What's new

Help Tanong : paano malaman ang buhay ng fan sa laptop

Racer_X

Eternal Poster
hi po . .magandang araw po sa lahat ..

tanong ko lang po sana if my way po na malaman yung buhay ng fan ng laptop nang hindi po binubuksan ?

binigyan po kasi ako ng sister ko ng laptop tapos minsan nadidinig ko na parang mag tumutunog sa laptop, parang fan po pero nagagamit ko naman po ng maayos ..
naiisip ko na baka need na palitan ang fan , parang bibigay na po ..

di naman po buong araw nag tunog sa fan minsan lang po nadidinig ko ..

salamat po
 
Kung lumang laptop yan, pwedeng yung fan or yung hardisk drive nya. Minsan kasi kapag luma na yung HDD, may pitik na sound na maririnig. Better na buksan mo at tingnan, baka kailangan na ring linisin yung fins ng radiator.
 
salamat po . .ssd na po sya .. sory po di ko nabanggit
 
TS, kailangan mo nang ipalinis yung cooling system ng laptop mo, pati na iyong thermal paste ng CPU at GPU palitin na rin.
Kung madalas mong marinig yung fan, ibig sabihin madalas ding mag-max yung speed niya, proportional iyan sa temperature ng cpu at gpu mo. Bumaba na ang efficiency ng cooling niya.
 
yun ugong na naririnig mo sa loob ng laptop mo ay yun cooling ng cpu/gpu,,, kung old generation yan ay malakas uminit yun cpu at yun bilis ng ikot ng fan o rpm ay depende yan sa init ng cpu kaya kung barado ng alikabok ang heat-sink fan assembly ay bibilis pa lalo ang ikot ng fan na parang umuugong para mailabas ang init kaya kailangan linisan
 
noted po . .salamat po sa ideya

TS, kailangan mo nang ipalinis yung cooling system ng laptop mo, pati na iyong thermal paste ng CPU at GPU palitin na rin.
Kung madalas mong marinig yung fan, ibig sabihin madalas ding mag-max yung speed niya, proportional iyan sa temperature ng cpu at gpu mo. Bumaba na ang efficiency ng cooling niya.
noted po . salamat po sa ideya po
 
Similar threads

Back
Top