What's new

Help Tanong lang

Boga bawal na!​

Inutos na ni Pangulong Arroyo ang pagbabawal sa paggamit ng boga o bazooka, isang uri ng paputok na yari sa PVC pipe na popular at nangungunang pasabog ngayon na ginagamit ultimo ng mga bata.

Sa kanyang direktiba, inatasan nito ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng isang ordinansa na magbabawal sa paggamit ng boga. Ito ay kasunod ng nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga nadisgrasya kung saan nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DOH) ng 30 sugatan sanhi ng boga bago pa man mag-Pasko.

Dahil dito, kumilos na si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief director Reynaldo Varilla at inatasan ang limang police directors sa Metro Manila, station at mga precinct commanders na kumpiskahin ang lahat ng mga boga na ibinibenta sa lansangan upang hindi na madisgrasya pa ang maraming taong gagamit nito.

Sinabi ni Varilla na ang boga ay ikinokonsiderang mapanganib na pyrotechnic device na maaaring ikasawi ng sinumang gagamit nito sa ilalim ng Republic Act 7183 (Act Regulating the Sale, Manufactire and Distribution and Use of Fire*****ers and other Pyrothecnic Device).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, base sa kanilang nakalap na impormasyon, ang boga ang pangunahing paputok na mas maraming bilang ang nasusugatan simula noong Disyembre 21-27 kaya’t nangangamba ang DOH sa posibleng pagtaas pa ng bilang nito. Halos 200 porsiyento na ang itinaas ng bilang ng mga natatamaan ng paputok kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 63 porsiyento.

Nagpulong na kahapon ang mga opisyal ng DOH at PNP upang pag-aralan kung paano nila kukumpiskahin ang mga boga na hindi magagalit ang mga tao dahil aminado sila na wala pang batas tungkol sa pagkumpiska dito.

Source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Salamat boss sa info
 
bawal talaga yan pero di parin natigil yung iba sa pag gawa niyan. isama mo na ako.
depende talaga sa local brgy. kung mag implement sila ng strict na rules para jan.
 
Similar threads

Back
Top