- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,537
- Reaction
- 7,195
- Points
- 2,914
NAGSIMULA ang mga tanong ni Susan tungkol sa Diyos sa edad na pito, nang ang kaniyang siyam-na-taóng-gulang na kaibigang si Al ay maospital dahil sa polio at ilagay sa loob ng isang iron lung. Isinulat niya ang kaniyang karanasan sa Enero 6, 2013, isyu ng The New York Times.
Matapos bisitahin si Al sa ospital, tinanong ni Susan ang nanay niya: “Bakit iyon ginawa ng Diyos sa isang munting bata?”
“Tiyak na sasabihin ng pari na may dahilan ang Diyos,” ang sagot ng nanay niya, “pero hindi ko alam kung ano iyon.”
Pagkalipas ng dalawang taon, noong 1954, inilabas ang bakuna para sa polio na naimbento ni Jonas Salk, at sinabi ng nanay ni Susan na pinatnubayan siguro ng Diyos ang pananaliksik ni Salk.
“Kung gano’n, dapat noon pa pinatnubayan ng Diyos ang mga doktor para hindi sana nalagay sa iron lung si Al,” ang sagot ni Susan.
Ganito tinapos ni Susan ang kuwento tungkol sa kaniyang pagkabata: “Namatay si [Al] pagkatapos lang ng walong taon, at nang panahong iyon, isa na akong ganap na ateista.”
Tulad ni Susan, maraming nakaranas o nakasaksi ng trahedya ang hindi makahanap ng kasiya-siyang sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa Diyos. Ang ilan ay naging ateista. At hindi man lubusang itinatanggi ng iba ang pag-iral ng Diyos, nag-aalinlangan naman sila.
Hindi naman masasabing walang alam sa relihiyon ang mga ateista at mga nag-aalinlangan. Sa katunayan, ang masamang karanasan nila sa relihiyon ang kadalasang nagtutulak sa kanila na mawalan ng paniniwala sa Diyos. Para sa kanila, hindi masagot ng mga relihiyon ang mahihirap na tanong sa buhay. Anong klaseng mga tanong? Nakapagtataka, kadalasang ito rin ang mga tanong ng mga taong nag-aangking naniniwala sa Diyos. Narito ang tatlong tanong ng maraming tao para sa Diyos, at ang sagot na ibinibigay ng Bibliya.
Marami ang nagsasabi, ‘Kung ang Diyos ay maibigin, hindi niya hahayaang mangyari ang mga trahedya sa buhay.’
PAG-ISIPAN ITO: Para sa atin, baka ang mga kaugalian at tradisyon ng ibang kultura ay kakaiba—marahil ay nakagugulat pa nga. Kaya naman napakadaling husgahan ang kanilang ikinikilos. Halimbawa, sa isang kultura, ang pagtingin sa mata ay tanda ng sinseridad; pero sa iba, itinuturing itong tanda ng kawalang-galang. Pero hindi masasabing mali sila. Sa halip, kailangan lang natin silang makilala pa nang higit.
Posible kayang ganiyan din ang nangyayari pagdating sa pagkaunawa natin tungkol sa Diyos? Marami ang naniniwalang ang laganap na pagdurusa ay patunay na walang Diyos. Pero ang mga nakauunawa kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa ay kumbinsidong umiiral siya.
ANG SABI NG BIBLIYA: Ang mga kaisipan at pagkilos ng Diyos ay ibang-iba sa atin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil diyan, baka hindi natin agad maintindihan ang kaniyang ikinikilos at ang kaniyang mga dahilan kung bakit hindi siya agad kumikilos.
Pero hindi sinasabi ng Bibliya na maniwala tayo sa sabi-sabing “Mahiwaga ang mga gawa ng Diyos at di-kayang abutin ng ating isip.” Sa halip, hinihimok tayo nitong kilalanin ang Diyos para maunawaan natin ang dahilan at panahon ng kaniyang pagkilos.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Puwede pa nga tayong mapalapít sa kaniya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Baka ikatuwiran ng ilan, ‘Kung mahalaga sa Diyos ang sinseridad, dapat sana’y hindi mapagpakunwari ang mga nag-aangking sumasamba sa kaniya.’
PAG-ISIPAN ITO: Ipagpalagay na tinalikuran ng isang anak ang magandang pagpapalaki sa kaniya ng tatay niya at naglayas para magpakasamâ. Bagaman hindi sang-ayon ang tatay sa desisyon ng anak, hinayaan niya itong gawin ang gusto nito. Tama bang isipin na masama ang tatay niya o na wala pa nga siyang tatay? Hindi! Sa katulad na paraan, ang pagkukunwari ng mga taong relihiyoso ay patunay lang na hinahayaan ng Diyos ang mga tao na pumili ng buhay na gusto nila.
ANG SABI NG BIBLIYA: Kinapopootan ng Diyos ang pagpapaimbabaw sa relihiyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero hinahayaan din niya ang mga tao na magpasiya nang may kalayaan. Marami na nag-aangking naniniwala sa Diyos ang nagpapasiyang sumunod sa mga turong gawa ng tao at sa sarili nilang pamantayan pagdating sa moralidad.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sa kabaligtaran, ang relihiyong sinasang-ayunan ng Diyos ay hindi mapagpakunwari.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pag-ibig na ito ay dapat na walang halong pagpapaimbabaw. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi nasunod ng maraming relihiyon ang pamantayang iyan. Halimbawa, nang magkaubusan ng lahi sa Rwanda noong 1994, libo-libong taong relihiyoso ang pumatay ng kanilang mga kapananampalataya dahil lang sa iba ang tribo ng mga ito. Pero hindi nakibahagi rito ang mga Saksi ni Jehova, at pinrotektahan nila ang kanilang mga kapananampalataya pati na ang iba, kahit manganib pa ang kanilang buhay. Ang gayong pagsasakripisyo ay patunay na may relihiyong walang bahid ng pagkukunwari.
Nagtataka ang ilan: ‘Bakit 80 o 90 taon lang ang buhay ng tao, at pagkatapos ay namamatay na siya? Ano ang layunin ng gayon kaikling buhay?’
PAG-ISIPAN ITO: Marami na hindi naniniwala sa Diyos ang kumikilala sa pagiging masalimuot at maayos ng kalikasan. Nauunawaan nila na ang ating planeta, ang buwan, at ang iba pang planeta ay isinaayos nang tamang-tama para masustinihan ang buhay sa lupa. Sinasabi nila na ang mga batas ng kalikasan na kumokontrol sa uniberso ay saktong-sakto at tamang-tama, at kung magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago, magiging imposible ang buhay sa lupa.
ANG SABI NG BIBLIYA: Para sa marami, ang ating maikling buhay ay patunay na walang Diyos. Pero ang kalikasan ay nagbibigay ng sapat na ebidensiya na mayroon ngang Maylikha. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May layunin siya sa paglikha ng mga bagay na ito, at ang pag-iral natin ay may malapít na kaugnayan sa kaniyang layunin. Nilikha ng Diyos ang mga tao para mabuhay sa lupa magpakailanman, at iyan pa rin ang kaniyang layunin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sa pamamagitan ng kalikasan, malalaman natin ang pag-iral ng Diyos at ang ilan sa kaniyang mga katangian. Pero para malaman natin ang layunin ng Diyos at ang dahilan ng ating pag-iral, kailangan natin ang pakikipag-ugnayan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Bibliya, nakikipag-ugnayan siya sa atin sa simple at tuwirang paraan.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na pag-isipan ang mga sagot na iyan mula sa Bibliya.
Para malaman kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Noong bata pa si Harry, hindi niya maintindihan kung bakit pinahihintulutan ng maibiging Diyos ang pagdurusa. Noong kabataan siya, nasaksihan niya kung gaano kasama ang digmaan. Kaya naitanong niya, “Kung may makapangyarihan-sa-lahat na Maylalang, bakit niya pinahihintulutang danasin ng napakaraming tao, lalo na ng inosenteng mga bata, ang gayong mga kalagayan?”
Kahit nakapagtapos si Harry sa unibersidad at nagsuri ng iba’t ibang relihiyon, hindi pa rin nasagot ang mga tanong niya. Matapos itong pag-isipan nang maraming taon, nasabi niya na “talaga nga sigurong walang Diyos.”
Harry
Nang marinig ni Harry ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniyang mga tanong, tinanggap niya iyon. Natutuhan niyang hindi nagmula sa Diyos ang kasamaan; galít nga ang Diyos dito at nasasaktan Siya kapag nagdurusa ang iba. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nalaman ni Harry na lahat ng sakit at pagdurusa ay resulta ng pagtanggi ng mga tao sa awtoridad ng Diyos at ng maling paggamit nila ng kalayaang magpasiya sa tama at mali. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nakita rin ni Harry na hindi pinabayaan ng Diyos ang mga tao kahit kasalanan nila kung bakit sila nagdurusa. Sa halip, gumawa agad ang Diyos ng mga paraan para alisin ang kasamaan at pagdurusa. Lubusan niyang aayusin ang pinsalang ginawa ng mga tao. Samantala, ang Diyos ay nagbibigay ng pag-asa at tulong sa mga may pinagdaraanan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Hindi lang natugunan ng mga sagot na ito ang mahalagang tanong ni Harry, natulungan pa siyang makayanan ang trahedyang nangyari sa kaniya nang maglaon.
Matapos bisitahin si Al sa ospital, tinanong ni Susan ang nanay niya: “Bakit iyon ginawa ng Diyos sa isang munting bata?”
“Tiyak na sasabihin ng pari na may dahilan ang Diyos,” ang sagot ng nanay niya, “pero hindi ko alam kung ano iyon.”
Pagkalipas ng dalawang taon, noong 1954, inilabas ang bakuna para sa polio na naimbento ni Jonas Salk, at sinabi ng nanay ni Susan na pinatnubayan siguro ng Diyos ang pananaliksik ni Salk.
“Kung gano’n, dapat noon pa pinatnubayan ng Diyos ang mga doktor para hindi sana nalagay sa iron lung si Al,” ang sagot ni Susan.
Ganito tinapos ni Susan ang kuwento tungkol sa kaniyang pagkabata: “Namatay si [Al] pagkatapos lang ng walong taon, at nang panahong iyon, isa na akong ganap na ateista.”
Tulad ni Susan, maraming nakaranas o nakasaksi ng trahedya ang hindi makahanap ng kasiya-siyang sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa Diyos. Ang ilan ay naging ateista. At hindi man lubusang itinatanggi ng iba ang pag-iral ng Diyos, nag-aalinlangan naman sila.
Hindi naman masasabing walang alam sa relihiyon ang mga ateista at mga nag-aalinlangan. Sa katunayan, ang masamang karanasan nila sa relihiyon ang kadalasang nagtutulak sa kanila na mawalan ng paniniwala sa Diyos. Para sa kanila, hindi masagot ng mga relihiyon ang mahihirap na tanong sa buhay. Anong klaseng mga tanong? Nakapagtataka, kadalasang ito rin ang mga tanong ng mga taong nag-aangking naniniwala sa Diyos. Narito ang tatlong tanong ng maraming tao para sa Diyos, at ang sagot na ibinibigay ng Bibliya.
1 “BAKIT MO PINAHIHINTULUTAN ANG PAGDURUSA?”
Bakit dapat itanong iyan?Marami ang nagsasabi, ‘Kung ang Diyos ay maibigin, hindi niya hahayaang mangyari ang mga trahedya sa buhay.’
PAG-ISIPAN ITO: Para sa atin, baka ang mga kaugalian at tradisyon ng ibang kultura ay kakaiba—marahil ay nakagugulat pa nga. Kaya naman napakadaling husgahan ang kanilang ikinikilos. Halimbawa, sa isang kultura, ang pagtingin sa mata ay tanda ng sinseridad; pero sa iba, itinuturing itong tanda ng kawalang-galang. Pero hindi masasabing mali sila. Sa halip, kailangan lang natin silang makilala pa nang higit.
Posible kayang ganiyan din ang nangyayari pagdating sa pagkaunawa natin tungkol sa Diyos? Marami ang naniniwalang ang laganap na pagdurusa ay patunay na walang Diyos. Pero ang mga nakauunawa kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa ay kumbinsidong umiiral siya.
ANG SABI NG BIBLIYA: Ang mga kaisipan at pagkilos ng Diyos ay ibang-iba sa atin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dahil diyan, baka hindi natin agad maintindihan ang kaniyang ikinikilos at ang kaniyang mga dahilan kung bakit hindi siya agad kumikilos.
Pero hindi sinasabi ng Bibliya na maniwala tayo sa sabi-sabing “Mahiwaga ang mga gawa ng Diyos at di-kayang abutin ng ating isip.” Sa halip, hinihimok tayo nitong kilalanin ang Diyos para maunawaan natin ang dahilan at panahon ng kaniyang pagkilos.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Puwede pa nga tayong mapalapít sa kaniya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
2 “BAKIT PUNÔ NG PAGKUKUNWARI ANG RELIHIYON?”
Bakit dapat itanong iyan?Baka ikatuwiran ng ilan, ‘Kung mahalaga sa Diyos ang sinseridad, dapat sana’y hindi mapagpakunwari ang mga nag-aangking sumasamba sa kaniya.’
PAG-ISIPAN ITO: Ipagpalagay na tinalikuran ng isang anak ang magandang pagpapalaki sa kaniya ng tatay niya at naglayas para magpakasamâ. Bagaman hindi sang-ayon ang tatay sa desisyon ng anak, hinayaan niya itong gawin ang gusto nito. Tama bang isipin na masama ang tatay niya o na wala pa nga siyang tatay? Hindi! Sa katulad na paraan, ang pagkukunwari ng mga taong relihiyoso ay patunay lang na hinahayaan ng Diyos ang mga tao na pumili ng buhay na gusto nila.
ANG SABI NG BIBLIYA: Kinapopootan ng Diyos ang pagpapaimbabaw sa relihiyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero hinahayaan din niya ang mga tao na magpasiya nang may kalayaan. Marami na nag-aangking naniniwala sa Diyos ang nagpapasiyang sumunod sa mga turong gawa ng tao at sa sarili nilang pamantayan pagdating sa moralidad.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sa kabaligtaran, ang relihiyong sinasang-ayunan ng Diyos ay hindi mapagpakunwari.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pag-ibig na ito ay dapat na walang halong pagpapaimbabaw. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi nasunod ng maraming relihiyon ang pamantayang iyan. Halimbawa, nang magkaubusan ng lahi sa Rwanda noong 1994, libo-libong taong relihiyoso ang pumatay ng kanilang mga kapananampalataya dahil lang sa iba ang tribo ng mga ito. Pero hindi nakibahagi rito ang mga Saksi ni Jehova, at pinrotektahan nila ang kanilang mga kapananampalataya pati na ang iba, kahit manganib pa ang kanilang buhay. Ang gayong pagsasakripisyo ay patunay na may relihiyong walang bahid ng pagkukunwari.
3 “BAKIT TAYO NARIRITO?”
Bakit dapat itanong iyan?Nagtataka ang ilan: ‘Bakit 80 o 90 taon lang ang buhay ng tao, at pagkatapos ay namamatay na siya? Ano ang layunin ng gayon kaikling buhay?’
PAG-ISIPAN ITO: Marami na hindi naniniwala sa Diyos ang kumikilala sa pagiging masalimuot at maayos ng kalikasan. Nauunawaan nila na ang ating planeta, ang buwan, at ang iba pang planeta ay isinaayos nang tamang-tama para masustinihan ang buhay sa lupa. Sinasabi nila na ang mga batas ng kalikasan na kumokontrol sa uniberso ay saktong-sakto at tamang-tama, at kung magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago, magiging imposible ang buhay sa lupa.
ANG SABI NG BIBLIYA: Para sa marami, ang ating maikling buhay ay patunay na walang Diyos. Pero ang kalikasan ay nagbibigay ng sapat na ebidensiya na mayroon ngang Maylikha. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May layunin siya sa paglikha ng mga bagay na ito, at ang pag-iral natin ay may malapít na kaugnayan sa kaniyang layunin. Nilikha ng Diyos ang mga tao para mabuhay sa lupa magpakailanman, at iyan pa rin ang kaniyang layunin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sa pamamagitan ng kalikasan, malalaman natin ang pag-iral ng Diyos at ang ilan sa kaniyang mga katangian. Pero para malaman natin ang layunin ng Diyos at ang dahilan ng ating pag-iral, kailangan natin ang pakikipag-ugnayan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Bibliya, nakikipag-ugnayan siya sa atin sa simple at tuwirang paraan.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Inaanyayahan ka ng mga Saksi ni Jehova na pag-isipan ang mga sagot na iyan mula sa Bibliya.
Para malaman kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
NASAGOT ANG KANIYANG MGA TANONG