What's new

The Girl Who Doesn't Exist, I Think

todi

Honorary Poster
Joined
Oct 4, 2015
Posts
632
Reaction
177
Points
238
Age
28
Share ko lang to guys kasi napanaginipan ko na naman siya.

Dati kaming magkapitbahay at crush ko na siya dati nung bata pa kami. Di kami close kasi ang layo ng agwat ng aming estado sa buhay (anak kasi siya ng doctor). Lage ko syang nakikita pag bumibili ako dun sa tindahan na paborito namin bilhan dahil may nata de coco at may mga palabunutan dun. Minsan nga sinasadya ko dun bumili para lang makita siya.

Flores de mayo sa amin nun sa kapilya. Iba kasi flores de mayo sa amin kasi parang nag-aaral kami pero mga religion yung topic. May activity kami nun na naglalaro kami nung parang train² na nakapila kami habang hawak yung nasa likod yung braso nung nasa harap. Natimingan pa na ako yung nasa likod nya. Yun yung una at huling beses ko siyang nahawakan.

Pagkalipas ang ilang taon ay lumipat kami ng bahay. Medyo nakakalimutan ko na sya nun. Pero dumating yung isang araw (araw ng mga patay yun) nakasalubong ko siya sa may sementeryo habang palabas kami pagkatapos magsindi ng kandila dun sa namatay na kaibigan ni papa. Ang ganda pa din niya parang nung dati pa. Mga high school na ako nito.

Nung mga 2013 na, bigla ko na naman sya naalala. Sikat na ang FB nun at karamihan na may FB. Kaya naisipan ko siayng hanapin. Di ko alam pangalan nya pero yung apilyedo alam ko. Kaya hinanap ko pero yung nga nakita ko lang is yung mga kapatid at mama niya. Nag stalk din ako sa mga pictures pero di ko siya makita. Pati na din sa mga friends list at mga nagreact wala din. Napaisip ako bat kaya ganun. Parang di sya nag exist.

Mga 2014 or 2015 nun, nakita ko sya ulit nun sa may shoe store sa amin. Naka uniporme sya nun ng St Paul. Bigla ko napaisip na di pala siya isang guni guni. Nahihiya din ako sa kanya kaya di ko sya makausap at alam ko na di na din nya ako naaalala. Hinanap ko ulit sa FB pero ganun pa din di ko makita pictures nya dun sa mga kapamilya nya.

Naging kaklase ko yung isa nyang kapatid nung colleg. Ang malaking mali ko lang ay di ko kinaibigan. Ang tahimik kasi nun tapos parang ang hirap maging close. Pero paulit-ulit ko inistalk yung account nya pero di ko pa din makita yung girl.

Ngayon hinahanap ko pa din sya pero parang di sya nag eexist. Bigla ko lang sya naalala ngayon kasi napanaginipan ko. Share ko lang kasi naweweirduhan ako haha. Epekto siguro ito ng Mandella effect. O baka may naging problema sa family nila nun. Kasi yung tatay nila di ko din makita sa FB nung mga kapatid at nanay nila.
 
baka my 3rd ay ka ts at ikw lang talaga nakakakita😆✌️
yun na nga naiisip ko minsan haha

ang sad na ang basehan kung nag eexist ang isang tao ngayon ay kung may fb account ito
di naman sa ganun. may fb kasi yung family nya. kahit nga yung mga kapatid nya na special. pero sa mga pictures nila di ko sya makita.

Baka NPC lng si ate girl.. 🥶🤣
sana kinausap ko na dati yun. baka may quest ako sa kanya haha
 
Oo nga. Kaso kung side quest lang mawawala lang siya ulit?. 😅

May weird din ako experience. Ewan ko baka ung utak ko lang.

May ex ako dati, stepdaughter ng kapatid ng tatay ko.(ignore that detail, its irrelevant sa story, ok..)
Hindi kami nag tagal nun. 2 weeks lang. Ang wierd part is ung mukha nya, pag hindi ko siya nakikita, hindi ko sya kaya imaginine.
Diba ung mga kilala mo sa buhay pag inisip mo, kahit pangalan palang kaya mo mapicture sa isip mo ang mukha nila? Pero this ate girl, hindi ko tlga sya mapicture sa isip ko. Pag nakikita ko nmn siya alam ko na siya yun. Hanggang ngayon hindi ko maimagine ang mukha nya, unless makita ko picture nya.

Thinking back, naiisip ko kung anong klaseng conflict pinagdadaanan ko ngayon kung nakatuluyan ko siya. (Yup both dun sa detail earlier, at yung kung pano ung mukha nya)

Eto yata ung mga scenario na tinatawag nila na "glitch in the matrix"
 
Last edited:

Ako din, may mga kakilala talaga tayo na hindi natin kayang imaginin yung itsura, maliban nlng kung close friends natin sila
 
Kung katulad nyan sinasabi mo, natural yan. Iisipin mo na nakalimutan mo lang sya. Pero, dude, naging mag jowa kami. Kahit magkaharap kami ngayon lang, tpos pag talikod ko, nakalimutan ko na mukha nya. Sakanya lang nangyari yan sakin.
 
Oo nga. Kaso kung side quest lang mawawala lang siya ulit?. 😅

May weird din ako experience. Ewan ko baka ung utak ko lang.

May ex ako dati, stepdaughter ng kapatid ng tatay ko.(ignore that detail, its irrelevant sa story, ok..)
Hindi kami nag tagal nun. 2 weeks lang. Ang wierd part is ung mukha nya, pag hindi ko siya nakikita, hindi ko sya kaya imaginine.
Diba ung mga kilala mo sa buhay pag inisip mo, kahit pangalan palang kaya mo mapicture sa isip mo ang mukha nila? Pero this ate girl, hindi ko tlga sya mapicture sa isip ko. Pag nakikita ko nmn siya alam ko na siya yun. Hanggang ngayon hindi ko maimagine ang mukha nya, unless makita ko picture nya.

Thinking back, naiisip ko kung anong klaseng conflict pinagdadaanan ko ngayon kung nakatuluyan ko siya. (Yup both dun sa detail earlier, at yung kung pano ung mukha nya)

Eto yata ung mga scenario na tinatawag nila na "glitch in the matrix"
ganyan din ako dati dun sa nagustuhan kong babae nung high school. pero yung sayo naging mag jowa kayo tapos lage pa kayong nagkakasama nyan. ang weird nga.

Nag eexist sya torpe ka nga lang🤣✌️
Yun lang haha. Pinalagpas pa kasi eh. pero bata pa naman kasi ako masyado nun.
 
Oo nga. Kaso kung side quest lang mawawala lang siya ulit?. 😅

May weird din ako experience. Ewan ko baka ung utak ko lang.

May ex ako dati, stepdaughter ng kapatid ng tatay ko.(ignore that detail, its irrelevant sa story, ok..)
Hindi kami nag tagal nun. 2 weeks lang. Ang wierd part is ung mukha nya, pag hindi ko siya nakikita, hindi ko sya kaya imaginine.
Diba ung mga kilala mo sa buhay pag inisip mo, kahit pangalan palang kaya mo mapicture sa isip mo ang mukha nila? Pero this ate girl, hindi ko tlga sya mapicture sa isip ko. Pag nakikita ko nmn siya alam ko na siya yun. Hanggang ngayon hindi ko maimagine ang mukha nya, unless makita ko picture nya.

Thinking back, naiisip ko kung anong klaseng conflict pinagdadaanan ko ngayon kung nakatuluyan ko siya. (Yup both dun sa detail earlier, at yung kung pano ung mukha nya)

Eto yata ung mga scenario na tinatawag nila na "glitch in the matrix"
yung utak mo yung may glitch paps hindi si keanu reeves 😅

Meron din ako experience na ganyan kaso yung sa akin lugar naman. Meron kasi akong napapaginipang lugar na parang nasa Medieval Japanese or Chinese na lugar ako. Madami kasing kawayan sa gilid ng daan tsaka kulay brown yung kulay ng mga dahon na nahulog sa lupa (parang taglagas ata?). Tapos naalala ko parang nakatayo lang ako sa bato sa gilid ng daanan tapos bigla na lang mapuputol yung panaginip. Elementary pa ako nun hindi ko alam kung saang lugar yun kasi wala namang ganyan malapit sa amin. Hanggang ngayon di ko parin alam kung totoo ba yun o panaginip lang talaga, kasi parang nakapunta na ako dun pero parang hindi 😅
 
Parang deja vu.
Sabi ng mga psyche, nangyayari daw yan kasi ung nueral path na ginagamit ng utak mo, (combination ng neuron sa utak na nag fire), is same neural path na nagamit mo na sa something else sa memory mo.
Kumbaga parang vhs tape na binura tapos pinatungan ulit ng bagong memory.
Tpos ung process nmn daw ng panaginip, yan nmn yung nag re2organize ng mga pathway ung utak. Ung mga relevant na neural path pinapatibay by replaying.
Kaya para kang nanunuod ng movie na incoherent ung mga scene.
 
Oo nga. Kaso kung side quest lang mawawala lang siya ulit?. 😅

May weird din ako experience. Ewan ko baka ung utak ko lang.

May ex ako dati, stepdaughter ng kapatid ng tatay ko.(ignore that detail, its irrelevant sa story, ok..)
Hindi kami nag tagal nun. 2 weeks lang. Ang wierd part is ung mukha nya, pag hindi ko siya nakikita, hindi ko sya kaya imaginine.
Diba ung mga kilala mo sa buhay pag inisip mo, kahit pangalan palang kaya mo mapicture sa isip mo ang mukha nila? Pero this ate girl, hindi ko tlga sya mapicture sa isip ko. Pag nakikita ko nmn siya alam ko na siya yun. Hanggang ngayon hindi ko maimagine ang mukha nya, unless makita ko picture nya.

Thinking back, naiisip ko kung anong klaseng conflict pinagdadaanan ko ngayon kung nakatuluyan ko siya. (Yup both dun sa detail earlier, at yung kung pano ung mukha nya)

Eto yata ung mga scenario na tinatawag nila na "glitch in the matrix"
Meron pala ganyan..
 
Baka naman walang hilig sa facebook iyon noh? Grabe naman hahaha 😂 Porke walang facebook account o hindi siya nag exist on facebook , hindi na pala siya nag eexist. E ako dati , wala akong friendster account noon. Remember? Uso pa ang friendster. Namulat ako nang marami na nakiki-friendster. So kapag wala akong account , consider na pala na hindi ako nag eexist on friendster. Ngayon , sikat na kase ang facebook kaya bumagsak na ang friendster.
 
Similar threads

Back
Top