sa buhay pag-ibig. Hindi ka magmamature dyan kung iiwas ka nlng palagi masaktan. Love is not a passive emotion that you "feel". It is more like a skill similar to art where practice is required to get good at it, and during practice you might experience failures and disappointments.
 
Yung nag-aadvice, well, yung mismong nasaktan pa rin magdidisisyon. Responsibilidad niya iyon sa kanyang self. Taga bigay lang naman ng opinion ang nag aadvice na parang serve as a guide, yung nasaktan pa rin ang magdidisisyon dahil siguro naman noh? Yung nag-aadvice ay hindi naman diktatoryan na parang Adolf Hitler 🙄
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top