What's new

Closed TANONG NG MGA KABATAAN: Paano Ako Makakapagpokus?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
500600106_univ_lsr_lg.jpg






Bakit hindi ako makapagpokus?
“Dati, mahilig akong magbasa ng libro. Pero ngayon hindi na. Kahit nga mahahabang paragraph, tinatamad na akong basahin.”—Elaine.
“Kapag nababagalan ako sa pinapanood kong video, pina-fast forward ko ’yon.”—Miranda.
“Kahit na may ginagawa ako, basta tumunog ang cellphone ko, ’di na ako makapag-concentrate kakaisip kung sino ang nagtext sa ’kin.”—Jane.
May mga nagsasabi na dahil sa teknolohiya, nahihirapan silang magpokus. “Kapag mas madalas tayong nag-i-Internet, mas lalong nasasanay ang utak natin na ma-distract—mabilis at mahusay nating napoproseso ang mga impormasyon nang hindi nagpopokus,” ang sabi ng awtor at management consultant na si Nicholas Carr. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Pag-isipan ang tatlong sitwasyon kung saan posibleng mawala ang pokus mo dahil sa teknolohiya.
  • Kapag nakikipag-usap. “Kahit kaharap na nila ang kausap nila,” ang naobserbahan ng kabataang si Maria, “text pa rin nang text ang mga tao, naglalaro ng games, o panay pa rin ang tingin nila sa social media. Wala talaga ang atensiyon nila sa kausap nila.”
  • Kapag nasa klase. “Sinasabi ng karamihan sa mga estudyante na ginagamit nila ang mga gadyet nila habang klase para magtext, mag-browse, o magbasa at manood ng kung ano-ano,” ang sabi ng aklat na Digital Kids, at na ginagamit nila ang mga gadyet nila “para sa mga bagay na wala namang koneksiyon sa pag-aaral.”
  • Kapag nag-aaral. “Ang hirap na hindi tumingin sa cellphone kapag tumunog ’to,” ang sabi ng 22-taóng-gulang na si Chris. Kung estudyante ka, ang isang oras na paggawa ng assignment ay puwedeng maging tatlong oras o higit pa kung lagi kang nadi-distract ng mga gadyet mo.
Tandaan: Mahihirapan kang magpokus kung hahayaan mong ma-distract ka at makontrol ng teknolohiya.
500600106_univ_cnt_2_lg.jpg
Kapag hindi nakapokus ang isip mo, para kang nakasakay sa isang nagwawalang kabayo—ikaw ang kokontrolin nito
Kung paano magpopokus
  • Kapag nakikipag-usap. Sinasabi ng Bibliya: “[Isipin] ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makinig na mabuti—pagpapakita iyon ng konsiderasyon. Tingnan ang kausap mo, at huwag kang magpa-distract sa gadyet mo.
    “Kapag may kausap ka, iwasang tingnan ang cellphone mo. Kasi kapag nasa kausap mo ang atensiyon mo, ipinapakita mo na iginagalang mo siya.”—Thomas.
    TIP: Kapag nakikipag-usap ka, itago ang cellphone mo. Ayon sa mga mananaliksik, kapag nakikita mo ang cellphone mo, mas malaki ang posibilidad na ma-distract ka, kasi inaasahan mo na may lilitaw doon.
  • Kapag nasa klase. Sinasabi ng Bibliya: “Bigyang-pansin ninyo kung paano kayo nakikinig.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makakatulong ang prinsipyong iyan kung pinapayagan kayong mag-Internet habang nasa classroom. Huwag mag-check ng e-mail, maglaro ng games, o mag-chat habang oras ng klase.
    “Sikapin mong magpokus sa klase. Kumuha ka ng notes. Kung posible, umupo ka sa unahan ng classroom para hindi ka ma-distract.”—Karen.
    TIP: Isulat ang notes mo imbes na gumamit ng gadyet. Kasi ayon sa mga pagsasaliksik, mas makakapagpokus ka at mas maaalala mo ang natutuhan mo.
    500600106_univ_cnt_3_lg.jpg
  • Kapag nag-aaral. Sinasabi ng Bibliya: “Kumuha ka ng karunungan, kumuha ka ng unawa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, kailangan mong maintindihan ang pinag-aaralan mo imbes na basta na lang ito kabisaduhin para lang makapasa sa exam.
    “Kapag nag-aaral ako, inilalagay ko sa airplane mode ang tablet ko para makapagpokus ako. Hindi ko tinitingnan ang mga notification ko. Kapag may kailangan akong tandaan, isinusulat ko ’yon.”—Chris.
    TIP: Mag-aral sa isang lugar kung saan makakapagpokus ka. Panatilihin itong malinis at maayos.

Ang sinasabi ng ibang kabataan
500600106_univ_cnt_4_xs.jpg
“Sa pag-aaral, puwede kang maging gaya ng water-skier na maraming napupuntahan, pero nasa ibabaw lang ng tubig. Para matuto ka talaga, kailangan mong maging gaya ng scuba diver, na sumisisid sa ilalim para makakita ng mahalagang bagay.”—Katie.
500600106_univ_cnt_5_xs.jpg
“Kapag mabuti ang kalusugan ng isang tao, mas nakakapag-isip siya nang maayos. Mas nakakapagpokus ako kapag masustansiya ang pagkain ko. Malaking tulong din kung sapat ang tulog ko, kasi mas alerto ako kinabukasan at mas nakakapag-concentrate ako.”—Rogelio.

Review: Paano ako makakapagpokus?
  • Kapag nakikipag-usap. Makinig na mabuti sa kausap mo—pagpapakita iyon ng konsiderasyon. Huwag mong hayaang ma-distract ka.
  • Kapag nasa klase. Huwag mag-check ng e-mail, maglaro ng games, o mag-chat.
  • Kapag nag-aaral. Mag-aral sa isang lugar kung saan makakapagpokus ka. Panatilihin itong malinis at maayos.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top