What's new

Closed " The Inmate "

Status
Not open for further replies.

HELLVEN

Forum Guru
Joined
May 5, 2017
Posts
3,813
Reaction
2,209
Points
1,099
images (1).jpeg
Mag-aanim na buwan nang naka kulong si Nathan, dahil sa kasong shoplifting. mabuti nalang at nagiisa siya sa kaniyang selda kaya siya naka tagal ng ganoon.

Ngunit isang araw --
Nagulat siya ng biglang may ipinasok na lalake sa kaniyang selda.

Malaking lalake ito,
Maskulado, pero gulo-gulo ang mahabang buhok at balbas sarado.

images (3).jpeg
Ini-upo ito ng tatlong pulis sa harap ng kama ni Nathan, habang naka posas pa ang kanyang mga kamay.


ilang minuto ang lumipas na katahimikan ng mag-angat ng mukha ang lalake at nagtanong kay Nathan.

LALAKE : Brod anong kaso mo?

NATHAN : shoplifting
(pabulong ngunit saktong nadidinig naman ng kausap ang isinagot ni nathan)

LALAKE : shoplifting??? naku Congrats kosa! wahahaha!
( sagot ng lalake sabay tawa ng malakas habang iiling-iling)

NATHAN : eh ikaw, anong kaso mo?
( yamot na sabi ni Nathan, dahil nainsulto siya sa lalakeng kausap niya na ngayon palang niya nakikilala )

LALAKE : kaso ko? MASSACRE .
( napatingin ito kay Nathan at tumawa nanaman ng malakas sapagkat nakita niyang napanganga si Nathan nang sagutin niya ang tanong nito )

Tila wala itong balak tumigil sa pang-aasar kay Nathan.

LALAKE : ehe !.. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman ako pumapatay basta-basta nalamang at saka walang dahilan.
( dugtong pa nito )

LALAKE : sa totoo lang, talagang nung ginagawa ko yun eh may katwiran yung pagpatay ko. Kaya naninindigan talaga ko na may katwiran kung bakit ako nakapatay ng limang tao.
( aniya pa )

NATHAN : haaa? Limang tao? :eek:
bakit kapa nakakapag salita ng ganyan?
Walang makatwirang dahilan... na pumatay ng kahit sino o kahit ilang kapwa mo tao.
( sagot ni Nathan )

LALAKE : Uhmmmm maaay punto ka....pero,,,
Yun na talaga ehhh.....
May anak kaba?
( biglang seryosong tanong ng lalake )

NATHAN : wala pa eh, halos kaka.kasal ko palamang nung makulong ako dito.
( sagot ni nathan )

LALAKE : eh bakit teka nga,,
Ano ba kasing shinoplift mo??

NATHAN : ano eh... con.dom 😔
(pabulong na sagot ni Nathan na halatang nahihiya)

Pero bago pa siya insultohin ng lalake ay inunahan na niya ito..

NATHAN : Eh kasi, sabi nung asawa ko nung Honeymoon namin...ayaw pa daw niyang mabuntis. Kaya yun , nakakahiya mang aminin pero totoo na nag shoplift ako ng con.dom....
Ewan ko, basta nakita ko nalang at kinuha ko. Tapos nahuli ako sa cctv.
(naghihintay si nathan na pagtawanan ng lalake pero nanatili itong seryoso)

NATHAN : pero matanong ko nga rin ikaw... Anong dahilan at anong katwiran mo, kung bakit ka nakapatay?

( at mabilis na tumugon ang lalake )
LALAKE : dahil sa anak ko....
Hindi kasi normal yung itsura ng anak ko eh. Ipinanganak siya na, walang isang mata. Wala siyang kilay, patulis yung tenga niyat ngipin. kaya yun lagi siyang tinutukso dun saamin na impakto at saka halimaw daw...


LALAKE : habang ipinagbubuntis kasi nung misis ko yung anak namin, gumagamit nang Droga yung misis kung yun. Kaya hayun! Naapektohan itsura niya.

LALAKE : kapag tinutukso o pinagtatawanan kasi yung anak ko, eh labis akung nasasaktan...

Kaya nung isang araw na mapadaan kami sa may tindahan habang naglalakad kami ng anak ko,,,
Nandun yung limang babae.

Nadidinig ko nalang na pinaguusapan nila yung anak ko at pinagtatawanan nila.
Dinig na dinig ko pa yung tinis ng hagikgik nung limang babae.

giphy.gif

LALAKE : Kaya hindi ako nakatiis, inilabas ko yung balisong ko... Biglang nagdilim ang paningin ko, talagang galit na galit ako!
At basta, basta wala ng sabi-sabi pinagsasaksak ko silang lima...
Pinagsasaksak ko sila sa leeg!!!
( biglang napahigpit ang hawak ng lalake sa hawak na unan nito na halata nga ang emosyon na dinadala )

Napayuko si Nathan na may halong takot at awa sa lalakeng kaharap. Ngunit para mawala ang init ng usapan nila, tinanong niya muli ito ng..

NATHAN : saan ka nga pala naka tira pare?

LALAKE : sa....Launion ako, ,sa sanfernando pare. Kakalipat lang namin dun nung isang buwan.

NATHAN : abah! Malapit lang samin iyon aah! Talaga ba?
Halos magkapit bahay lang pala tayo ehh.
Akalain mo nga naman, ang liit talaga ng mundo.
( tuwang tuwang sabi ni nathan)

Habang nagkukuwentohan ang dalawa ay bumalik ang tatlong pulis. Upang kunin ang lalakeng kapapasok lang sa selda ni Nathan.

PULIS : bossing , eh ililipat ka namin sa maximum security prison. Mabigat pala ang kasalanan mo eh.
(agad namang sumama ang lalake sa tatlong pulis)


Habang tumatayo ang lalake ay nagpaalam si Nathan.

NATHAN : hanggang sa muli pare.
(ngumiti lang ang lalake kay Nathan, at napadako ang kaniyang tingin sa pader na sinasandalan ni Nathan)

LALAKE : sino yan??
Yan ba yung misis mo??

NATHAN : ha,, Oo pare! Yan yung misis ko!
Mahal na mahal ko talaga itong misis ko na ito... Ang ganda niya noh??
( buong pagmamayabang ni Nathan)

Malungkot siyang tiningnan ng lalake bago ito hinila papalabas ng mga pulis..



Pero bago ito maka layo,
Narinig niya ang sinabi nito....

LALAKE : akalain mo nga naman,, ANG LIIT TALAGA NG MUNDO.


giphy.gif

" The inmate "
ni YSTAL MHAE TUDLA
nirebesa ni HELLVEN
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top