What's new

Trivia Tanong sa Buhay at sa Bibliya na hindi parin nasasagot, Pasok!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Handa po kami sagutin sa abot ng aming makakaya ang mga katanungan ninyo na hindi pa nasasagot kailanman tungkol sa buhay at sa bibliya.
Para po sa mga interesado at gustong malaman ang sagot, malaya po kayo na mag tanong sa thread na to. Salamat po.
Mga sasagot sa inyong katanungan:
-Gentleman007

-jrnievas
-ace

-yortz
 
Last edited:
Screenshot_20210407-221959_1.jpg



Screenshot_20210407-212146_1_1.jpg



Screenshot_20210407-212535_1.jpg



Screenshot_20210408-004235_1.jpg

Screenshot_20210408-004118_1.jpg



Screenshot_20210408-004819_1.jpg



Screenshot_20210407-212535_1.jpg



Screenshot_20210407-212754.jpg


Screenshot_20210407-212600_1_1.jpg



Screenshot_20210407-214125_1.jpg



Screenshot_20210315-213612_1.jpg



Screenshot_20210321-201104_1_1_1.jpg



Screenshot_20210329-203902_1.jpg



Screenshot_20210321-212650_1.jpg
 
Last edited:
Kung naniniwala ang isang tao sa sinasabi ng Bible, malamang na mas ituturing niya na tama ang sinasabi nito kung tungkol sa mga mahihiwagang bagay o misteryosong mga pangyayari na nagaganap sa mundo.

Bakit may mga nangyayring misteryosong mga bagay sa mundo, gaya ng paglitaw ng mga UFO, paniniwala sa mga extraterrestrial, or pagpapakita ng sinasabing mga yumao ng mahal sa buhay?

Sinasabi ng Bible na ang isa na masama ang kumokontrol ngayon sa mundo, at tinukoy siya ng Bibliya bilang si Satanas na Diyablo.

At pansinin mo kung paano inilarawan si Satanas sa Bible.

Alam natin na tayo ay nagmula sa Diyos, pero ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isa na masama. (1 Juan 5:19)

Kaya yamang ang buong mundo ay nasa impluwensiya ngayon ni Satanas na Diyablo, ang isa na masama, gagawa at gagawa siya ng paraan para iligaw ang mga tao at ilayo ang mga tao sa Diyos.

”Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo; inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.” (Apoc. 12:9)

”Kayo ay mula sa inyong amang Diyablo, at gusto ninyong gawin ang mga kagustuhan ng inyong ama. Mamamatay-tao siya nang siya ay magsimula, at hindi siya nanindigan sa katotohanan, dahil wala sa kaniya ang katotohanan. Nagsisinungaling siya dahil iyon ang personalidad niya, dahil isa siyang sinungaling at siya ang ama ng kasinungalingan.” (Juan 8:44)

Para hindi tayo malamangan ni Satanas, dahil alam naman natin ang mga pakana niya. (2 Cor. 2:11)

Oo, si Satanas na ama ng kasinungalingan, na siyang nagliligaw sa mga tao sa buong mundo, ay mayroong mga pakana. Ang hiwaga ng kalawakan, at pagsasaisip na mayroong buhay sa iba pang planeta ay isang paraan na ginagamit ni Satanas para ilayo ang mga tao sa Diyos at sa kaniyang salita, ang Bibliya. Paano? Gustong-gusto kasi ni Satanas na magfocus ang mga tao sa paghahanap ng sagot sa hiwaga ng kalawakan sa pamamagitan ng pagfofocus sa mga bagay na iyon, pagreresearch sa mga iyon, at pagtuklas sa mga bagay na iyon, sa halip, na gustuhin ng mga tao na tuklasin ang sinasabi ng Bible tungkol sa Diyos.

Inilalayo ng gayong hiwaga ang mga tao sa tunay na Diyos na nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga pakana ni Satanas. Oo, iyan ang gustong mangyari ni Satanas, hanapin ng mga tao, hindi ang tunay na Diyos, na si Jehova, kundi ang ibang mga bagay gaya ng paniniwala sa UFO at extraterrestrial.

Kaya, ang mga “patunay” daw na mayroong UFO, ay isa lamang sa mga pakana ni Satanas upang iligaw ang mga tao, at upang patuloy na mgsaliksik ang mga tao ng buhay sa labas ng planetang lupa kung saan nagmula ang mga tao.
 
Salungat din sa kalikasan ng tao na mabuhay sa ibang planeta dahil, ang totoo, nang lalangin tayo ng Diyos, ang katawan natin ay dinisenyo na mabuhay dito sa lupa dahil ang mismong katawan natin ay dito kinuha.

“At inanyuan ng Diyos na Jehova ang tao mula sa ALABOK NG LUPA at inihihip sa mga butas ng ilong nito ang hininga ng buhay, at ang tao ay nagkaroon ng buhay. ” (Genesis 2:7)

Parang sa isda, ang isda ay dinesign para sa tubig, hindi sa lupa. Iyon ang kalikasan nila. So, tayong mga tao, nakadesign tayo para mabuhay dito sa lupa, hindi para mabuhay sa ibang planeta.
 
Sa ngayon, magpapatuloy at magpapatuloy pa ang pagsasaliksik ng mga tao tungkol sa hiwaga ng kalawakan, kung may buhay sa labas ng planetang lupa. Dadami at dadami pa ang gagawa nito.

“Pero ang masasamang tao at mga impostor ay lalo pang sásamâ. Sila ay manlíligaw at maililigaw.” (2 Timoteo 3:13)

Kung sana lang ay malalaman ng mga tao ang totoong layunin ng Diyos para sa lupa, hindi sana sila mag-aaksaya ng panahon upang gugulin ang panahon nila sa paghahanap ng buhay sa labas ng planetang ito, kundi sana ay ginugugol nila ang kanilang panahon sa pagkilala sa Isa na nagbigay ng buhay sa lahat, walang iba, kundi ang Diyos na Jehova.

Napakaganda ng layunin ni Jehovah para sa lupa. Dahil nga lang sa napakarami at nakalilitong mga paniniwala, kung kaya, hindi nalalaman ng mga tao ang katotohanan tungkol sa kaniya at sa kaniyang layunin para sa lupa.
 

Similar threads

Back
Top