What's new

Closed Tanong sa mga Katoliko

Status
Not open for further replies.

lakas20198

Addict
Joined
Aug 26, 2018
Posts
91
Reaction
16
Points
91
Age
24
Alam nyo b kwento ni abraham? Yung prank ng Dyos sa kanya, (ialay/patayin anak nya)
If sayo mangyayare yun gagawin mo b?
Handa mo bang ipahamak buhay ng anak mo para sa Dyos?
Ano sa tingin mo magiging implikasyon non patungo sayo?
Ano kaya magiging tingin sayo ng Lipunan?
Tama ba yon kung gaagwin mo?
 
Alam. Inisip ko rin no'ng una 'kong nabasa 'yon na parang ang unfair ng hamon kasi mahirap mamili sa pagitan ng Diyos at sarili mong anak. Hahaha.
 
Siguro gagawin ko rin gaya ng ginawa ni Abraham, na handa niyang ialay ang kaniyang anak sa Dios. Kasi doon tayo magpapakita ng loyalty at pagiging faithful sa Dios na Makapangyarihan sa lahat. Laliman lang natin ang ating pang-unawa, if ever na naialay ni Abraham ang kaniyang anak sa Dios, kaya pa rin ng Dios na buhayin ang kaniyang anak kasi nga, ang Dios ang may-ari ng buhay. Pero bandang huli pinigil din siya ng Dios kasi nakikita ng Dios na tapat si Abraham na wala siyang pag-aalinlangan na ibigay ang kaniyang anak para sa Kanya. Natatarok kasi ng Dios ang pag-iisip at puso ng tao kaya alam Niya na handa ngang gawin ni Abraham 'yon.

Mianhae. Hindi pala ako Katoliko.
 
Totoo yan, lods. Buo dapat ang pagtitiwala natin sa Diyos. No'ng una kong mabasa 'yon ang nasa isip ko parang unfair pero no'ng naintindihan ko yung faith ko, naintindihan ko na kung bakit handa siyang gawin 'yon.
 
Halimbawa na may spirit na magpakita sayo na nagsabi na sya daw ang god at ipagawa sa yo yung pinagawa ka abraham. Sabi mo gagawin mo din.

Tanong ko, pano kung yung spirit ay isang panggap at nakitil mo yung buhay ng anak mo? Ano ang magiging saloobin mo?

At ang mas malaking tanong: how can you distinguish the "real" spirit from an impersonation knowing that human perception is infallible?
 
Gaano kadami ang followers ng god sa pinas? Kumusta ang kalagayan ng pinas? Does it shows that through god's guidance, we are on the right track?
 
Pasira na ang mundo kahit anong gawin ng tao hindi na nila mapapabuti ang kalagayan ng mundo kahit gaano ka pa kayaman o katalino
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top