What's new

Tanong tungkol sa pagiging ninong o ninang???

blakedrain

Honorary Poster
Established
Joined
Oct 26, 2020
Posts
519
Reaction
140
Points
235
Mga boss ask ko lang kung may pamahiin po ba talaga tungkol sa pagpili ng kaibigan mo na maging ninong ng anak mo kung yun kaibigan mo ay ikaw ang ninong ng anak niya. yun asawa ko kasi sabi masama daw dahil solian daw ng kandila ang mangyayari
 
Ang daming naiimbentong kinaugalian ng mga tao imbes na mas dapat sundin ninyo ang mga pamantayan ng Diyos. Sa tuwing nababanggit ang salitang pamahiin unang pumapasok sa isip ko ay ang pwera usog sa mga sanggol. Sisisihin ka na sumama ang pakiramdam ng isang sanggol which is normal lang naman na suma-sama paminsan-minsan ang pakiramdam nila. Tapos laway ang ipanggagamot mo? Kadiri.. tapos maisipan pa ng nanay nung baby yung mga nakipaglaro sa baby nya iisa-isahin pa yun tapos silang lahat lalawayan ka.. paano kung gawin ninyo yan ngayong may Pandemic? Gagawin ba ninyo?

Kapag sumama ang pakiramdam ni baby pwedeng gutom, may kabag, gustong magpakarga, pagod o inaantok, naiinitan, kailangan ng palitan ng diapers at kung masama na talaga ang pakiramdam ni baby mas mabuti na magpunta agad sa Doctor huwag sa mga kapitbahay mo..

eto naman si ikaw na napagbintangan sa kasalanan na di mo naman ginawa malulungkot ka syempre at parang may kirot sa damdamin mo yung nangyari.. kaya minsan ayoko nakikipaglaro sa mga baby lalo na kung yung pamilya mapapaniwalain sa mga pamahiin..

Kontra tlaga ako sa mga pamahiin. Kung trip nyo tlaga magpapaniwala sa mga ganyan edi sige lang. May kanya-kanya naman tayo ng paniniwala sinabi ko lang ang pananaw ko patungkol sa pamahiin. 😅😉
 
Back
Top