What's new

The ultimate Sharonian hakot awards.

Nohaj

Honorary Poster
Joined
Jan 18, 2018
Posts
601
Reaction
235
Points
228
Age
36
SHARONIAN NA PINSAN

#PayongKapeso

Hi please hide my identiy. Nag birthday anak ko last time so nagpabook ako ng party. Nagpakain ako sa sikat na fast food kasi birthday ng anak ko.. 80 pax lang pinayagan due to capacity ng room and max pax na din nila yun..di naman kadamihan ang dumating.. pero may isa kong kamag anak na hate na hate iinvite ng lahat kase nga hakot award ang peg nya. at pinakiusapan ko lang din sya sa partner ko kasi ayaw ng partner ko gawain nya talaga.

Kasi nga sa hiya ko na may masabi sya saakin kumain na at di lahat may take out bonga pa... pati mga paloot bags ng bata talagang nilagay nya sa bag nya eh super bilang ko lang mga bata na inaasahan ko and andami ko pasobra and yung iba nga d pa nakarating so madami dami tira pero walang natira at naubusan pa ang ibang bata.. tapos sya ang tnuturo ng lahat na nilagay daw nya sa bag..

Ayaw ko sana iinvite kaso lahat ng kamag anak ko invited iisipin nya masama ugali ko kapag lahat invited sya lang hindi. jusko mga mhie hindi ito 1st time... 1st bday anak sa sikat na fast food din so nagpagawa ako cake and cupcake ang rules nga lang sa mga fast food na iyon ay pwede ka magdala ng hindi nila product pero bawal i consume sa loob ng party room umiiwas kasi sa food poisoning so for picture picture lang ang peg ng mga cakes cupcakes and donut wall kasi nga hindi nila product yun.. .

So eto na nga after the party inutusan ko ang mga crews na ilagay na ulit sa box ang mga cupcake hndi sa nagdadamot kasi I asked them to come sa bahay para makatikim ng cake na pinagawa ko and cupcakes, gulat ako mga mhie sabi ng crew wala na daw yung cupcake nilagay na daw sa bag ng pinsan ko nayun lahat 😔😔
para sana yun sa mga tao sa bahay at sa nag sponsor sa anak ko ng pampagawa ng cake makatikim man lang and pwede naman si pinsan kumuha kasi inaaya ko nga sya sa bahay after the party talagang wala na 🥺

Nasa bahay na kami then mejo inis padin ako pero hinayaan ko nlang kasi pagkain lang yun.. sa bahay may ulo ng lechon mga mhie so yung iba pakurot kurol lang since mga bundat na sila galing fast food.. etong pinsan ko na babae talagang grabe kumuha ulit ng plastic na malaki nilagay nya yung buong ulo ng lechon 😵😵😵 nahiya ako sa ibang bisita kasi pnpulutan din nila..

So itong last birthday ng anak ko ginawa nya ulit .. patake out daw sya for 5pax kasi bibigyan nya daw anak kapatid lola at asawa nya saka para may kainin daw sta pauwi. ... knowing ilan na sila pmunta doon kahit yung iba sinama nya lang at diko kakilala at hakot award din mga kasama nya ni isa nga sakanila wala dala regalo. ( i am not expecting anything from them kasi nga kamag anak ko sya pero sobra ata ginawa nya).

My dilemma is pano ko ba sya kakausapin about sa ganyang gawain nya. ayaw ko sya mapahiya. mga ka peso, yung pinsan ko na babae na yun kilalang matakaw talaga at takot talaga sila iinvite dahil ganun nga ang gingawa at naghahakot ng buong baranggay kahit d kakilala ng nagpaparty or celebrant.

Eto pa, hindi ko alam kung naiinis na din ba kayo yung last party ng anak ko yung 3 donut wall na 9 pcs malalagay mo kada wall.. kinuha nya lahat ng donut🥺🥺 para lang din po yun sa mga bata alam ko murahin lang yung donut na yun pero hindi ko naman pnrepare na para lang saknya and pagdatung nya sa aprty natuwa pa ako kasi maliit lang bag nya cp lang kasya. aguuy pag uwi andami dala may eco bag at plastics pala sya... aaahaaaays.

Sana help nyo ko paano ko sisimulan ang pakikipag usap ko saknya and tama ba na kausapin ko sya about don kasi tapos na or hayaan ko nalang ?😵😵😵

Gustong gusto ko na sya imessage kasi parang wala lang saknya and npapahiya ako palagi sa ibang mga bisita everytime gngawa nya and alam na kamag anak ko sya. 😔

Thank you mga kapeso. Kahit ibash nyo ko kasi nasasamaan kayo sa ugali ko tatangapin ko po wag lang po masyadong masakit.

Ctto: Cfo peso sense FB
 

Similar threads

Back
Top